Friday, December 31, 2010
Manghuhula at Pampasuerte
Nakatulog ako ng mahimbing at nang magising ako ay sangkatutak ang mga manghuhula sa bawat istasyun ng radyo at Telibisyun.
Iba-ibang pangalan, iba-ibang paraan ng panghuhula. May pangit silang nakikita at may maganda rin naman. Kung sino ang suerte at kung sino ang malas ay alam daw nila.
Ganyan lagi ang sistema kapag malapit na ang Bagong Taon. Hindi ko nga malaman kung bakit tila lahat ay naging parang Chinese na,dahil sa Rabbit iniuuganay ang kanilang buhay. Anong hayop ka ba este birth sign mo kaibigan?
Kung ano ang pangontra ay diyan pili ka na.
Ang sabi nga nila kung maniwala ka man sa hindi ay wala namang mawawala. Bukod siempre sa nagastos mong pera. Teka, February pa po ang Chinese New Year.
Nagtataka lang ako, bakit hindi nila mahulaan ang lalabas na numero sa Lotto. Diyan sasali po ako.
Balak mo bang magpahula at kumuha ng pampasuerte?
Hmmm, magagalit si Father niyan. Ang laging reminder nila ay tanging dasal lamang ang pangontra. Pag gawa ng mabuti sa kapwa upang makatanggap ng good karma. At magarbong pagsusumikap tiyak aasenso ka kaibigan,
Ang sabi nga ni Dona Delilah kay John, "Kayà ikáw, John, magsumíkap ka!" ("Therefore you, John, have to work hard!"), ng John and Marsha (tagal na nun ano, halata ba na gurang na?)
Happy New dear, este Happy New Year uli, last na ito (ala movie ni Ai Ai).
Wednesday, December 29, 2010
Pagsalubong sa Bagong Taon
“Gusto mo ba ng saya o disgrasya” Huwag kang magpaputok.
Kahit anong pananakot ng D.O.H. at ilang ahensiya ng Gobyerno ay marami pa ring nabiktima ang mga paputok. Mga bawal na paputok ang salarin.
Sabi ko nga sa isang post ko, Masarap ang Bawal.
Eh anong paki mo sa buhay ko, sabi sa isang kanta. OO nga naman, wala kaming paki. Kaya nga't kapag nasabugan ka o naputukan ay talagang lalakasan ko ang tawa ko.
HA HA HA! HE HE HE! HI HI HI! HO HO HO! HU HU HU! Tawang Santa Claus na ata yan?
Ang masaklap lang ay yaong mga nadamay ay dahil nahagisan ng paputok, namulot lang at nasabugan. tsk. tsk. tsk!
Ito ang sabi ng website ng DOH:
The Department of Health (DOH) today launched an all-out war against the sale of piccolo as latest Kampanya Kontra Paputok Surveillance revealed that 48% of the total 173 fireworks-related injuries were due to said firework.
As of December 28, the DOH recorded a total of 173 fireworks-related injuries. Of the total, 162 were due to fireworks, six from stray bullets, and five from fireworks ingestion.
This year’s reported 173 cases is 12% lower compared to last year’s figure. The National Capital Region reported the most (80) number of cases, followed by Central Luzon (15) and Western Visayas (12).
Of the 162 injury cases reported due to fireworks, the most affected group belonged to the 1-10 years, composed of 140 males. Majority (107/162) were active users or directly handled firecrackers. There were no deaths reported.
The leading fireworks which are causing injuries are piccolo (83), kwitis (15), five star (13, whistle bomb and boga (8), and triangle (7).
Sa galing ba naman ng Pinoy na gumawa ng remedyo iyan pang paputok hindi magawan?
1.Iyong putok na walang tunog pero may masang-sang na amoy- ibang putok yan. Anghit yan.
2.Lumang kaldero, palanggana at batya , kalampagin mo - patunog na walang gastos.
3.Kanyong kawayan o PVC – kalboro lang ang patunog mo diyan.
4.Turotot na may iba't-ibang hugis, kulay at desenyo. Ingat lang sa pito at baka malunok mo. Huwag lang manorotot ng asawa ng may asawa. Bad yan.
5.Radyo, Stereo music- itodo mo ang sound hanggang mabingi ang kapit bahay mo, pero sure ako mauuna ka.
6. Busina ng Trak, Kotse Jeep - malakas din yan.
7. Magtali ng mga basyong lata, ipahila sa ano mang umaandar- maingay na rin iyan.
8. Tumili, sumigay ng ubod ng lakas- kahit sa tainga ng biyenan mo- hindi halata na galit ka sa kanila. Ang akala nila ay nag eenjoy ka lang at nag iingay. Baka may naisip ka at wala dito, pakidagdag na lang sa comment mo.
Kahit ano ang type mong gawin sa pagsalubong ng Bagong taon ay okey lang huwag ka lang malagasan ng piyesa ng katawan. Worse case scenario ay sumakabilang buhay sa halip sa sumakabilang bahay lang.
