Friday, December 3, 2010

Malapit na ang Pasko

Photo Source: Flmovies.com
Christmas is fast approaching. It is just around the corner.

Ilang tulog na lang ay talagang darating na ang araw ng Pasko. Whether we like it or not ay hindi na natin ito mapigilan.

Ano ba ang kahulugan sa iyo ng Pasko? Uhmm, mukhang malalim yang tanong na yan..

Pero kung gusto mo sagutin yan, okay lang at mag iwan ng comment diyan sa baba.

Pag usapan na lang natin kung papano natin nalalaman na malapit na ang Pasko.

Tayo lamang ang bansang may pinakamahabang pagdiriwang nang Pasko. Imagine mo pagtuntong ng buwan ng mga may “ber” gaya ng September ay makakarinig na tayo ng mga tugtuging pamasko. Sa mga malls at Department store ay naglalabasan na ng mga panindang para sa pasko.

Maraming palatandaan na malapit na talaga ang Pasko.
1.Lumalamig na ang paligid at iba na ang simoy ng hangin. Huwag ka lang dadaan sa may mga piggery at Manokan.
2.Naglalabasan na ng mga magagarang Jacket o sweeter.
3.Marami nang palamuting pamasko na nakikita sa bawat paligid. Habang lumalapit ay lalong tumutingkad ang mga palamuti sa bawat tahanan, establisemento,paaralan pati sa ating mga kalsada.
4.Kung Tito at Tita ang tawag dati ay biglang naging Ninong at Ninang. Panay na display at pasyal sa iyo ng mga inaanak mo.
5.Yung mga Christmas carol ay dumadalas ang patugtog habang palungkot ka naman ng palungkot kung pambayad na lang sa utang ang 13th month pay mo at bonus.
6.Mga Carnaval at iba't-ibang pasyalan ay biglang nagiging uso. Laging puno ang mga ito marahil sa nagiging galante ang mga tao. Minsan lang naman ang katwiran ng mga ito.
7.Yaong mga Guard sa mga Bangko ay biglang naging masigla at panay ang bati sa mga clients nila. Isama na ang mga Teller, Janitor at pati ang Manager.
8.Yung mga listahan ng bibigyan ay inihahanda na kung may pambili. Pero kung wala nama ay listahan kung saan magtatago sa araw ng Pasko ang ni reready.
9.Yung mga taong dating may tampo sa iyo ay nagiging mabait at malambing.
10.Makikita mo sa mga mata ng mga emplyeado ang Pesos sign habang lumalapit ang bigayan ng 13th month pay. Balik simangot pagkatapos itong matanggap ito lalo na at kulang.
11.Ang mga bata naman ay Christmas Party na ang pinag uusapan. Ano ang isuuot na bagong damit, sapatos o ano man anik-anik.
12. Ang daming mga Bazar at Tiangging nagsulputan.
13.Yung pagkain gaya ng Kastanyas, Keso de bola, Ham, Hotdog, Fruit cake, pang Fruit Salad at iba pang pang Noche Buena o Buena Noche ay mabili na.
14.Dumarami na ang mga nagka Caroling.
15.Nag usbungan na uli mga tindahan ng mga Puto bungbong, Suman, at bibingka malapit sa Simbahan.
16.Simbang Gabi ay pinaghahandaan na dahil sa panata, kahilingan o pag porma sa mga Tsika Babes.
17.Nagpapapalit na ng mga bago at malutong na papel na pera, maraming barya, at sobre (Kung may budget). Kung wala naman ay Christmas card pwedi na.
Sabi nga ay “ it is the thought that counts”. Yung maalala mo ang isang mahal sa buhay ay importante na.

Teka lang at bago tayo malibang sa mga senyales ng Pasko ay huwag kalimutan na ang meaning ng Pasko ay pagpapatawad, pagmamahalan, pagpapakumbaba at pagbibigayan.

Hindi po ako pihikan. Size 8 ako sa shoes(Adidas Pwedi na), Medium size sa T-Shirt(Bench Pwedi na) at size 32 sa pantalon(Jag Pwedi na).
Kung nahirapan kayo maghanap ay BDO ang savings account ko. Pwedi ring cheque kung mas kumportable kayo. I prefer Managers Check po. Sabi nga, “ It is better to Give than to Receive”. I love the latter part.

Merry Merry Christmas na lang po. At nawa'y kasihan kayo ng Poong Maykapal ng Masaganang Pasko at maligo kayo sa Bagong Taon.


Babu at ang next topic natin ay New Year. Any Suggestions?




2 comments:

Anonymous said...

ako po size 7 pwedi na rin yung sandbox na pinamimigay sa wiling-wilie para makatikim nman ng tsinelas ng Islander ang paa ko at masubukan kung tlgang matibay.. hihi =) lhot

pmonchet said...

Ikaw pa. Siempre naman. Padala ko agad kay Ryna. hehehe.