Maaga akong umalis kahapon. Baka kasi ma traffic ako. Halos 7:30 pa lang ng umaga umalis na ako. Pupunta kasi ako bandang port area. Malapit dun sa may bandang Fort Santiago. Alam niyo yun?
Pasyalan namin nung nasa high School pa kami.
Pero bago ako umalis nakita ko ang salansan ng mga books ni Bob Ong.
Opo! Fans talaga ni Bob Ong ang mga anak ko.
Ang unang nabili ni Mae ay ABNKKBSNPLAko? at magmula noon ay inisa-isa na nila ang collection. Naka anim na book na nga sila.
Sabi ko sa sarili ko, bakit kaya hindi ko dalhin ang isang book niya at nang mabasa sa biyahe. Iyong pulang cover ang napili ko. Mac Arthur ang title.
Nabasa ko yung unang book na nabanggit ko kanina at talagang naaliw ako ha!
So pagsampa ko ng FX, inumpisahan ko nang basahin. After ilang pages medyo napaisip ako,seryoso ata itis. Ala pa akong nakikita o nababasang patawa. Pero maganda ang takbo ng istorya. Pati mga discription at dialog.
Feel na feel mo talagang nasa iskwater ang location at pati mga charaters.
Ang apat ng barkada na sina Xyrus, Noel, Voltron at jim ay nabigyan ng makulay na buhay at character. Dito umikot ang istorya. Nasamahan ng ibang character na kakatuwaan niyo rin.
Tiyak yun!(Ala El Shaddai).
Medyo muntik na akong maiyak sa huling mga pahina. (Nahiya kasi ako sa katabi ko).
Honestly, nangilid ang luha ko.
May moral lesson na maiiwan dito. Akma ang title sa istorya. Gleng! Gleng!
Hindi ko alam kung mabilis lang akong magbasa o dahil sa bagal ng daloy ng traffic,
akalain mong matapos ko ang book bago ako bumaba ng sasakyan.
Mas mabuti na talaga ang may binabasa kaysa matulog sa sasakyan.
Gaya ng mamang katabi. Grabe tsong, hilik to the max.
O sige, basahin niyo na lang at tiyak mag enjoy kayo. Mac Arthur ni Bob Ong.
Ayan yung ibang book niya. Nasa Baba.
ABNKKBSNPLAko?!Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?" href="http://www.visprint.net/publications/bob/book3/index.htm">Ang Paboritong Libro ni HudasAlamat ng GubatStainless LongganisaMcArthur
2 comments:
hahaha ok ah sige paguwi ko try ko yang book nya hanapin ko.
Post a Comment