Mga Tsong and tsang, halos one week na akong nagdurusa dito sa Bayantel dsl namin. Dito ako sa area ng Quezon city.
Alam niyo ba yung tipong suerte mo kapag hindi maputol ang connection namin ng dsl sa loob ng ten minutes. Opo, ten minutes or 600 seconds.
Okay naman ang Customer service nila katunayan ay alam ko na nga mga sasabihin nila. After verifying your information.
Last week-"Paki patay po muna ang modem ng ilan minutes, would it be alright".Makalipas ang ilan sigundo na umabot ng ilang minuto,"Paki on na po and moden natin"."Ok naman po dito, nung ne-reset ko ay working na ho.Baka diyan sa computer niyo.Anyway may report number na naman ho ito baka papuntahan na lang ho diyan.
Sunday may nagpunta and after ilang tries sa pag reset ng modem at re-start ng pc,"Parang may virus ang pc niyo pero palitan ko ho modem niyo mukhang sira na ho."
Nung napalitan ay biglang nag magic,na connect siya ng 1 hour.
Sa ngayun ay ganun pa rin, parang patak ng ulan ang pag connect namin sa Bayantel dsl.
Ate Helen and Ate Charo, paki help naman po. Okay po ba ang PLDT dsl or Globe DSL dito sa Quezon city? Alin-alin,alin kaya sa inyo?Ang pipiliin ko.Paki tulungan naman po ako.
Sabi nga nila"Gaganda pa ang buhay" dun sa website nila.Ano po sa palagay niyo.
Ayun sa nakausap ko kagabi, pupuntahan na lang daw ang lugar ko at titignan ang linya. Sana po ay makita na nila.
Isa na namang kuwento ng Bayantel subscriber na gustong lumipat ng PLDT dsl o Globe DSL.
Saan kaya hahantung ito?Lahat na ata ng Santo natawag na ng mga anak ko para huwag maputol ang connection pero no kindo.
Babu at baka maputol uli.
alfa romeo wiring diagram
6 years ago
1 comment:
Pakner,
Ganyan din ang laging sinasagot ng digitel("pakipatay muna ang modem and then buksan mo uli). Magkapatid ata si Bayan at Digi, Tel ang surname nila.
Post a Comment