Mag suot ka man ng damit ng puro bilog, magsabit ng ubas o pinya sa pintuan. Maglagay ng 12 prutas sa mesa. Maghanda ng tikoy o ano mang malagkit.
Basta masaya ka ay gawin mo, huwag mo lang kalimutan na mag simba at taimtim na magdasal kasama ang pamilya bago sumapit ang Media Noche.
Happy New Year Everyone ...God Bless
Welcome 2011
Sunday, December 26, 2010
Maganda At Pangit ngayong Pasko
Kung nakaligtas ka nitong Pasko na buo pa ang mga daliri mo sa kamay ay maganda yan,
ngunit kung may nabawas at na injury ka, hindi mo na makanta ang,”Sampung mga
daliri,kamay at paa...” ay pangit yan. Meaning matigas ang kukuti mo.
Kung marami ka namang napamaskuhan ay maganda yan pero kung sa kurakot galing yan at mga kickback ay naku napakapangit niyan.
Kung ang syota mo naman ngayon ay sexy, ubod ng bango at ubod ng ganda ayos yan, maganda rin yan.
Ngunit kung kabaliktaran niyan ang syota mo ngayon ngunit ubod naman ng yaman ay Diyos ko, pwedi na rin yan,maganda na rin yan once naparetoki mo yan dahil sa pera niya. At least two in one yan. May pera ka na, may maganda ka pang jowa.
Actually joke lang po yan. Huwag niyo akong seryusuhin. Kahit pangit o maganda basta mahal mo ay tiyak na magiging masaya ka (Pero mas okey pa rin kung maganda,Kulit ano?).
Aanhin mo naman ang kagandahan kung tira ng karamihan
Mabuti pa ang pangit kung aking- akin lamang.
Yan ang sabi ng mga lasing na nabasted.
Aanhin mo ang damo kung patay na ang kabayo
Ibenta mo na lang sa ibang may buhay na kabayo.
Yan ang sabi ng mga sota o nag aalaga ng kabayo.
Aanhin mo ang mga ulan na yelo at malamig na paligid,
Kung sandamakmak ang mga bagyo,sunog at lindol dito.
Yan ang sabi ng DSWD volunteer.
Nasira and desktop computer namin nung araw ng bisperas ng Pasko, ika 24 ng December-pangit yan. Pero, ngunit, datapwat, subalit may natanggap akong Ipod Touch 4th gen nang araw na ring iyan.
Napakaganda niyan. Salamat po napakabait na nag ala Santa Claus.
Simpleng tao lang talaga ako, batiin mo lang ako ng Merry Christamas ay masaya na ako, Bigyan mo pa ako niyan aba, aba, aba, umabot sa tainga ang ngiti ko. Salamat talaga.
Nasa isip lang po talaga kung gusto nating maging maging masaya nung Paskong nagdaan. Naging maganda man o pangit ang Paskong lumipas. Goodbye 2010 ang Hello 2011.
Kung ano man po ang pagkakahawig sa tunay na buhay ng mga kwento dito ay sadyang hindi sinasadya. Ang mga naisulat na lugar, bagay at pangyayari ay kathang isip lamang ng may akda na walang magawa sa buhay.
Bow!
Friday, December 24, 2010
Ingat sa Araw ng Pasko
Huwag na kayong humingi ng Sample! Sample! Sample! Ha, kasi I am lelly lelly lelly shy. Opo, sobrang mahiyain po talaga ako kahit ang pogi-pogi ko. Ang kokontra ay killjoy.
Gusto ko lang kayong bigyan ng warning na ingat sa pagkain ngayon ng Noche Buena.
Ingat sa cholesterol, maalat, sugar, sigarelyo at too much alcohol. Lahat ng sobra ay masama hindi lang po ang sobrang pera. Lalo na kung namimigay sa ibang mahirap gaya ko.
Ingat sa paputok. Hayaan na mo nang iba ang magpaputok at sila naman ang mapapuputukan. Makinig at manood ka na lang sa putukan at sa mga nagpapaputok, wala ka pang gastos.
Huwag ka ng maniwala sa pag papaalis ng malas dahil sa paputok. Ang daming ng minalas dahil naputukan sa taon-taon na lang ng ginawa ng Diyos.
Ngayon kung ang katabi mo naman ang may putok ay ibang usapan na yan.
Ngayon kung iba ang gusto mong iputok isure mo lang na kaya mo nang mag alaga ng baby after 9 months.
If not, ingat na rin. Better safe than sorry.
Ingat sa sunog. Uso ngayon yan at iyan ay dahil sa nag aalab na apoy.
Huwag mag laro ng apoy. Ngayon kung ibang apoy ang type mong laruin, ingat lang din at huwag kang pahuhuli. Kung sakaling mahuli ka naman (dahil walang lihim na nananatiling lihim) tandaan ang 11th commandment-“Huwag kang aamin”.
Kung ang 13th month pay mo naman ay nasunog mo dahil sa sugal, patay kang bata ka.
