Tuesday, December 23, 2008

Cory says sorry to Erap


Cory says sorry to Erap.
Yan po ang headline sa Philippine Daily Inquirer ngayun, December 23,2008. Ayos na sana kaso parang may mali eh.
Sabi Ni Cory "I am one of those who plead guilty for 2001 (uprising). Lahat naman tayo nagkamali. Patawarin mo na lang ako (All of us make mistakes. Forgive me.)"
"That alone vindicates, coming from a respectable President, the icon and symbol of democracy", sabi agad ni Erap. Ang dating President Joseph Ejercito Estrada.
Nuong nabasa ko yung dahilan bakit siya nag sorry natawa naman ako. Grabe talaga ang tawa ko. Hindi ko alam kung mali ang dinig ni Erap o mali ang pagkaintindi niya. Talaga nga atang nakakabingi ang pag tanda. O nakakahina ang pang unawa. Pasensiya na po sa ibang kagalang-galang na matatanda. "Excuse me poh"(Ala Mike Enriquez).
Sa tingin ko walang mali sa pagpapatalsik sa isang kurakot na Pangulo. Ang mali lang ay mas kurakot ang naipalit natin. Duon dapat tayo mag sorry.
"I though GMA (Gloria Macapagal Arroyo) is better alternative to Estrada." Ayon naman pala. Gets niyo? Dito pala siya nagkamali.
Kung hindi niyo kilala si Erap, siya yung dating action star. Artista na gumaganap na bida, na api, na pinagtatanggol ang mga mahirap. Naging Pangulo Erap tawag sa kanya kasi binaliktad na "pare".
Ang problema ay bumaliktad din ang isang Pare niya kaya siya napatalsik. Si Chavit Singson na best friend naman ngayun ni Manny Pacquaio. Teka napalayo na tayo. Balik, balik!
Madam Cory, huwag ka maging sorry. Talagang ganun. Ituring mo na lang na nagsugal tayo at natalo.
"It is better to love and lost than never love at all" sabi sa nabasa kung slum book.
Pwede uli tayo mag sugal at palitan yan si Ate "I am Sorry" Glo. Pero this time, tignan natin ang taya natin.
Kilatisin na natin maiigi. Huwag nang bara-bara. Huwag nang kahit sino mapalitan lang.
Siguraduhin natin walang nunal sa mukha, medyo matangkad. Hindi namamato ng laptop at hindi laging nakasimangot. Hindi pikon sa mga reporter hindi best friend ang taga Comelec.
Hindi naninigaw ng mga kabinite. At higit sa lahat walang asawang mataba na mahilig mag golf sa China.
Baka naman meron pa kayong ibang tip, paki share naman. Yung papano tayo pipili ng ipapalit sa ating Pangulo na hindi na tayo ma-wow mali.
Babu na muna at malapit na ang pasko. Dalawang tulog na lang pasko na.
Merry Christmas na lang po sa inyong lahat lalo na sa 2 na taong nag co-comment dito.
Dalawa na lang kayo baka mawala pa kayo.

6 comments:

Twilight Zone said...

hahahaha kumakain ako ng mapanood ko yung pagsorry ni tita cory, muntik akong mabilaukan hahaha tama ka sana di sya kay erap nagsorry, sana sa taong bayan sya nagsorry na nagkamali sila ng naiupo hahaha

Anonymous said...

parang joke lang daw yun diba? sagot lang daw nya yun sa sinabi ni erap na joke din ahehehe.. meri xmas mon sayo at sa buo mong fam ahehehe.. xmas gift ko? :P joke hapi new year too :D

Twilight Zone said...

Merry xmas and happy new year manong!

Anonymous said...

hahaha! i hear you! i have no love with gloria! leche! in the beginning bilib ako coming from georgetown, and my school george washington not very far away, pinagmamayabang ko pa leche! puta pa! sorry! harap harapang kurakot! ok nuff of her. i think we all know her lecheng caliber.

but i am the more sorry for sorry aquino. she's the only one an tinitingila ko other than half and half siguro ki FVR, but i do hold cory on a different league kaya i was uber disappointed. feeling ko... how could she?! puro lang pala kaeklavuhan ang eklat nong edsa dos?! leche!

at lalong di ako makokonvince na that was joke dahil di ko nakita si cory sa listahan ni badoodles sa top humor chorvalais.

Twilight Zone said...

HAPPY NEW YEAR manong mon wishing you and your family a Prosperous New year...cheers!

Anonymous said...

Thanks po.Pasensiya na at hindi ako maka post and reply this past few days.Medyo may sakit ang lolo due to too much work and stress brought about by my work.