Saturday, December 18, 2010

Bagong P200.00 Bill

Photo Source: Philippine Daily Inquirer
Arroyo ‘disappears’ from new P200 bill
Yan ang tittle ng post sa isang report ng Inquirer.net. kasama ang picture na iyan.

Click niyo na lang ang link para mabasa niyo.

Nahiya pa ang mga taga Central bank at hindi pa tuluyang inalis ang mukha ng Corruption ,este ni Gloria Arroyo.

Sayang, pinaliit lang pala eh maliit na nga yung tao.

Ano ba namang panlalait yan.

Pero in fairness ha, good news yan kahit ganyan yan.

Kahit sinliit ng nunal ang mukha niya ay kailangan pa rin natin ito upang muling sumagi sa ating isipan ang tunay na mukha ng corruption, este leader (sa corruption).

Malilimutan ba natin ang mga ito?

Nandiyan na ang NTN- ZTE deal na pinuntahan niya (Sa China) kahit nasa banig ng karamdaman ang kanyang husbanda na may halagang $ 329 Million Dolyar. (Pera muna honey)

Ang Joc Joc Bolante filtilizer scam na may halagang P 728 Million pesoses.

Ang Hello Garci Scandal (I am Sorry daw siya), election cheating scandal.

Ang pagbibigay ng bribe money sa Congressman at Governor noong 2007. At kung ano-ano pa.


Babu na muna mga Pre at Mre at tatawagan ko pa ang favorite son niya na si Mikey. hehehe

No comments: