Monday, December 6, 2010

Usapang Barbero


Photo Source: Englishrussia.com
Noung unang panahon. Panahon ng hapon este panahon ng mga lolo at lola ko ay uso ang kwentong kutsero.

Hindi ko lang alam kung papano napunta sa kwentong barbero at ngayun ata ang tawag ay kwentong parlor. Pwera pa diyan ang mga kwnentong call center at health center ha.
Dahil sa kasaysayan na iyan ay mapapansin natin na mas madaldal talaga ang mga lalaki kasya sa babae. O baka may mag react ha?

Hindi ko lang na confirmed kung ang mga topic ng mga kutsero ay damo,pulot at kabayo lamang. Ang sure ako ay dama ang kahalo sa mga kwentong barbero dati, Chess na ata ngayun. Sa nga kwentuhan na iyan ay topic lagi ang buhay ng iba't-ibang tao siyempre.

Ito lamang ang business na mas maraming kuwento mas maraming customer.
Nuong huling pagupit ko si Manny Pacquaio ang topic. Parang lahat ng tao duon kaibigan ni Manny. Kilalang kilala si Pacman. Isama na sina Jinky at Mommy Dionisia.

Sunod naman naging topic yung absent na kapwa barbero.
Over daw sa yabang. Akala mo magaling. Dami na raw napagawa at nabili yun pala drawing.
Dami daw naniningil sa dami ng utang. Bukod daw sa nagtitinda ng balut/pinoy meron pang ilang bombay. Pati nga raw tindera ng daing na naglalako tinalo pa. At ito ang matindi, wala daw utang na loob.

Sarap ng pakikinig ko at panay pag sang ayon na lang ang papel ko nung biglang natigilan si manong barbero. Naiba ang topic.

Pagdilat ng mata ko, kanina pa pala nasa likod si Manong barbero na topic niya. Dali-dali akong umalis at baka maahit pa ang tainga ko. Sabi ko ay babalik na lang ako sa ibang araw.

Kaya kung gusto niyo malibang habang nagpapagupit kayo ay sa barbero na kayo pumunta.
Marami kayong mapupulot na aral sa buhay na hindi naituturo sa school.

.Ang moral ng story dito ay huwag kang aabsent sa trabaho mo.

Malinaw po ba? O babu na muna ulit ha.

Siya nga pala, diyan ako nagpapagupit!

2 comments:

Anonymous said...

sir, kaya po cguro ndi na nagkaron ng utang na loob ay marahil sobra sobra na nga ang utang sa labas.. ndi na keri ang tumanaw ng utang na loob.. o bka naman wlang guarantor sa loob.. ;)

pmonchet said...

ayos din naman ang analysis mo ano? Well, mahirap bayaran ang utang na loob lalo na at hindi natatanay. Ang pwedi lang ibayad diyan ay atay,apdo,balunbalunan,puso, at isaw. hehehe