Wala pang yumaman sa sugal. Isa lang ang kilala kong naging Milyonaryo dahil sa sugal, dati kasi siyang Bilyonaryo. So ingatan niyo ang pera niyo.
Ingat sa magnanakaw. Ang dami ngayon niyan sa paligid. Lalo lalo na sa mga magnanakaw ng lakas, ng ari-arian ng iba at kung ano-anu pa.
And lastly, ingat sa kaibigan at kapitbahay na makikikain, makikiinom, makikisigarilyo at makiki-noche Buena.
Mag ingat sila sa iyo at ikaw ang gumawa niyan pero ingat ka na rin at baka malasing ang host mo at sumbatan ka ay masira pa ang Pasko mo.
Yan ang nangyayari sa sobrang lasing.
So Ingat na lang po.
Merry Christmas na lang po uli at Happy New year to everybody.
Photo Source: Walangblog-bloggan.blogspot.com
Wednesday, December 22, 2010
Ang Kapal ng Mukha Mo
Maghanap buhay ka ng marangal nang hindi ka ganyan. Magpapasko pa naman ganyan ka.
Bahala ka, hindi ka bibigyan ni Santa Claus ng regalo kasi bad ka. Malamang pa sa mahigit ay bad karma ang makuha mo.
Ano akala mo sa amin Baliw? Low I.Q., Bobo, Tangengot.
Hoy gising. Nagkakamali ka.
Nek-Nek mo. Tae mong panis. Magsumbong ka pa sa lolo mong panot. Taran...
Ito ang text mo sa kaibigan ko, +639482189170
“S sunday q n hulog pera s western union txt q n lng control number. I2 n bgo q roaming# d2 n ku txt. Wl lng aq load ky d aq mktwg dyan. Tnx..”
Ano kami bale? Style mo bulok. Kumita na yang diskarte na yan! Lumang tugtugin na yan.
Tapos hihingi ka ng load?Tama ba?
Hoy! for your information, may kamag anak nga kami sa abroad pero hindi nagpapadala ng pera lalo na kung sa Western Union. Wala, nothing, zero, nada, nil naiintindihan mo ba yan?
In other words hind sila maasahan. Kung umuwi nga sila dito sa Pinas eh, hindi pa namin nalalaman.
At kung sakaling mag cross ang aming landas ay matagal na raw nakauwi at ubos na ang mga dalang sabon, toothpaste, pabango, kape, shampoo, tsokolate, sigarilyo, alak pati dolyar (yen, pound etc).
At kung makita man kami ay nagpasalamat, dahil naghahanap ng mauutangan hanggat hindi pa nakakaalis uli papuntang abroad.
Eh ano naman mauutang nila sa amin eh, baon din kami sa utang.
Dahil sa iyo naalala ko ang mga kamag anak ko na imposibleng magtext lalo na kung tungkol sa pera.
Bwesit ka.
Naisip ko nga itext lahat itong sinabi ko pero sayang naman ang load ko para sa isang katulad mo.
Kaya naisip ko... (isip-isip).
Ito na lang ang isinagot ko:
Psst paki basahin ang post sa http://pmonchet.blogspot.com
Siyanga pala ito ang website ng DTI at diyan pwedi mabasa kung papano makiwas sa text scam.
Form ng Complaint on text scam HERE.
Lagot ka! Isusumbong kita.
Baka may magtext din sa inyo ng ganito, ingat na lang? O, kaya ipabasa mo na lang ito kung ganito rin ang feelings mo.
CHINESE BABIES BORN IN THE PHILIPPINES
Ang daming tumaas ang highblood sa post ko na
Kalsada Naging Bangketa
E paano naman talaga namang over sa bwesit sa pagbiyahe nating ordinary mamamayan,bukod pa sa delikado nga para sa naglalakad.
Meron din namang ganyan sa ibang bansa pero sa gabi sila humaharang sa kalsada.
Nightmarket baga at dinadayo ito dahil sa mga tindang produkto. Hindi apektado ang mga taong may legal na negosyo dahil pasarado na sila. Hindi istorbo sa traffic at lalong hindi sagabal sa tao.
Para mabawasan ang highblood natin ito muna ang basahin niyo.
Nakuha ko sa email ko kaya huwag kayong magalit sa akin. Forward ko din sa inyo.
Forward niyo nalang sa iba.
RECENTLY REGISTERED CHINESE BABIES BORN IN THE PHILIPPINES
Born during the night = Andy Lim
Born blind = Kenneth Sy
Born swindled = Lino Co
Born while cooking = Nilo Toh
Born as 10th child = Sam Po
Born while being courted = Lily Gaw
Born fat = Bob Uy
Born little = Kathy Ting
Born different = Eva Yan
Born with porridge = Lino Gaw
Born looking for someone = Allen Sia
Born while counterfeiting = Faye King
Born on Sunday = Lyn Go
Born with malice = Mali Sia
Born during a quarrel = Ally Tan
Born with picture = Lara Wan
Born with sweets = Ken Dy
Born undefined = Sam Ting
Born while taking a bath = Lily Go
Born not to take a bath = Dina Lily Go
Born while buying = Bill Lee
Born secretly = Tina Go
Born to fart = Otto Tin
Born Ugly = Kaw Yan
Born abnormal = Sam Ting Wong
May reklamo ka? Nat Ting!
