Wednesday, November 19, 2008

MRT, grasya o disgrasya


Matagal-tagal na rin akong hindi nakasakay sa MRT. At kung nakasakay man ako ay hindi naman rush hour.
Kahapon ay na experience ko ang actual situation kapag rush hour kaya nga naitanong ko kung ang MRT ba ay talagang grasya o disgrasya sa mga commuters?

Grabe ang inabot ko mga tsong. Para akong nagpamasahi (massage) ng libre at lahat ng katawan ko nabugbog.
May meeting kami sa Mandaluyong ng mga 8:30 AM so naisip ko mas madali ang mag MRT at isa pa mas matipid and walang polusyun.
Sa Quezon Boulevard station na ako sumakay. Actually, nagulat din ako kasi kay dami at kay haba ng mga tulay (paikot ha) na pwedeng lakaran sa lugar na iyon. Gawa ng MMDA. Pero wala pang mga vendor ha.

Madali namang pumasok at bumili ng ticket, pero nung sakayan na sa coach ay ibang istorya na.
Para kang nakikipag patentiro sa mga ibang pasahero para makasakay.
Kinailangan ko tumakbo at maghanap sa ilang coach na pwidi pang makapasok. Pangatlong try ko ok na. Medyo nakapasok naman ako sa gitna ng pintuan. Kasi naman karamihan parang hanggang duon lang humihinto.

Pagdating sa next station ayun na po. Parang may malakas na pwersa at malakas na hangin na dumaluyong sa amin na nasa loob ng train. Ang tindi ng tulakan at tila muntik na kaming lumabas sa kabilang pinto. Grabe, over na over sa lakas. Buti lang at walang lumabas na masamang amoy o napautot nung time na yun. Kung hindi ay baka nahimatay na ako.

Ganda ng pag ka plantsa ng damit ko nung pumasok ako, paglabas ko -luray-luray na ito.
Linktik pa kasi itong nasa harapan ko, kung ano-anu ang dinudukok sa bulsa niya at nabubunggo itong aking si "pedro". Ganun din sa likuran ko. Parang dinudukutan ka na yun pala mga cellphone ang kanilang kinukuha.

Pag dating sa next station ganun pa rin ang istorya. Naiisip ko tuloy na ganun din ang feelings ng mga sardinas. Ang hirap pala.
Ang matindi pa huminto ng mga ilang minuto dahil nasira daw yung naunang train dahil sa siksikan. Yung pintuan ang nasira. Dapat kasi puro pinto ang ginawa nila para walang siksikan.

Imagine mo naman na parang kang nagbabaging ng matagal para hindi ka maitulak palabas na pinto. Dito ko narealize na talagang matalino si Lord. Bakit kamo? Kasi yung kulang sa height ay lamang. hindi na sila kakapit sa hawakan at mangangawit. Hahawak na lang sila sa necktie mo o bag mo sabay ngiti at sabing "pahawak lang po".

Kaya pala kapag sumakay ka ng MRT ay dapat madasalin ka. Na wala sanang mangyari sa iyo sa loob ng train.

Paglabas ng train ay ganun din ang istorya. Kapag nanggigil ang nasa likuran mo at buong puersa ang ginamit sa pag labas, sorry ka na lang tsong, lahat ng tao,bag o ano mang dala mo maisasama sa paglabas niya.

Hay buhay, hinid na uli ako sasakay ng MRT kapag rush hour.
Kaya nga ang tanong ko , Ang MRT ba ay grasya o disgrasya sa mga commuter?

Sana ay magawan nila ito ng paraan sa pamamagitan ng pagdagdag ng train sa mga oras na iyon. O kaya naman ay puro pinto ang ilagay nila.
Any other suggestion?

6 comments:

Anonymous said...

Kaya siguro balak nilang magtaas ng pamasahe, pambili ng bagong coaches.
Mas malala nung nagbigay sila ng free rides noon. Makita mo ang walang kakuntentuhan ng mga pasahero.

Anonymous said...

hahaha baka naman kaya gusto nilang taasan ang pamasahe kasi my libreng masahe na lol,inabot ko rin yan nung araw isipin mo from bulacan to makati ang aking destinasyon araw araw na ginawa ng juice twing bababa ako ng station tanggal ang butones ng blouse ko kaya dapat my baon kang extra button isama na karayom at sinulid at tama karin madalas akong maging kapitan ng MRT.

Anonymous said...

lee - hindi ko mabuksan site mo.Hehehe. Matangkad ka siguro.Siguro pagawa ka ng blouse na may mag spikes. Kapag dumikit pa naman sila at natanggal ang spikes malamang balat kalabaw na sila.Salamat sa pagbisita.

BURAOT said...

hehhe. naalal ko nung pumapasok pa ko jan sa manela.. lagi akong me baong damit. kasi sigurado, sardinas ang kalalabasan mo sa LRT. bukod pa sa maliligo ka sa pawis panigurado, lahat ng amoy, kakabit sa katawan mo. grabe. sira ang porma. pagdating ko sa iskul, liligo muna ako sa gym para fresh na fresh sa mga tsikabeybs.

anyhoo, dady-yo, bat alam mo yung kuritas? wahahahah! taga san ba kaw sa atin?

Anonymous said...

Buraot- Ako po ay ipinanganak sa Chinatown ng Ongpin. Dami gumagamit ng kuritas na naging band-aid. Iba-ibabg hugis yaan pang tapal sa mga kiss mark.Dati kasi ay mahina ang bentahan niyan dahil kunti lang ang nagkakasugat. Eh ang daming taga Mesirecordia(hila-hila)na nag model.kaya ayun, pumatok.

Anonymous said...

ganun?ikaw nga unang bumisita sakin e yung mga nakakaiyak na signs sabi mo nakakatuwa lolz.
hahaha kuritas oo yun ang tawag dati inabot ko pa yung tawag na yun halata na ba sa edad?hahaha.
di naman katangkaran pag unano lang katabi ko matangkad ako haha.
grabe yang naisip mo ah spikes lolz.