Picture source:
Survivor PhilippinesMay mga aral na mapupulot dito sa panonood ng Survivor Philippines. Agree ka ba? Medyo hindi ako naka-panood nitong huling mga araw. Pero kagabi ay naispatan ko (dahil sa pag basa ako ng kaunti ng blog ng iba) hindi ko napansin ang oras na gabi na pala. Oras na ng Survivor Philippines kaya nanood na rin kami ng Family ko. Habang tumatakbo ang mga eksena ay naisip ko na alamin na rin sa mga anak ko( na gising pa nuong oras na iyun) kung ano ang mga bagay na napansin nila sa mga character na bumobuo ng nasabing palabas? May mga bagay ba o ugali silang napansin?
Siempre galit din sila, gaya ng marami kay Marlon. Isa siyang "user" o manggagamit. Magulang, to the point na kaya niya ginagawa ang isang bagay ay upang mayroon siyang pakinabang. Ginamit niya ang pagkakataon na naiwan sina Cris at Kaye (dahil sa Immersion experience nina JC, Zita, Rob at Kiko) upang magkaroon ng galit ang dalawa sa apat na dating kasama sa Naak tribe. Kung ganun siya sa tunay na buhay ay mahirap siyang maging kaibigan sapagkat siguradong gagamitin ka lamang niya sa kanyang advantage.
Sina Cris at Kaye naman ay nagpagamit kay Marlon at sa dalawa pang dating Jarakay Tribe. Hindi ba nila naisip na lumipat lamang sila mula sa kama papunta sa banig. Kung magkaroon sila ng alliance na lima, sino kaya ang pipiliin ni Marlon kapag dumating ang panahon na mag-iiwan ng tatlo. Hindi ba ang dalawa niya dating ka tribu ang pipiliin niya. Sa buhay natin ay decision making ang pina-importanting parte ng ating buhay. Sana lamang ay nilinaw nila Cris at Kaye sa dating kasamahan nang harapan ang mga gumulong bagay sa kanilang isipan. "Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwag".
Sina Kiko, JC, Zita at Rob naman ay naging over confident na solid ang grupo nila kaya parang hindi na nila inalam kung ano ang nangyari nuong wala sila dahil sa immersion experience nila.Yun ang sa tingin ko ang pinaka malaking pagkakamali nila. Naging mayabang pa nga si Rob sa pagsasabing kasama si Marlon sa iiwan nila. Hindi ba niya napansin na sa sobrang tiwala ni Marlon sa nabuo niyang bagong alliance ay may pag-sarcastic na ang mag biro niya. Ngiting demonyo kumbaga. Communication ang importante sa isang samahan. Kung inalam lang sana ng apat ang nangyari nuong wala sila ay maaaring naagapan nila ang pagkasira ng Naak tribe. Kinakain na ito ng intriga na itinamin ng mga Jarakay tribe to survive. Hindi alam ni Kiko at Zita na sila ang nasa listahan na aalisin ng lima.
Wala akong masabi kay Veronica sapagkat isa siyang warrior. May angkin siyang tatag ng loob at karapat-dapat din siyang manalo.
Si Charize ay hindi consistent sa kanyang mga sinasabi at ginagawa. Ginagamit niya talaga ang utak niya to survive in this game. She is playing her card well. Marlon jr-kung tama ang hinala ko pero mas mild nga lang.
Bilib din ako kay JC dahil sa tingin ko ay fair game din ang gusto niya gaya ni Kiko at Zita.
Ang problema lang ni Kiko ay ang pagbibigay niya ng advise o payo na hindi naman hiningi ng isang tao. Lumalabas tuloy na mayabang siya at alam niya ang lahat ng bagay.
Ang ditirminasyun ni Zita at mga pangrap sa buhay ang nagbibigay ng lakas at tatag ng loob sa kanya upang ipagpatuloy ang laban.
Sa huling tribal council nila ay nabitin ng hindi binasa ang pang-limang boto na hahatol kung sino kina Marlon at Kiko ang lilisan sa islang iyun. Ang hula ko ay si Kiko ang lilisan.
Hindi kaya napansin o naisip ng dating Naak tribe ang purpose kung bakit nanduon si Jace (ang huling naalis sa tribal council)? Hindi siya pinayagang magsalita.
Over confident nuon si Jace na hindi siya ma vo-vote out pero laking gulat niya ng pangalan niya ang lumabas sa botohan. Huwag maging kampanti sa ano mang ginagawa natin sa buhay. "Don't be caught off guard" so to speak.
Hanggang sa susunod na episode ng Survivor Philippines mga tsong, tsang-Babu!
1 comment:
yup regular ako survivor pero ang napapansin ko my mga drama dito na di natin alam e,gaya nung ky marlon e bakit di sya ma vote out?parang my hidden agenda sila na dapat mag stay ang marlon kasi sya nga ang lumalabas na contrabida e kung wala na sya e wala ng kaiinisan ang manood at wala ng thrill kumbaga.
e ang laro naman na to e survivor di dapat padala sa damdamin o emosyon kasi nga dito matira ang matibay at dapat ang iisipin mo e kung pano mo isasalba ang sarili mo and you dont have to consider other person dahil naging kaibigan mo na nga sya pero tao e dimo maiaalis na masamahan ng emosyon at natural satin yung mahulog ang loob sa tao lalot naging mabuti naman ang samahan.
marami talaga galit kay marlon at gusto syang pagsasampalin hahaha pero thats part of the game and at the same time part of the show, dyan kumikita ng pera ang network atleast (ayoko sana magcompare) makikita mo na talagang sa palakasan dinaan yung pagsubok sa mga na qualify di gaya nung sa FF sa kabilang station na talagang pinili mga my chura at mga seksi kasi yun ang pambenta nila.
haaay titigil nako kaka type at baka maging mas mahaba pa comment ko kesa sa blog nyo hahaha.
Post a Comment