Tuesday, December 2, 2008

The Dream Match-Manny Pacquiao VS Oscar Dela Hoya

Naku po! Ilang tulog na lang at malalaman na natin kung sino sa kanila ang matututulog sa matigas na lona.
Si Manny "The Mexican Assasin" Pacquaio o si Oscar "The Destroyer" Dela Hoya.
Parehong naging kampeon sa iba't-ibang division at parehong magaling. Parehong nagsasabing mananalo lalo na at ang bawat Mrs nila ang kausapin mo.
Kung mas matangkad ng bahagya,mas mabigat ang timabng at mas mahaba ang abot ng kamay ni Oscar Dela Hoya, ay may pantapat naman na mas bata, mas mabilis at mas maliksi si Manny Pacquaio.
Kung lakas ng suntok ang pinag usapan ay hindi pa natin matiyak sa ngayun. Iyon bang nag pagaan na si Oscar o yung nagpabigat na si Manny.
Iisa lang ang tiak ko, kapag tayo ang inabautan ng suntok ng mga iyon ay suerte na natin kung magigising pa tayo sa ospital.
Lamang sa pustahan si Oscar kaysa kay Manny. Kumbaga llamado or patok na patok.
Pero diyan kasi magaling ang pinoy. Mahilig tayo sa underdog. Sa mag api.
Kasalanan lahat ng mga artista nuong unang panahon na ang mga bida ay inaapi ng mga kontra bida at sa the end ay lalabas ang rapidong suntok,palakpak sa magkabilang tainga,hahatiin ng kutsilyo ang isang bala para dalawa ang tamaan. Mga tipong ganun.
Balik tayo sa boxing. Nagagalit itong kapitbahay namin. Niloloko na naman daw tayo ng mga amerkano.

Ang linaw daw ng sabi December 6 ang laban eh bakit ngayun December 7 sa atin?
Hindi naman daw live yun. Dapat daw mag imbistiga ang Senado o Congresso.
Ipatawag daw iyan si Gloria at kanyang asawa, malamang daw ay humingi na naman ng “cut” o “Tongpats” ang mga damuhong iyon. Kaya ganun ang nangyari.
Ako: Lo! Sabado ho ng gabi dun sa Las Vegas at lingo ho dito ng umaga.
Lolo: Diyasking bata ere, huwag mo nga akong pinag luluko at laking mental ako. Batang mandaluyong ako kaya’t hindi mo ako maloloko. Paanong mangyayari iyon eh ang “good morning” nila ay umaga din naman. At ang “Good evening” nila ay sa gabi din naman ginagamit. Lokong bata ere ah!

O ayan ha! Bahala na muna kayong magpaliwag kay Lolo Jose at uuwi na muna ako.
Pag aaralan ko pa ang mga sinabi ni Lolo. Me katwiran din naman ata ano?



I found the greatest marketing idea of all time - in a FREE ebook found HERE

2 comments:

Anonymous said...

dito naman live ang telecast nila sa sports channel kaya mapapanood dito same time siguro mga ilang seconds lang ang delay from the actual kaya lang sayang out of town ako tsk tsk diko mapapanood e wait ko nalang sa youtube pag nagkataon.

Anonymous said...

mag radyo(makinig sa radyo ha) ka na lang.Mas live. hehehe