Monday, November 24, 2008

Blogging 101


Dami ko nakitang title ng mga blog tungkol sa blogging. Iba’t-ibang pautot. Halos karamihan hindi maarok ng aking isipan.

May nga SEO, link building, making comments, achuchu-achuchu at kung ano-anu pang mga eclavo. Kaya naman nag Blogging 101 na rin ako.


Bakit Blogging 101 ang title nitong post?
Kaya ganun ang title ko kasi wala akong maisip na ibang title kung hindi Blogging 101.

Bakit naman 101 at hindi 201, 301, 401, 501 o ibang number?
Mas maganda kasi parang sa school na pre requisite. Tsaka ang 101 ay pagkatapos ng 99 at 100. Pagkatapos naman nitong 101 ay 102, 103, 104 ops tama na baka humaba pa.

Seriously speaking (kahit wala sa Ospital, hehehe). Start na tayo hane…

Hanap ka nang gusto mo sulatan (kahit saan, kahit ano lang). Gaya dito sa binabasahan mong Blogger. Kahit na ano, na pweding sulatan. Opo, kahit na pinagbalutan ng tinapa.

Isip ka ng Title na kahit na naisip na ng iba ay isipin mo na lang na bagong isip lang yan.

Lagyan mo ng laman. Kahit na ano. Gaya nitong binabasa mo. Huwag lang ang ilalaman mo ay mapapanis at mangangamoy. Baka bugbog abutin mo o kaya puro mura ang marinig mo.

Tignan mo ang forte mo or style mo ng pagsusululat. Para medyo komportable ka at relax ang pagsusulat mo. Kung sa mga likod ng upuan ng mga Bus ka mahilig magsulat, itigil mo na tsong at baka kulong pa abutin mo. Huwag sa mga ganun kasi Vandalism yan.

O ayan ha. Kung tapos ka na sa pag susulat ay iba naman ang asikasuhin mo.
Yun namang magbabasa ng mga sinulat mo ang hanapin mo.
Kung gusto mo, wait mo muna ang isang topic ko na isusulat pa lang.

Reading 101 naman. Okey ba nga Tsong?
Sagot naman kayo diyan kung okey?

Teka! Teka, papano ba kumita dito sa blogging?
Teka rin ha, ang sabi sa title blogging 101 at hindi naman earning 101.
OO nga naman.
Hirap ng walang magawa ano? Kaya pala nakakabaliw ang Blogging!
Blogging na rin kayo.





5 comments:

Anonymous said...

"achuchu-achuchu at kung ano-anu pang mga eclavo"

Hahaha! Wag kang bumigay please! Sasaksakin ako nang asawa mo! hahaha

Anonymous said...

lol cute naman nyang kayakap nyo

Anonymous said...

reyna elena - ang lakas kasi ng powers mo.Lakas mo maka inpluensiya.Parang ang sarap sabihin at ulit-ulitin.(Sabay irap)

lee - birthday party ng inaanak ko.Nagrequest si Dora piktur-piktur daw kami.Padala niya kay Doro.Alam mo na, souvenier ek-ek.

edelweiza said...

grabe, ang dami kong natutunang kalokohan, este, kaalaman pala.hehe. :)

Anonymous said...

Edelweiza - your now back from Baguio ha.Salamat naman at kahit papano ay may napulot ka. Pwede m na rin itapon . hehehe.alang ka kwenta kwenta talaga itong blog ko eh.