Tuesday, October 19, 2010

Taxi cab at Blackberry 8520


Naranasan niyo na bang may naiwan kayong gamit sa loob ng taxi na importante sa inyo? Naibalik ba sa inyo? Kung ang sagot sa unang tanong ay "Yes" at ang sagot sa pangalawang tanong ay "No", welcome to the club.

Yes, naiwan ng anak ko sa Johdyan Taxi kagabi ang pinakamamahal niyang Blackberry 8520 na month of August lamang niya nakuha kaya ganun na lamang ang taranta niya upang mabawi ito. Sad to say the phone is off already kaya hindi na ma-contact. Ang plate number ay TXU 439.

Nakuha naman niya ang number ng operator pero that night ay wala nang sumasagot kaya kaninang umaga na lang namin natawagan ang 4533222 na landline number.
Nang nakausap namin ang tao nila ay itinuro kami sa Cubao Branch nila. Dito daw ito nakaparada. So dial naman ako ng 4386459 na number na ibinigay ng Tandang Sora office nila.
Hindi pa naman undas pero nagitla ako dahil ang sabi ng sumagot ay sa Tandang Sora daw ito nakaparada. Nang sabihin ko na sa kanila ako itinuro ng taga Tandang Sora ay tila naging palengke ang paligid. Bulongan, sigawan at maya-maya ay ipinasa ako sa isang taong sumagot na nakaparada na daw ang taxi at aalamin daw niya. Nung alamin ko ang name ng mama ay tila galit pa na "Ganaban" daw siya. In other words napipilitan lang sumagot ang mama at wala man lamang siyang balak na ako ay balikan ng sagot dahil hindi man lamang kinukuha ang pangalan ko. Kahit balak kong ibigay pati contact information ko. In other words-"Sorry na lang".

So ang advise ko na lang sa anak ko ay forget it. Charge na lang sa experience. Kikitain pa naman yang gamit na yan pero sa taong kumuha niyan, may bad karma din yan.
Anyway, this will also served as a warning na ingatan na lang natin ang mga gamit natin sa tuwing sasakay tayo ng taxi lalo na kung yung name ng taxi ay iyang nabanggit ko.

Smart locked itong Blackberry 8520 at may IMEI #353487049581269. Color black at very smooth.
Ngayun ay kahon na lang ang naiwan/

3 comments:

Anonymous said...

TAMA KA!DHIL NA EXPERIENCE KO DIN PO YAN.NITO MERKULES LANG PO 1-15-2012,NAIWAN KO DIN SA TAXI NA TXJ-697 YUNG CELLPHONE KO NA SAMSUNG STAR,AT SIMULA KHPON PA KMI NKIKIPAG USAP SA OFFICE NILA PEO PINAG PAPASAPASAHAN LANG PO NILA KMI AT AYAW NIL IBIGAY YUNG NO. NG DRIVER NILA,AT HINDI PDAW SINUSULI UNG KOTSE NA IMPOSIBLE PO MANGYARI,GRABE!SA TONO NG PANANALITA NILA HALATANG PINAGTATAKPAN NILA AT KINOKONSENTE ANG TAO NILA,HANGGANG MGAYON NAG AANTAY PADIN AQ NG TAWAG GALING SA KNILA NA NAG BOUNDERY NA UNG DRIVER NILA..MABUTI PA SA VAL & VANGIE NA TAXI NAGSUSLI SILA NG GAMIT AT MAAYOS SILA KAUSAP,HINDI GYA SA COMPANY NTO BASTOS KAUSAP ANG MGA STAFF NILA AT PAG PAPASAPASAHAN K LANG NILA!!!SNA MAKAHANAP KYO NG KATAPAT!!!GODBLESS

Marielle Magramo said...

May number kayo ng Val and vangie?

Marielle Magramo said...

May naiwanan kasi sa ABH-1302