Monday, November 29, 2010

Noung Tumama ako ng Lotto

Hindi ko na ito maitago. Sasabog na sa dibidb ko ang sekretong ito. Wala akong sinabihan kahit isa sa pamilya ko, kahit sa Misis ko. Sa sobrang saya ko at pagpipigil sa sarili ko ay tila masisiraan na ako ng bait.

Ilang taon ko na itong plinano kung manalo ako? Naka detalye na lahat. Pati kung papano ko tutulungan ang mag taong malapit sa aking puso na hindi nila alam na ako ang tumulong. Pag bibigay sa mga ilang charitable institution na natulungan na naming dati. Sa Simbahan namin at sa Poong Nazerno sa Quiapo.

Hindi ako bibili o titira sa malaki at magarang bahay. Hindi ako bibili ng mamahaling sasakyan. Ganito pa rin ang style naming pamilya. Simple lang pero very happy. Ang ibang plano ay unti-unti kung gagawin at ilalabas hanggang parang normal lang ang pagyaman ko. Papano? Secret !

Mga pera sa bawat bangko at investments ay nakalagay lahat sa “Last Will and Testament”. Pati dapat paglagyang huling hantungan ng pamilya ay detalyado na rin.

Ganda na ng aking mga naisip. Palalim ng palalim ang lahat ng mga plano ng bigla akong hampasin ng unan Misis ko. Bigla akong balikwas.

Inaagaw ko na pala ang unan niya. What? Nananaginip pala ako. Isang napakagandang panaginip.

Talaga itong Misis ko laging kontra sa buhay ko. Nagtataka talaga ako kung soulmate ko itong napangasawa ko. Minsan lang ako managinip nang colored pa inagaw pa sa akin. Agaw trip.

Nangyari na ba sa inyo yan na parang totoo ang panaginip niyo?

Wala pang tumama sa 6/55 at aabot na sa P 738,000,000.00 ang premyo. Babu muna at matutulog ako uli. Baka mabalikan ko yung mga numerong natayaan ko sa panaginip ko.

At maging totoo ang panaginip ko “Noung Tumama ako sa lotto”.

No comments: