Friday, December 17, 2010

Azkals Natalong Lumalaban

Salamat sa Studio 23 at naicover ng live ang laban kagabi(Thursday, December 16, 2010) ng Azkals, Philippine Team vs Indonesia kagabi na ginanap sa Bung Karno Stadium in Jakarta , Indonesia.

Grabe sa dami ng tao ang stadium na balita ay umabot sa 80,000 ang nanood kasama na ang kanilang Presidenti Susilo Bambang Yudhoyono at ang kanyang asawa.

Maganda ang laban dahil sa ipinakitang depensa ng magkabilang panig. Nakakanerbiyos talaga kaya nagkape muna ako. Muntik ko ng malunok ang baso dahil biglang natsambahan ni Oktovianus Maniani,striker ng Indonesia nang uluhin ang bola malapit sa goal. Nagkabanggaan ang Pinoy goalie na si Neil Etheridge at Ray Jonsson sa pagdepensa kaya naka lusot ito. Ang score 1-0 pabor sa Indonesia.

Makikitang very physical ang laro dahil parehong nabigyan ng 2 yellow card ang magkabilang team. May mga hindi nakikitang foul ang referee (hmmm) gaya ng intentional na pagsiko habang pabagsak si Oktovianus Manian kay Anton del Rosario.

May nagkabanggaan ng ulo at nang lumabas ang player na ito ng Indonesia ay may benda na ito sa ulo samantalang ang Pinoy ay wala lang. Yes, matigas talaga ang ulo ng Pinoy.

Bilib talaga ako sa ating koponan. Wala silang dapat ikahiya sa kanilang pagkatalo dahil ibinigay nila ang lahat. Go Azkals.
Habang may buhay ay may pag asa kahit walang pag asa ang ating mga sports officials.
Sa linggo, December 19, 2010 ang 2nd game ng semi-finals na duon pa rin lalaruin sa Indonesia.

Magkaisa tayo sa Prayers at kung pwedi lamang ay pakisabi kay Mommy Dionisia, opo, ang nanay ni Manny Pacquaio(sama ka na rin Manny) na magdasal na rin para manalo ang Azkals sa darating na laban sa Linggo. Mukhang malakas kasi siya kay Lord.


No comments: