Saturday, November 22, 2008

Pwede Ba Sa Iyo Magreklamo?

Ako kasi ang taong ayaw ng away kaya kadalasan ay tumatahimik na lang ako.
Ito kasing Mrs ko hindi ko maka usap ng matino. Kapag ask ko siya kung anong oras umalis o dumating mga tao o ang isang bagay sa amin, ang sagot lagi kung ano ang palabas sa TV. Laban ka?
Ako : Ano oras ba pasok ni Lanie mo bukas?
Mrs : Unang Hirit pa.(Meaning umaga)
Ako : Anong oras na ba nakarating si Melvin?
Mrs : Maaga pa, Eat Bulaga pa nga eh. (Meaning tanghali).
Ako : Anong oras tayo aalis papuntang clinic?
Mrs : Pagkatapos ng Daisy Siete?(Meaning hapon).
Ako : May tumawag daw diyan sa bahay kanina? Ano oras iyon?(Over the phone)
Mrs : Hindi ko napansin, siguro Lovely Day na yun?(Kunot ang nuo ko)
Oh! Hindi ba ang hirap kausap ng Misis ko?
Eh! Hindi ko pa naman tanda mga palabas sa Channel 7. Certified Kapuso daw siya, sarado na kandado pa.May lock pa at d kumbinasyon pa ha. Hirap buksan nun ha!
Nireklamo ko na yan sa kanya , kaya nga mukhang sirang plaka na ako sa pag sasabi nito sa inyo pero hindi naman...pero hindi naman...pero hindi naman...pero hindi naman - hindi ba?
Nilapitan ko itong kapitbahay ko na si Aling Maria, ang sagot ba naman sa akin ay kausapin ko daw ang My Husband's Woman niya. Ano ako Hilo?
Tingin ko nga para na akong Survivor sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Kung minsan naiisip ko, ano kaya kung kayo ang nasa lagay ko. Ano kaya ang ma-feel niyo? Baka ma Lalola na kayo sa kakaisip? Kahit si Kapuso Mo-Jessica Soho ay mahirapan siguro umunawa. Naibulong ko ito kay Luna Mystica at Gagambino, inginuso naman ako kay Asero.
Kanino kaya pwede mag reklamo? Pwede ba sa iyo mag reklamo?
May nag sabi sa akin Kay Susan Tayo magreklamo pero nag-dadalawang isip ako. Baka ma Imbestigador ako mahirap na. Kay buti-buti at walang Emergency na nangyayari.
Nilapitan ko minsan si Mel at Joey nung natiyempuhan ko isang blogging event- Ka Blog ko kasi eh, baka ito pa raw ang simula ng Family Feud?
Napag isip-isip ko rin kung Kakasa ka ba sa Grade 5? Back out ako diyan.
Minsan naman nadaanan ko sina Rosalinda, Sakurano, Jacky Chan, Doraemon, Pokemon at Street Fighter na nasa harap din ng TV at nanood. Mga barangay tanod ito tapos halos 24 Oras kung manood ng TV. Halos Walang Tulugan na sa Nut’s Entairtainment na ginagawa nila. Akala kasi nila ay nasa Bitoy’s Funniest Moment sila lagi. Isinulat ko na lang sa Reporter’s Notebook na sa Barangay nakalagay.
Dapat daw ay may I Witness kung hindi ay isa itong Case Unclosed.
Hay buhay! Kung ganito lagi ay Saan Darating ang Umaga? Maituturing itong isang Pinoy Records dahil nahukay sa ilalim na Takeshi's Castle ang record ng Celibrity Duet at pwede maging topic sa Star Talk.
Wish ko lang! Ito na lang ang pray ko. Matapos na sana itong pag durusa ko.
What do ya think friendship?
Pwede ba sa iyo magreklamo? Paki bigyan na tuloy ng solusyon hane!

4 comments:

Anonymous said...

Kuya Mon,

It seems nga na nahihilig ng husto sa telebisyon ang mga tao sa inyo. Anyway, ganito na lang - minsan pa try ninyo sa kanila sa one day banned ang telebisyon para naman ma-divert attention nila sa tv shows. ;)

Anonymous said...

Bat di magreklamo kay Corina Sanchez? Tapos ipa-XXX mo...lol!

Sorry, wala na akong maisip kasi parehas kami na mrs mo e...Kapuso!

Anonymous said...

Snow- Parang gusto mo nga ata magka Family Feud ah! Yaan mo na,kung day off ko ako naman ang hari.Hari ng taga lipat.hehehe

Angel - Thanks sa suggestion ha.Wala naman duon SOP,K the 1 Million Cahllenge.

Anonymous said...

hahahaha para palang mother ko suyod ang palabas sa 7 mula unang hirit hanggang sa husbands woman hahaha