Wednesday, December 8, 2010

Football sa ating Bansa

Photo Source: AFP SUZUKICUP.COM
Sa unang pagkakataon ay naging maganda ang team standing ng Azkal Philippine Football Team.

Mamayang gabi ang laban ng ating koponan sa Myanmar. Kapag nanalo tayo ay mag to-top tayo sa group B ng AFF SuZuki Cup 2010.

Ito na ang pinakamagandang resulta ng ating pambansang koponan sa paglalaro ng football magmula pa noung unang panahon.

Akalain mong nakatabla tayo sa dating kampeon na Singapore Team at tinalo natin ang kasalukuyang kampeon na koponan ng Vietnam sa score na 2- 0.

Ayun sa kaibigan ko na tsismoso na si Wikipedia ay medyo maganda lamang ang ating tayo sa larangang ito nuong 1913 at 1934 sa ginanap na Far Eastern Championship.

Bakit ba hindi sikat ang Football sa atin?

Ito ay aking pinag isipan ng matagal at malalim. Nakaubos ako ng 2 tasang kape at 2 basong tubig. Hindi ko binilang kung ilang kagat ng Sky flakes biscuit ang nagamit ko dahil isang balot lang naman ito.

1. Hindi pweding maglaro sa bawat kanto o kalsada na hihinto lamang ang game kung may daraang tao o sasakyan.
2. Ang hirap bomuo ng team na hindi pikon at biglang aayaw kung talo na. Yun ngang tatluhan mahirap na humanap, sampuan pa.
3. Isipin mo naman kung natalo ka at hihingi ka ng rebounse dahil gusto mong bumawi sa pusta ninyong RC, ay lawit na dila mo tiyak sa pagod. Lalo na kung walang kapalit.
4. Karamihan ng Eskuelahan walang lugar na malaruan nito. Yung nga school sa may amin, private school pa walang playground. Meron silang stage bigayan ng award, pang school program at pang graduation.
5. Nakakainip mag antay bago maka score. Minsan pa 0-0 ang score tapos na ang laban. Ang mga Pinoy gusto bakbakan agad kaya sikat ang boksing, basketball, billiard, karera ng kabayo, karera ng aso at laban ng gagamba. In other words yun pweding pag pustahan. O! laban ka, pustahan tayo?
6. Hindi naipapalabas sa T.V, hindi naibro-broadcast sa radio. In other words hindi sumisikat ang mga player dahil walang exposure. Siempre kapag ganyan, walang kita.Walang income, walang chicka babes.

Nawa'y maging daan ito upang sumikat ang larong football dito sa atin at dumami ang magkahilig nito.

Pwedi nating simulan na turuan ang mga dancing inmates ng Cebu ng football. Tatawagin natin silang "Footballing Inmates". Ilagay sa youtube ang mga video. Then lahat ng bilangguan maglagay ng kanya-kanyang team.

Paglaban-labanin ang mga koponan. Idaos sa Congresso ang laban at ang mga referee at board of judges ay mga Congressman. Ang mga Arroyo na nandoon ang mamamahala kasi husler sila sa corruptions.

Ang mananalo ay pweding makipagpalit ng kulungan sa natalo. Isama na rin ang mga Judges at mga bumobuo nito sa kulungan.

Solve na ang mga problema sa corruption tiyak pa ang pagsikat ng Football. Ano ang sa palagay niyo?

Babu na muna at magkakape pa ako, lalagyan ko ng gatas, kaya lang baka lumakas ang nerbiyos ko.
(Ang kape-pampanerbiyos. Ang gatas pampalakas)
Korny.

LATEST UPDATE: 12/9/2010
The Philippines Azkals Team held the Myanmar Team to 0 - 0 draw. Dahil dito ay pasok ang ating koponan sa Semi-Final round. Kasama ang Team Vietnam na nag top sa Group B, Group A naman ay nasa Top ang Indonesia at Malaysia.


1 comment:

Anonymous said...

hahahahha... infairness natawa ako sa blog mo.. hahahha... oo nga naman may mga point ka dun.. hehehehe... go azkals!! go philippine team!