Ganda ng Nescafe Commercial na yan hindi ba?. Very Pinoy. Very original. Totoong-totoo para sa atin.
Tuwang tuwa tayo sa mga bagay na bawal. Pangkaraniwan na kasi sa atin yang word na “Bawal”.
Bawal Umihi dito – Yan ang nakasulat sa mga pader na malimit ko makita. Tiyak amoy ihi diyan at manilaw-nilaw ang paligid. Kaya nga naglagay na ng mga urinal ang MMDA sa ilang piling lansangan.
Bawal magtapon ng Basura dito – Tiyak maraming basura sa lugar na iyan. Tama ba?
No Smoking – Wait ka lang ng ilang sandali sigurado ako may makikita kang mag-yoyosi. Mga Driver pa nga ng Jeep o Bus ang pasimuno.
No U-Turn – Dito maraming kumikitang Pulis o MMDA. Kaya nga kung pwedi puro ganyan ilagay nila sa bawat kanto ng intersection.
No Littering – P500.00 ang multa kapag nahuli ka ng MMDA sa mga lugar gaya ng LRT station. Ang dami kong nakikitang nahuhuli. Kamot ng ulo at pagkabigla ang tugon ng mga damuho.Hindi daw nila alam. Tsk Tsk Tsk...
Bawal Dumura – ehem, galit pa ang isang sinita nang isang MMDA officer. Ang katwiran ng mga damuho ay hindi daw nakakabara ng mga kanal ang dura.
Baki kaya matigas ang ulo ng Pinoy? Pero pagdating naman natin sa ibang bansa ay sumusunod naman tayo sa mga batas nila.
Sa trabaho naman ganun din. Kapag nahuli at nasita sa pag-gawa ng bawal, ang isasagot ay “Pasensiya na ho at hindi ko ho sinasadya. Hindi na ho ako uulit”.
Kung sabagay ay masarap talaga ang Bawal. Gaya ng bawal na pag-ibig.
Bawal tumawid – pero nakita niyo naman ang daming tumatawid. Sa inis ng mga may kapangyarihan sanhi ng mga matitigas ang ulong sumusuway ay nilagyan ng sign na,”May Namatay na Rito”.
Paki explain nga mga kapatid bakit ganyan ang ugali ng Pinoy?
Kung may alam ka ring bawal na wa epek sa atin, sige huwag na mahiya at idagdag na dine.
O teka, baka oras ng work mo at nagbabasa ka nito? Bawal din yan.
Babu na muna at papasok pa ako. Bawal ito sa Trabaho ko.
3 comments:
sir, bkit naman dito samin wla nman nakapaskil na bawal ang nakasimangot pro nakasimangot?? lagyan ko kaya ng bawal ang naka-smile at bawal ang mabait sa telepono? ^-^ c",)
Madalas dahil mas Convenient..
Dito sa Store may Nakalagay bawal ang nakasimangot. Pero humingi ng despensa kasi pinaglihi daw siya sa suka. Kaya ang nakpaskil" Bawal ang naksimangot,Except Pinaglihi sa Suka"
Post a Comment