Oh, ayan ha nakita ko ngumiti ka na, pwedi mo na uli basahin ang post ko na nasa baba.
Tuesday, December 21, 2010
Kalsada naging Bangketa
Opo, totoo po iyan nabasa ninyo.
Kalsada naging Bangketa.
Ang kalsada naging sidewalk
.
Convertable po ang kalsada natin.
Ang bangketa naging kalsada? Hindi po.
Only in the Philippines na kapag December o malapit na ang Pasko at Bagong Taon ay nagiging bangketa ang kalsada.
Ano naman ang nangyayari sa tunay na bangketa?
Dyaran...Ayan po, naging commercial district na po. Naging "Tiagge". Puno ng sidewalk vendor.
Magkano naman este, papano namang nangyari ito sa mga magagaling nating Pulis,MMDA, traffic enforcer? Hindi ba nila nakikita na delikado ang buhay ng mga naglalakad?
O iba ang nakikita nila? O iba ang kita nila?
Ang daming tanong pero sino ang sasagot.
Saan po ba ito? Saan pa kundi sa Caloocan City, tapat ng dating Uniwide Sales. Pero halos lahat na yata sa Pilipinas ganyan ang negosyo, este systema.
Pustahan tayo?
Punta ka sa Baclaran at lalo na sa Divisoria.
Pulis lang po, este Please lang po at paki aksiyunan naman ito.
Baka naman kung may nasagasaan nang pedestrian ay tsaka na naman kayo mag iimbestiga kung sino ang dapat managot?
Bago may masamang mangyari!
Paging Mayor Enrico "Recom" Echiverri!
Hello po! Wer n u? D2 n me.
Sunday, December 19, 2010
SMP-Samahang Malamig ang Pasko
Member ka rin ba ng SMP? Ilang tulog na lang ay Pasko na at kung sa tingin mo ay member ka nito don't worry, hindi ka nag iisa.
Sobrang dami ninyo kaya ngumiti at tumawa ka na kaibigan. Yun nga lang at hindi kayo pweding magsama-sama.
Yung mga nasa bilannguan na walang dumadalaw member niyan.
Yung mga sundalo, pulis, bumbero Doctor, Nurses at kung ano pang propesyon na kung saan dapat ay duty first ang motto.
Yung mga OFW na binansagang Bagong bayani na nasa labas ng bansa magpapasko member din niyan.
Baka marami ka na ring naisip sa oras na ito kaibigan sige idagdag mo na sa listahan.
O hindi ba madaming member?
Dapat nating tandaan mga kaibigan na kahit sino ka man, nasaan ka man, ano man ang ginawaga mo pagsapit ng araw ng Pasko, aba, mamasko ka na lang. hehehe.
Mangaraling ka (kikita ka pa).
Merry Merry Merry Christmas na rin sa iyo at don't forget, Christ is the reason for the season.
Saturday, December 18, 2010
Bagong P200.00 Bill
Arroyo ‘disappears’ from new P200 billBabu na muna mga Pre at Mre at tatawagan ko pa ang favorite son niya na si Mikey. hehehe
Yan ang tittle ng post sa isang report ng Inquirer.net. kasama ang picture na iyan.
Click niyo na lang ang link para mabasa niyo.
Nahiya pa ang mga taga Central bank at hindi pa tuluyang inalis ang mukha ng Corruption ,este ni Gloria Arroyo.
Sayang, pinaliit lang pala eh maliit na nga yung tao.
Ano ba namang panlalait yan.
Pero in fairness ha, good news yan kahit ganyan yan.
Kahit sinliit ng nunal ang mukha niya ay kailangan pa rin natin ito upang muling sumagi sa ating isipan ang tunay na mukha ng corruption, este leader (sa corruption).
Malilimutan ba natin ang mga ito?Nandiyan na ang NTN- ZTE deal na pinuntahan niya (Sa China) kahit nasa banig ng karamdaman ang kanyang husbanda na may halagang $ 329 Million Dolyar. (Pera muna honey)
Ang Joc Joc Bolante filtilizer scam na may halagang P 728 Million pesoses.
Ang Hello Garci Scandal (I am Sorry daw siya), election cheating scandal.
Ang pagbibigay ng bribe money sa Congressman at Governor noong 2007. At kung ano-ano pa.
Friday, December 17, 2010
Azkals Natalong Lumalaban
Grabe sa dami ng tao ang stadium na balita ay umabot sa 80,000 ang nanood kasama na ang kanilang Presidenti Susilo Bambang Yudhoyono at ang kanyang asawa.
