Sunday, December 26, 2010

Maganda At Pangit ngayong Pasko

Gaya ng Alpha at Omega, Itim at Puti, Umaga at Gabi, langit at lupa ang ating topic ngayun na Pangit at Maganda. Mga magkabalintunaan o kabaligtaran.

Kung nakaligtas ka nitong Pasko na buo pa ang mga daliri mo sa kamay ay maganda yan,
ngunit kung may nabawas at na injury ka, hindi mo na makanta ang,”Sampung mga
daliri,kamay at paa...” ay pangit yan. Meaning matigas ang kukuti mo.

Kung marami ka namang napamaskuhan ay maganda yan pero kung sa kurakot galing yan at mga kickback ay naku napakapangit niyan.

Kung ang syota mo naman ngayon ay sexy, ubod ng bango at ubod ng ganda ayos yan, maganda rin yan.
Ngunit kung kabaliktaran niyan ang syota mo ngayon ngunit ubod naman ng yaman ay Diyos ko, pwedi na rin yan,maganda na rin yan once naparetoki mo yan dahil sa pera niya. At least two in one yan. May pera ka na, may maganda ka pang jowa.

Actually joke lang po yan. Huwag niyo akong seryusuhin. Kahit pangit o maganda basta mahal mo ay tiyak na magiging masaya ka (Pero mas okey pa rin kung maganda,Kulit ano?).

Aanhin mo naman ang kagandahan kung tira ng karamihan
Mabuti pa ang pangit kung aking- akin lamang.
Yan ang sabi ng mga lasing na nabasted.

Aanhin mo ang damo kung patay na ang kabayo
Ibenta mo na lang sa ibang may buhay na kabayo.
Yan ang sabi ng mga sota o nag aalaga ng kabayo.

Aanhin mo ang mga ulan na yelo at malamig na paligid,
Kung sandamakmak ang mga bagyo,sunog at lindol dito.
Yan ang sabi ng DSWD volunteer.

Nasira and desktop computer namin nung araw ng bisperas ng Pasko, ika 24 ng December-pangit yan. Pero, ngunit, datapwat, subalit may natanggap akong Ipod Touch 4th gen nang araw na ring iyan.

Napakaganda niyan. Salamat po napakabait na nag ala Santa Claus.
Simpleng tao lang talaga ako, batiin mo lang ako ng Merry Christamas ay masaya na ako, Bigyan mo pa ako niyan aba, aba, aba, umabot sa tainga ang ngiti ko. Salamat talaga.

Nasa isip lang po talaga kung gusto nating maging maging masaya nung Paskong nagdaan. Naging maganda man o pangit ang Paskong lumipas. Goodbye 2010 ang Hello 2011.

Kung ano man po ang pagkakahawig sa tunay na buhay ng mga kwento dito ay sadyang hindi sinasadya. Ang mga naisulat na lugar, bagay at pangyayari ay kathang isip lamang ng may akda na walang magawa sa buhay.

Bow!

No comments: