Ang lamig ng umaga. Iba talaga kapag December. Yung lamig niya ay very cold parang nasa cold storage. Yung yun tawag dati sa tindahan ng yelo. Gets niyo na.
Kakatamad gumising kaya lang need ko gumising kasi Christmas Party ni Bunso.
Ok na naman lahat pati dadalhin niyang pagakain. nag share siya ng puto eh.
Kaso yung gift niya hindi ko pa nabalot. Hindi nakabili si esme ng pangbalot kaya wait niya ako. Ang problema gabi na ako nakauwi dahil sa trabaho.
Habang binabalot ko ang gift ng anak ko naalala ko bigla nuong grade 1 ako. Ganito rin ang istorya.
Nalimutan ni mader bumili ng pang exhange gift ko. Eh geniune Ilokana yun kaya magaling sa recycle. Biglang naalala yung isang pwedeng iregalo so, binalot niya.
So kahit na medyo malungkot ako dahil sa forgetfulness ni Mader go pa rin ako.
So far nalimutan ko na yung nangyari kasi ang saya talaga kapag Christmas party hindi ba?
Kanya-kanyang porma, kanya-kanyang diskarte papano manalo sa palaro.
Ito na nung mag exchange gift na. Sabi ni Mam lagyan daw ng panagalan ang gift namin.
Hindi ko nilagyan yung gift ko ng pangalan ko kasi nahihiya nga ako sa binalot ng Mader ko. Sabi ko na lang ako na lang ang huling bubunot para kung ano ang ibigay ni Lord masaya ko nang tatangapin.
"Oh, Paulino ikaw na, kaso yun na yung natira kunin mo at tignan kung ano yung laman."Sabi ni Mam.
Ang saya lahat ng kaklase ko. Kanya-kanyang pakita ng nakuha nila. Ako pa simpleng itinago ang gift na nakuha ko. Kasi yun din yung
biscuit na binalot ng mader ko.
Ayos, nung umuwi ako mas excited si mader sa pag tanong kung ano ang nakuha ko.
Laking tuwa niya at sobrang saya dahil ako ang nakabunot ng gift ko.
Moral lesson- Huwag manduga, este huwag mandaya sa exchange gift. Ang basurang itinapon mo, babalik sa iyo. Karma in the first order.
O siya at Merry Christamas na lang sa inyo.
Babu!
2 comments:
hahaha merry xmas po
what a cute story kuya mon! yup you are indeed right about the moral story...what comes around goes around. ^_^
Post a Comment