Maganda ang laban dahil sa ipinakitang depensa ng magkabilang panig. Nakakanerbiyos talaga kaya nagkape muna ako. Muntik ko ng malunok ang baso dahil biglang natsambahan ni Oktovianus Maniani,striker ng Indonesia nang uluhin ang bola malapit sa goal. Nagkabanggaan ang Pinoy goalie na si Neil Etheridge at Ray Jonsson sa pagdepensa kaya naka lusot ito. Ang score 1-0 pabor sa Indonesia.
Makikitang very physical ang laro dahil parehong nabigyan ng 2 yellow card ang magkabilang team. May mga hindi nakikitang foul ang referee (hmmm) gaya ng intentional na pagsiko habang pabagsak si Oktovianus Manian kay Anton del Rosario.
May nagkabanggaan ng ulo at nang lumabas ang player na ito ng Indonesia ay may benda na ito sa ulo samantalang ang Pinoy ay wala lang. Yes, matigas talaga ang ulo ng Pinoy.
Bilib talaga ako sa ating koponan. Wala silang dapat ikahiya sa kanilang pagkatalo dahil ibinigay nila ang lahat. Go Azkals.
Habang may buhay ay may pag asa kahit walang pag asa ang ating mga sports officials.
Sa linggo, December 19, 2010 ang 2nd game ng semi-finals na duon pa rin lalaruin sa Indonesia.
Magkaisa tayo sa Prayers at kung pwedi lamang ay pakisabi kay Mommy Dionisia, opo, ang nanay ni Manny Pacquaio(sama ka na rin Manny) na magdasal na rin para manalo ang Azkals sa darating na laban sa Linggo. Mukhang malakas kasi siya kay Lord.
Thursday, December 16, 2010
Boss Many Thanks
Masarap ka trabaho ang mga kagaya mo bossing kasi seniseryoso mo ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid mo.
Ito yung nasa blog post ko dati sa Malapit na ang pasko:
Hindi po ako pihikan. Size 8 ako sa shoes(Adidas Pwedi na), Medium size sa T-Shirt(Bench Pwedi na) at size 32 sa pantalon(Jag Pwedi na).Kahit card lang masaya na ako, akalain mong sinamahan niyo pa ng kahon na may laman.Kung nahirapan kayo maghanap ay BDO ang savings account ko. Pwedi ring cheque kung mas kumportable kayo. I prefer Managers Check po. Sabi nga, “ It is better to Give than to Receive”. I love the latter part.
Again Thank You so much Boss. May you have a very Merry Christmas and a Prosperous New Year.
Siempre hindi ito makakarating dito kung hindi dahil sa mga staff mong gaya mo ay ubod din ng bait.
Gaya nang nag gagandahan at ubod ng sexy na sina Daisy, Nerissa, Merriam at Fean. Ang
So yung ibang friendster natin diyan, meron pa kayo until 11:59 P.M. of December 24, 2010 para ipadala ang inyong gift or ma charge kayo ng penalty. So Hurry! Please lang po.
Pero kung ipagpumilit pa rin ninyo ay pag iisipan ko, under consideration na lang po.
Thank you, Thank You, ang babait ninyo. Thank You! (Kumanta ka ba?)
Bossing Welly Thanks a lot po uli.
Wishing You all readers a very Merry Christmas and a Prosperous New year.
PAHABOL:Ito kakarating lang from the two very charming Marketing Officers of Kabayan Hotel, Ms. Sheng and Irene. Sorry boys, taken na sila eh.
Thank You to you both.
Kung gusto niyo ng very affordable price na hotel but with a first class accommodation, courteous service staff and with a very relaxing atmosphere
ay diyan na kayo mag stay. May free wifi pa.
Tuesday, December 14, 2010
Salamat sa Nagbasa
Salamat po, Toshia, Kamsia, Thank You, Kiitos, Merci (gino google ko pa yan) sa mga nauto ko na nagtiyagang nagbasa ng mga walang ka kwenta-kwentang blog na ito. Aba at napansin ni pareng Alexa at nilagyan ng ranking.
Mula sa No Ranking ay naging 22,923, 627
Then kanina lang ay naging 16,796,304 o hindi ba malaking improvements.
Kaya sa mga kasama ko sa trabaho na tinutukan ko para magbasa, para sa inyo ito. Aba nag comment pa kayo.
Siempre sa mga anak ko na puro panlalait ang ginawa dito at sa Misis ko na hindi ito pinapapansin. Aba pakibasa naman ito. Please!!!
Siempre hindi mawawala ang kapitbahay ko na inaabot ng madaling araw sa kaka videoke at sa sobrang lakas ay hindi ako makatulog. Dahil sa inyo ay napilitan akong mag blog, Salamat din po ha.
Oh ayan ang ibang nagbasa na nacapture ng computer ko para din sa inyo ito.
Naluluha ako sa galak sana lamang ay pera na ito at tiyak na tawa at malutong na halakhak ang kapalit niyan. Pero okay lang po iyan.
