After 33 years nga po mga kapatid before this happened. Opo, tama po ang basa niyo, after 33 years ay nagkita-kits kami ng mga high school classmates ko sa Manila High School (Intramuros, Manila). Isang text lang ni Pia at nai set na ang araw na iyun. Kung ikaw, may maalala ka pa kaya? High School reunion -Try mo din.
November 15, 2008 is the date. 3:00 O'clock PM sabi sa text kaya by 1:30 umalis na ako ng branch going to the place. Nung high school kasi ako, lagi ako maaga pumasok. Medyo na miss ko lang ng kaunti ang pumasok na maaga.
3:00 O'clock nga ata sila umalis ng bahay. Joke lang po ha. Pero pagdating naman nila ay complete na ng pagkain ang everything kaya okey lang mag wait kung ganun lagi.
Ang tagal pala nila ako hinanap kasi year 2000 pa lang daw ay nagkikita-kits na sila.(Nasa Provincial assignment ako nun).
Yung iba naman ay mag kaklase nung college. First time ko kasi naka-attend ng ganito kaya nagbalik ang aking pagiging mahiyain.
Mahiyain talaga ako nung high school kahit pogi naman ako(Hmmmp! Ang komuntra pangit!).
May nanggaling pa ng Naga. Ang ever beautiful na si Cecil. Muntik nga akong malaglag sa bangko nung ask niya ako kung sino ang crush ko nung High school. Ang pasimuno daw nito ay si Cesar na hindi nakarating.
Hindi ko na maalala sa dami ng crush ko nuon. Pero dahil nga sa mahiyain ako, itinago ko na lang. Me memory gap na ata talaga ako para maalala ang mga bagay-bagay na gaya nun.
Pero bilib din talaga ako sa kanila. Tanda pa nila nga name (Full ha!) ng mga classmates namin.
Dun ko nga rin nalaman na nakapunta pala sila sa bahay namin nun sa Ongpin. Siguro sa susunod na pagkita-kits namin madami na ako ma recall. Need ko lang ng trigger to remind me of the happy days. Yung mga time na jukebox ang uso at hindi karaoke. Vinyl records o plaka at hindi CD,VCD at DVD. Rock bands ang uso nun na tumutogtog sa sayawan.(Tagal na noh).
Yun bang ang Fort Santiago at Luneta ang aming pasyalan.
Going back sa Pasay City:
In fairness parang walang nagbago sa mga babae naming classmates. Magaganda pa rin tulad ng dati. Sa mga lalaki naman, may tumangkad ng kaunti kaya lang medyo "arabo" na at "shagi".
Magagaling kumanta ang mga babae namin na sina Pia, Roda Cecil at Medi. Si Deo halatang sanay sa videoke. Salamat Abe at dahil sa iyo nagkalakas ako ng loob kumanta(puro umpisa nga lang). Si Des naging komedyante samatalang mahiyaing matsing din nung araw. Tuwang-tuwa ako kapag tumatawa si Medi dahil sa mga jokes ni Des(Desiderio ang tunay na name).
Siyanga nga pala, salamat ng marami Rolly (ang guapong other half ni Roda) sa iyong pag asikaso sa amin. Mabuhay ka kapatid!
High School reunion - Masaya pala talaga.
Nalimutan ko na nga na birthday ni Lanie ko nung araw na yun. Pasensiya ka na anak at pa minsan-minsan laang naman ito.
Until next issue mga Tsong, Babu!
(Thanks Pia sa correction ha!)
acura vacuum diagram
6 years ago
4 comments:
ay naku kahit gustuhin ko man diko na alam kung nasan na yung mga klasmeyts ko nung hi school sigh! kasi naman school namin giniba pagkatapos ng school year kasi babad sa baha pag umulan lahat kami nakasampa sa desk at sa sandalan na nakaupo kung hindi aalipungahin kami katabi pa naman namin yung napakalaking cemetery ng caloocan hahaha.
ooops take note yung mga classmates ko sa sementeryo nakatira,minsan nag bday yung isa naming klasmeyt nagulat ako(huh ako lang ang nagulat lahat sila very casual)kasi sa mosque ng sementeryo nakatira pamilya nya at pag kakain yung nitso ang lamesa at pag tulugan na papag na yun waaa nalokah ako.(i was being kicked out from my prev school dahil maraming kalokohan lol kaya dun ako tinapon 2 yrs ako dun till i graduated hi school batch '86 bale naka 8yrs kasi ako sa hi school ako kc favorite ng mga titser)inggit ako dun sa mga my reunion kasi diko na makita yung mga klasmeyts ko,minsan nagpost ako via internet wala man lang nagreply lolz.
sarap balikan nung hi school life lalo na yung batch namin na nagbabatuhan ng bungo sa sementeryo yung mga boys(susmayyosep)at yung mga girls acting nagmomodel sa ibabaw ng mga nitso at my hawak na buto ng tao ginawang tiara(santisima)talagang mapapaantanda ka ng di oras.
after graduated from hi school kanya kanya ng ukit ng kapalaran, yung bestfriend ko pangarap maging mangungulot,yung isa nagpanadero,may naging pusher,my naging supulturero,may naging snatcher sa sangandaan.
ako naman mataas ang pangarap ko bata pako e pinangako ko sa sarili ko na magiging kundoktora ako ng bus(yung love bus nung araw yung lakas ng aircon).
after hi school ayoko ng mag college,nung hi school kulang nalang yung poste ng meralko ihambalos sakin ng ina ko para lang magaral e nung natapos ko hi school biggest achievement ko na raw yun kaya masaya na sya.
ngayon eto hanggang sa mainggit nalang ako sa mahuhusay mag blogs ang gagaling mag inglisan kasi ako hanggang copy and paste nalang hehehe.
(sus haba parang blog part 2 hehe)
wow, ang cute naman kuya mon...bonding with old hs friends. good idea po ito. ^_^
lee - ganda naman ng grupo niyo. Parang gangster ata yan mga yan. Parang guest post na yang ginawa mo ah. Salamat ha at nagka comment din itong blog ko.
Snow - dati na silang nagkikita eh. Dami ko ngang nakuhang mga pictures.Mag practice na akong kumanta. hehehe
hi pau!
nice to read your experienced to your first class re-union. the rest of the guys i guess all started it with konnie during our college days konnie and me go to the same university (UE)
laging kaming nagkikita we even joined a frat/soro at that time si konnie pa ang first member na babae
maraming beses kaming lumabas ni konnie nung high school days natin di kami masyadong close ni konnie. it all started after graduation natin sa high school. we both discovered that her mother and uncle ay friend ny uncle ko at kababata pa when both realize may connection pala kami kaya a good relationship started (friendly lang wag maruming iniisip....
ang sarap ng feeling pag nagkikita tayo kaya ng nag text si pia sabi wow! kita kits again ang grupo i even cancelled my appoitment just to see the guys and especially you, pau coz siempre hindi tayo nag kita after graduation.
i dream sana ang grupo lumaki para mas masaya.
pau thanks again sa gift mo sa amin i asked deo (jess) to get the sandal.
i love our grrooouuuppppppp!!!!! with feeling pa yan.......ha ha
yours,
Abe
Post a Comment