Wednesday, November 24, 2010

Usapang Kontrabida

Dati ang mga kontrabida sa ating pelikula ay mga mukhang goons. Mga matataba, nakakatakot ang mukha at kung magsalita ay tila kampon ni Satanas. Dito sa usapang ito ay sasagi sa ating isipan ang mga pangalang Bella Flores, Max Alvarado, Paquito Diaz, Romy Diaz, Bomber Moran, Subas Herrero at Eddie Garcia ( pweding Bida at kontrabida). Nagbago na rin naman ang mga goons natin ngayun, naging guapo na rin gaya nina Eric Quizon, Edu Manzano (yan 2 pwedi ring bida at kontrabida), John Regala, Ramon Christopher, Rex Cortez, Gladys Reyes etc...

Siyempre alam naman nating ang trabaho ng kontrabida ay pahirapin ang buhay ng bida. Mas magaling sila sa pagpapahirap sa bida mas gumaganda ang istorya. Sabi nga nila, kapag galit na galit ang mga viewers sa kontrabida, ibig sabihin ay kapani-paniwala ang kanilang pag ganap.

Pero ang topic natin ay hindi sa movies kundi sa buhay natin. Ang mga kontrabida sa buhay natin ay depende sa ating sitwasyun. Kontrabida-Yung bang tipong marinig mo lang ang pangalan ay kukulo na ang dugo mo sa galit dahil sa mga pinaggagawa sa iyo.

Kung teenager ka ay malamang mga ermats mo, erpats, klassmates, Terror na guro, kaibigan, tito at tita na kontra sa mga pinaggagawa mo sa buhay.

Kung Housewife ka ay yung mga tsismosang kapitbahay, asawang suwail, masungit na biyenan, rebeldeng anak at kontrang kamag-anak.

Kung lolo at Lola siempre depende sa status ng pagka tanda mo. Dahil kung ulyanin na halos lahat ng tao sa mundo kaaway mo na.

Kung working girls ka o boys siempre yang mga ka office mates (bukod sa ilang nabanngit sa itaas) o ka trabaho mo ang sisira sa araw mo (gabi kung night shift ka, hehehe).

Ano ba ang mga dapat gawin if ganito ang sitwasyon mo?

  1. Dapat ignore mo sila upang hindi masira ang araw mo. Nakangiti ka habang nagsasalita sila pero hindi mo naririnig ang mga sinasabi nila. In other words, pipi sila sa iyong daigdig.

  2. Huwag nang tangkain sumagot pa dahil ang mga kontrabida ay talagang magaling mag dialogue. Kapag nag agree ka kasi nasisira ang pagka- kontrabida niya kaya Win ka agad niyan.

  3. Kapag kinausap mo sila ay dapat singlaki ng Clubhouse sandwich ang bunganga mo habang nagsasalita ka. Iisipin niyang baliw ka at iiwas na iyan sa pagkontra sa iyo

  4. Kapag nakarinig ka ng tsismis, sumbong o kwneto ng ibang tao at sabi ay galing sa kontrabida ang istorya, huminga ng malalim, look sa sky sabay antanda (sign of the cruz) at sagot ng “Ganun ba, Praise the Lord”.Lalayo na ang mga demonyo, este ang mga nag kwento.

  5. Turuan mo silang kumain ng “nga-nga”. Magiging busy yan sa pag nguya ng “ nga-nga” at maililimutan ka na niyan. Iwasan mo lang maduraan ka dahil kulay pula yan kapag tumama sa iyo.

  6. Mag-aral ng mga kanta (Kumanta). Pero mas pangit ang boses mo mas pabor sa iyo. Kumanta ka ng kumanta hanggang sumakit ang mga tainga nila. Tiyak lalayo o didistansiya sila sa iyo.

  7. Kapag nagbigay sila ng advise ay siguraduhing inuulit-ulit nila ang kanilang dialogue. Kasi yang mga yan ay feeling genius sa pagbibigay ng advise. In other words gawin mo silang sirang plaka. Kapag nangawit ang panga niyan ay kusang hihinto yan at ilang araw ka ring Holiday sa katahimikan diyan. Mas maganda kung mag ka beke yan mga yan.

  8. Kung ang style mo naman ay “Andres bonifacio” o “Gabriela Silang” na never say die, hamunin mo ng saksakan, barilan, paluan ng tubo sa ulo o kuratan sa singit. Siempre lagi silang talo sa Bida pagdating sa ending kaya sure mananalo ka. Ang problema lang ay baka ma terminate ka sa trabaho. Ang positive side ay wala ka nang trabaho at wala nang kontrabida sa buhay mo.

O ayan ha, I do hope may napulot na naman kayong makabuhang aral mula sa inyong lingkod.

Pero kung type mo namang maging kontrabida, sige lang , iyang mga iyan ang iwasan mong isasagot sa iyo.

Kung mayroon kayong gustong ihingi ng solusyun, huwag mangiming sumulat dito at pipilitin kong tugonan bago sumapit ang year 2012

Babu na muna at hahanap pa ako ng “nga-nga”.



3 comments:

Anonymous said...

gusto ko yung idea no.1 - parang maglalaro lang "bingi-bingihan" pag narinig mo yung sinabi ng kalaban ikaw naman ang taya.. hihi

pmonchet said...

Oo nga. Siguro magtataka yung kontrabida. Sa kabila ng mga pinagsasabi niya, naka smile ka pa rin. hehehe

Anonymous said...

Tanginamo