Si Manny Pacquiao nga nagdaan ng maraming hirap bago nakatikim ng maraming tagumpay tayo pa kaya. Iba kasi ang motto niya, "It is better to give than to receive". Sabagay kung suntok naman ang igive mo tama nga siya. Hindi ba at si Antonio Margarito ay tumanggap ng tumanggap ng regalo?
At siempre hindi mawawala dito ang Pinoyblogosphere yahoo group na nandiyan para suportahan ang mga pinoy bloggers.
Ang pinaka importante sa lahat ay itong pamangkin ko na nagsisilbing inspiration ko sa araw-araw na kalituhan ko sa buhay.
Kung nasa harap kasi ng Mama niya ay "Boy" siya ngunit pagtalikod nito at paglayo ay "Girl" siya. Don't worry iho, este iha(nalilito na naman ako) at maging ano kaman ay supportado kita. Kahit baril barilan na kulay pink pa ang ipabili mo, hahanapin ko maging sa dulo man ng mundo.
Ayan siya. Kayo na lang ang humusga. Walang ngingiti o tatawa ha!
Monday, December 13, 2010
13th Month Pay - Isumbong mo sa DOLE
Ilang tulog na lang at Pasko na. Nakikita ko ang mga ngiti sa iyong mga labi, kislap sa iyong mata at dinig ko ang lakas ng ugong ng halakhak mo dahil nakuha mo na ang 13th month pay mo.
Teka, may natira ba naman? O bayad utang lang, at negative balance pa?
Pero pano naman kami? Ikaw?
Teka may inaasahan ka bang 13th month Pay?
Okay, okay, kung meron at hindi mo pa makuha hanggang December 24 ay tutulungan kita saan ka mag susumbong.
Ayon kay Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz ng DOLE:
In the National Capital Region (NCR), workers can call 3392016; 3392017; and 4006242. At the DOLE central office, they can also call the DOLE Call Center at 5278000 or 9082917. They can also dial the Center at Globe 2917.
The other telephone numbers are as follows: Cordillera Administrative Region (CAR), (074) 4240824; Region 1, (072) 700 3879 and 7003122; Region 2, (078) 8445516 and 8440133; Region 3 (045) 4551613 and (045) 4551619; Region 4-A, (049) 5457360; Region 4-B, (043) 2881485; Region 5, (052) 4803058 and 4805831; Region 6, (033) 3228026; Region 7, (032) 2549309; (032) 2535156; Region 8, (053) 3255236; Region 9, (062) 9912673; Region 10, (088) 8571930; Region 11, (082) 2274289; Region 12, (083) 2282190; and Region 13 (CARAGA), (085) 3455212.
Okay na yang contact numbers ha. Ang sabi ay laging may tao, opo, taong sasagot ng inyong mga tawag.
1/12 ng buong kinita mo sa isang taon ang 13th month pay mo. Ngayun kung may mga tanong ka pa at gusto mo ng kasagutan ay hindi kita masasagot dahil wala akong telepono. Hindi naman ako ang sasagot sa mga telepono na nandiyan kaya diyan ka tumawag sa nakasulat sa taas.
Paalala lang po. Kung sakali naman at makuha mo na ang 13th month pay mo ay ingatan mo naman ang pera mo sa mga salisi gang, madurokot, swindler, holdupper, snatcher, hulidap, maniningil at Misis mo para medyo magdagal sa palad mo.
O papano mga pre at mre, babu muna at papasok pa ako.
Ihahanda ko muna ang 13th month pay ng tao namin at baka maisumbong pa ako diyan.
(Nakayuko,Nahihiya!)
Saturday, December 11, 2010
Smart Loan sa Load
Kung bakit naman sa niluwang-luwang ng Commonwealth Avenue na kalsada ay nagkakatraffic pa.
Yung dapat na biyahe ko na isang oras at kalahati ay naging tatlong oras.
Para na akong umuwi ng Batangas.
Kaya naman pala ay ginawang parking lot ng mga damuho ang isang parte ng Commonwealth Avenue malapit sa Diliman Preparatory School. May mga damuhong gustong magswimming ng isang araw para magka record. At ito ang gusto nila:
The Philippines will attempt to establish a new Guinness world swimming record for most number of swimmers in a non-stop 24-hour marathon relay with the staging of the first-ever Peace and Unity Swim on Dec. 10 at the Diliman Preparatory School swimming complex on Commonwealth Ave., Quezon City.
Sa hinabahaba ng prusisyon este traffic ay naubusan ng load ang katabi kong bagets. Siepmpre to the rescue ang katabi rin niyang bagets. Ito ang dialogue:
Bagets 1 : Naubusan ka ng load? Hindi ka ba Smart?
Bagets 2: Matalino ako kaya nga ako Globe eh.
Bagets 1: Yan nga ang sinasabi ko sa iyo eh, Sa Smart dial ka *765, may ma utang ka load na P4.00 at ang bayad ay sa sunod na load mo pa. One day use for emergency gaya nito.
