Monday, November 22, 2010

Telepono at Tamang Modo

Photo Source: Heartsandmind.org

Mga tsong gusto ko sanang malaman kung ano mararamdaman ko kung pag tawag mo sa isang kumpanya ay isang taong parang may problema sa mundo ang sasagot sa iyo?

Kung sa halip na magandang boses, malambing na pagbati at mala-anghel sa ganda ang sasagot, ay tila kabaliktaran ang nangyari? Bad trip hindi ba? Parang nakikita mong pangit ang nasa kabilang linya ng telepono. (kung pangit ang ugali, sigurado pangit din ang itsura!).

Yung sumagot ay ramdam mong bad trip sa buhay at tila naipasa na sa iyo ang kanyang negative energy.

Pero dahil sa sadyang mapag-pasensiya tayong mga Pinoy ay pag usapan na lang natin ito at ating itama ang taong ito?

Kung wala ka namang time ay sige, go ahead, lipat ka na sa ibang website. Maiintindihan kita.

Pero kung sinunsundan mo pa rin ako hanggang dito, ituloy na natin.

Kaibigan, kung no choice ka sa work mo at need mong sumagot ng tawag sa telepono ay ito ang mga dapat mong tandaan:

1. Maging professional, confident at ngumiti bago sumagot. Maglagay ng salamin sa iyong harapan upang makita ang iyong reaksiyun sa oras na iyon. Kapag mainit ang ulo mo at naka-kunot ang nuo mo, yan din imahen na nakikita ng kausap mo.

2. Sagutin agad bago makatatlong ring.

3. Upang maging maganda ang simula, gumamit ng magalang na salita gaya ng “Magandang umaga po, Ako po si Kamote, ano po ang maipaglilingkod ko?”.

4. Piliting makuha ang kailangan at matugunan kaagad ang pangangailangan ng tumawag. Kunin ang mensahe ng tama at kumpleto. Pati pangalan at numero ng kausap kung kailangan siyang tawagan muli.

5. Huwag mo nang ipa dial-uli sa ibang numero kung pwedi mo namang maipasa and handset. Mahalaga din ang oras ng taong nasa kabilang linya na tumawag. Unless talagang necessary at naitanong kung okay lang ba sa kanya iyon.

6. Laging maghanda ng lapis o ballpen at papel sa tabi ng telepono.

7. Kung hindi mo matugunan ang pangangailangan ng kausap, bigyan ito ng contact number at tamang oras kung kailan siya pweding tumawag uli. Sa paraang ito ay naiparating sa tumawag na hindi nasayang ang kanyang oras.

8. Maaring tapusin ang pag uusap sa paglilinaw kung iyon lamang ang pakay at pagbibigay ng magalang na pag pasasalamat.

O ayan ha, sana ay nakatulong ako sa mga kaibigan natin medyo maasim ang mukha sa pag sagot ng telepono. Alalahanin sana nila na diyan nanggagaling ang kanilang kinikita. Dapat ay mahalin nila ang kanilang trabaho. Kung dumating ang time na may mga magreklamo na sa kanila na hindi na makatiis (tayo mapag-pasensiya pa) at maging dahilan ng pagka alis sa trabaho ay saka sila iiyak at hihingi ng tawad at isa pang pagkakataon.

Hoy Gising! Baguhin na ang ugali hanggat maaga pa. Ipabasa ito ASAP. May panahon pa... Tumahak sa tamang daan.

Oh, papano? Babu na muna at maghahanap uli ako ng bagong topic. Once a month na lang ako maka-post. Pasensiya na mga Pare at Mare ko.



No comments: