Saturday, November 29, 2008

Masayahin Ka Ba?

Text sa akin yan ni Deo kagabi.
Siya: Bakit ba puro ka putik at ambaho mo pa?
Kausap:Nakita mo ba yung kanal duon sa harapan?
Siya: oo bakit?
Kausap: Puwes ako hindi konakita! Masaya ka na?
Ayos ano? Ok ba sa joke?
Masayahing tao si Deo. Anf sarap ka jamming. Kahit sa text lang solve ka na.
Masarap kasama ang mga masayahing tao. Gumagaan ano mang suliranin meron ka.
Hindi pinag aaralan ang pagiging masayahin. In born kumbaga.
Marami kasing tao makita mo lang ang mukha nakakaasar na. Nakikita kasi sa mukha kung mukhasim ka. Mukhang maasim ba na o masungit.
Tiyak yun kapag nakausap mo puro reklamo aabutin mo. Puro problema niya at nafe feel mo na lang na parang ang bigat na rin ng problema mo.
Pero may mga tao naman na seryoso ka na, puro patawa pa rin. Alin ba gusto mo makasama?

Ako mas gusto ko yung masayahin. Puro goodtime kausap. Kaya lang kung minsan ingat din.
Lalo na kung iniikot-ikot niya yung daliri niya sa ulo para pumulopot ang buhok.
Tapos ngingiti din titingin sa iyo.
Takbo na kapatid baka biglang manaksak patay kang bata ka.

Masayahin lang sabi ko, huwag namang baliw.
Masayahin ka ba?



I found the greatest marketing idea of all time - in a FREE ebook found HERE

2 comments:

Roy said...

extremes ako e, kung minsan sobrang masaya (yun, malapit na sa baliw), minsan naman masyadong seryoso (pero mas madalas yan)

lee said...

hahaha sabi nila ako daw dina basta masayahin, kundi baliw na talaga hahaha