What? Pweding na ring umutang pati load? Aba, sa wais ng mga Pinoy tiyak puro utang gagawin ng mga iyan. O kaya puro unli ang paload. malimutan kaya ni Smart utang mo kung matagal na? Hindi ka naman siguradong masulatan niyan para singilin, hehehe.
Luma na pala ang promo na ito. Dati nga raw ay Dial *767 o kaya ay *7677.
Aba at bakit nagbago?
Malamang nalugi si 767 at 7677 kaya si 765 naman ang nagtinda. Hindi daw pwedi umutang ulit hanggang hindi pa bayad. Ayos din ano?
Pero alam naman natin na ang Pinoy likas na gaya-gaya, puto-maya. Ilang tulog lang meron na rin ang Globe niyan.
Anyhow lilipat na ako ng Smart prepaid at baka magpaloan,magpa utang ng cell phone.
Ang kaltas kada paload ko rin, aba payag na ako.
What do you think mga Pare at Mare ko?
Friday, December 10, 2010
Football Uli
Ano na naman itong nasagap ng aking antenna na hindi matutuloy ang semi-final game dito sa ating bansa?
What? Oh may gulay. Ready na ako isanla ang cell phone ko makapanood lamang ako ng live niyan. Todo suporta sana tayo dito.
May isang nag epal daw at nakiaalam na nagsabing hindi natin kayang magdaos ng ganyang kalaking palaro.
Naku naman, naman, naman, naman,naman oh!. Nakakasar naman talaga, naman naman naman uli.
Yan na nga ang sinasabi ko na ang mga lider ng Sport dito sa atin hindi mga sport. Mga pikon at mahilig mag epal.
Ito na sana ang pinakamagandang panahon para ang mga kabataan natin ay makita ang ganda, galing at angking taleno ng pinoy.
Ayon sa siete o balita ay kulang ang stadium na pagdarausan ng laro ng mga upuan, ilaw at airconditioned dressing rooms na hinahanap ng AFF.
Diyos ko naman (naman, naman uli), eh kung ang Eat Bulaga kayang makagawa ng mga upuan dahil sa patapong plastic iyan pa kaya. Oh ayan ang commercial nasa baba:
Para sa mga katanungan at general concerns tungkol sa Plastic ni Juan Project, tumawag lang sa 426-6423 local 224 & 225 at hanapin si Maricel Carampatana.
Solve na ang upuan.
Hindi na naisip ng nag epal na damuho na uso na ngayon ang "instant".
Ang daming "instant Coffee", 3 in 1 pa nga, "Instant Mami"," Instant Noodles", "Instant Palabok" instant aircon pa kaya? Oh hindi ba andali isolve?
Ilaw? Eh diyos miyo, nalimutan ng damuho ang tag line ng Meralco," may Liwanag ang buhay".
May project pa ang isang persinto sa Maynila, bisekleta lang may kuryente na sila. Mga bilanggo taga pidal.
Isa pa, pwedi daw ilipat ang mga ilaw ng Paglaum Sports Complex at idadagdag sa Panaad.
Naku naman, naman, naman. bakit naman talaga oh!
Pareng Pnoy baka naman may power ka pang natitira diyan at maisalba mo ito?
Huwag ka na muna mag isip ng chikababe mo at baka lalong maubos ang mga buhok sa kakakamot.
Oh papano, Babu na uli at mag isip-isip muna ako ng remedyo pa.
Wednesday, December 8, 2010
Football sa ating Bansa
Ito na ang pinakamagandang resulta ng ating pambansang koponan sa paglalaro ng football magmula pa noung unang panahon.
Akalain mong nakatabla tayo sa dating kampeon na Singapore Team at tinalo natin ang kasalukuyang kampeon na koponan ng Vietnam sa score na 2- 0.
Ito ay aking pinag isipan ng matagal at malalim. Nakaubos ako ng 2 tasang kape at 2 basong tubig. Hindi ko binilang kung ilang kagat ng Sky flakes biscuit ang nagamit ko dahil isang balot lang naman ito.
Solve na ang mga problema sa corruption tiyak pa ang pagsikat ng Football. Ano ang sa palagay niyo?
Babu na muna at magkakape pa ako, lalagyan ko ng gatas, kaya lang baka lumakas ang nerbiyos ko.
(Ang kape-pampanerbiyos. Ang gatas pampalakas)
Korny.
LATEST UPDATE: 12/9/2010
The Philippines Azkals Team held the Myanmar Team to 0 - 0 draw. Dahil dito ay pasok ang ating koponan sa Semi-Final round. Kasama ang Team Vietnam na nag top sa Group B, Group A naman ay nasa Top ang Indonesia at Malaysia.
Monday, December 6, 2010
Usapang Barbero
Photo Source: Englishrussia.com
Noung unang panahon. Panahon ng hapon este panahon ng mga lolo at lola ko ay uso ang kwentong kutsero.
Hindi ko lang alam kung papano napunta sa kwentong barbero at ngayun ata ang tawag ay kwentong parlor. Pwera pa diyan ang mga kwnentong call center at health center ha.
Dahil sa kasaysayan na iyan ay mapapansin natin na mas madaldal talaga ang mga lalaki kasya sa babae. O baka may mag react ha?
Hindi ko lang na confirmed kung ang mga topic ng mga kutsero ay damo,pulot at kabayo lamang. Ang sure ako ay dama ang kahalo sa mga kwentong barbero dati, Chess na ata ngayun. Sa nga kwentuhan na iyan ay topic lagi ang buhay ng iba't-ibang tao siyempre.
Ito lamang ang business na mas maraming kuwento mas maraming customer.
Nuong huling pagupit ko si Manny Pacquaio ang topic. Parang lahat ng tao duon kaibigan ni Manny. Kilalang kilala si Pacman. Isama na sina Jinky at Mommy Dionisia.
Sunod naman naging topic yung absent na kapwa barbero.
Over daw sa yabang. Akala mo magaling. Dami na raw napagawa at nabili yun pala drawing.
Dami daw naniningil sa dami ng utang. Bukod daw sa nagtitinda ng balut/pinoy meron pang ilang bombay. Pati nga raw tindera ng daing na naglalako tinalo pa. At ito ang matindi, wala daw utang na loob.
Sarap ng pakikinig ko at panay pag sang ayon na lang ang papel ko nung biglang natigilan si manong barbero. Naiba ang topic.
Pagdilat ng mata ko, kanina pa pala nasa likod si Manong barbero na topic niya. Dali-dali akong umalis at baka maahit pa ang tainga ko. Sabi ko ay babalik na lang ako sa ibang araw.
Kaya kung gusto niyo malibang habang nagpapagupit kayo ay sa barbero na kayo pumunta.
Marami kayong mapupulot na aral sa buhay na hindi naituturo sa school.
.Ang moral ng story dito ay huwag kang aabsent sa trabaho mo.
Malinaw po ba? O babu na muna ulit ha.
Siya nga pala, diyan ako nagpapagupit!
Saturday, December 4, 2010
Pnoy Blue Christmas- Malamig ang Pasko ni PNOY
At tila nasisisi ang media sa minamalas niyan lovelife. Bakit naman? Ito at nasa Philippine Daily Inquirer (click here).
“It’s on your conscience” if another potential girlfriend sheers off, he said.
Tapos na ba ang kanilang pagmamahalan ng aking idol na si Miss Shalani Soledad? Saang pansitan ba ako nakatulog at hindi ko ito namalayan?
Iyan ba ang dahilan at naging abala na lang si Mam Shalani sa Willing-Willie?
Kaya naman panay ang diskarte nitong si Pareng Willie Revillame? Naku po! Huwag kang bibigay Mam at baka magsisisi ka lang. hehehe
Tingin ko naman ay na kay Mam Shalani na ang hinahanap ng isang lalaki. Maganda, mahinhin magsalita, disente manamit, matalino sumagot at may ngiting babaeng pilipina. Hindi suplada at tila madali lapitan. May kumontra kaya?
Baka naman nauntog si Mam Shalani at nahimasmasan. Sabi kasi kay President Pnoy suuotan ng helmet agad si Mam Shalani upang mauntog man ay walang epek.
Ano nga ba ang hinahanap ni Pnoy sa isang babae? Hindi naman kaya sa laki na pagmamahal ni Pnoy sa kanyang yumaong inang President Cory ay mga katangian nito ang kanyang hinahanap?
Parang mahirap iyan pero posible.
Ayon sa tsimosang kapitbahay ko ay Liz Uy daw na stylist ng Pangulo ang isang nakita na ka date niya. Tapos isa namang Barbie Palagos ang isang nakasamang kumain sa isang restaurant.
Mga pagsintang purorot dati ni Pnoy (ayun sa siete niya) ay sina Korina Sanchez at Bernadette Sembrano. Napansin niyo ba na may “S” sa apelyedo. Sakto na sana si Shalani Soledad. Double pa ang “S”.
Ang payo ko sana kay Pnoy ay huwag ka nang makipagdate ng walang balatkayo. Gayahin mo ang itsura ni Willie Nepomoceno para isipin nilang hindi ka naka disguise. Kung si Willie ka dapat wala kang body guard, tama ba? Pwedi naman na ang mga body guard mo ay naka disguise din na Jon Santos o namang character na nasa picture para isipin ng tao may show lang kayo.
Hindi ka na susundan ng mga media people. Malaya mong magagawa ang mga diskarte mo sa chika babes. Sure ako laglag agad ang matamis na "oo" niyang ka date mo.
Hind na magiging malamig ang pasko mo.
Ano sa palagay niyo mga pare at mare ko?
Ang problema lang na nakita ko ay baka si Willie Nep ang pakasalan niyan.
Babu na muna at uubusin ko itong kape ko na sinlamig na ng bangkay.