Happy New Year to all!
Paano ba ang Pagsalubong niyo sa Bagong Taon?
Paano ba ang gagawing mong paghahanda sa bispiras ng bagong taon?
Iba-iba na ang nakaugalian nating mga Pinoy pag dating sa pag salubong
ng bagong taon. Halos hindi na natin alam ang tunay na dapat natin sundin sanhi na rin ng iba't-ibang kultura na ating natutunan at nasilayan.
Pero ano pa man ang ating gagawin sa darating na pagsalubong ng bagong taon, narito ang ilan sa
aking nasagap na pampasuerte.
Na pweding nating gawin sa bispiras ng bagong taon, bago sumapit ang bagong taon.
1.Magsuot ng bilog-bilog na design ng damit. Ang symbol daw kasi nito ay pera. Pero mas
maganda kung pa square kasi perang papel o Tseke kaysa bilog na barya. Huwag ka lang tatalon
at baka bouncing check yan.
2.Lagyan ng pera ang lahat ng bulsa na suot mo. Para lagi daw may laman
Siguraduhin mo hindi ito alam ng kapit bahay mo at baka utangan ka lang
3.Buksan daw lahat ng pintuan at bintana para pumasok ang mga grasya. Pati na rin lahat ng
drawer sa mga kabinit. Ingatan mo lang kung maisahan ka ng magnanakawat at tiyak limas ang
laman ng bahay mo.
4.Itudo daw ang volume ng radyo at telibisyon, mag ingay, mag paputok ng labintador
para umalis lahat ang malas. Pero kapag ikaw ang naputukan, napunta sa iyo ang malas. Tataas
ang babayaran mo sa kuryente, suerte ng Meralco.
5.Maghanda ng 12 bilog na prutas. Hindi ko lang alam kung bakit 12 at hindi 13 o 14. Kapag less
than 12 baka kulangin ka sa suerte.
6.Maghanda ng bigas sa palanggana at lagyan ng barya. Huwag gagalawin hanggang
kinabukasan.Hindi ko sure kung may effect ang presyo ng bigas. Kung mas effective kapag mas
mahal ang presyo ng bigas?
7.Maghanda ng tikoy o anuman na malagkit na pagkain. Ang meaning daw ay para may unity
ang mga meyembro ng bahay. Pwede kaya ito sa Congresso at Senado?
8.Mag-paagaw ng pera pagsapit ng bagong taon. Huwag naman barya kasi barya din ang
darating.
9.Tumalon ng tatlong beses para tumangkad pagsapit ng alas dose. Pero kung lahi kayo ng
unano, please lang huwag mo na panagrapin dahil kahit sa Mt. Everest ka tumalon ay walang
effect yan. Watch out din, baka nasa taas ka ng hagdanan o building at biglang namali ang talon
mo? Patay kang bata ka!
10.Magsabit ng pinya o ubas sa pintuan ng bahay.Pampatawag ng grasya ang pinya
Ang ubas ay para kabit-kabit ang suerte. Delikado lang kung babaero ang Mister ninyo.
O ayan, kapag nagawa mo ang lahat ng ito at tiyak susuertihin ka na
Pero sa kabila ng lahat ng ito ay hindi ka dumami ang pera mo, isa lang
ibig sabihin niyan, batugan ka o wala ka palang trabaho. Eh, talagang hindi lalapit sa iyo ang
suerte. Hindi pam pasuerte ang kailangan mo, genie ang kailangan mo na magbibigay
ng tatlong kahilingan. Pero taghirap na rin ang mga Genie kaya 1 wish na lang ang ibinibigay nila.
Meron pa ba kayong alam na ibang pam-pasuerte?
Siya-siya at Goodluck na lang hani.At Welcome natin ang 2009
na may mainit na pagsalubong na taglay ang panibagong pag asa na tayo'y susuertihin ssa darating na taon.
Medyo not feeling well ang lolo niyo this past few days due to stress at pagod. Namamaga tonsil ko, may sipon at kunting lagnat kaya hindi maka post sa
Fatherlyours.
Maiigi na lang at laging andun is Tina, my co-author.
Happy New year to all.
Babu at papasok pa ako. Huhuhu! Ala pa kaming day-off.
3 comments:
pareho pala tayo ng inabot nagpaskong ubot sipon maga pa tonsil at ang buset na ubo ayaw akong layasan nagextend pa magbakasyon sa lalamunan at sabaga ko till new year...
Happy new year po akoy walang celebration at akong nagsosolo na parang ulilang kulugo dito sa lamigan, sigh!
happy new year nalang ulit, enjoy!
lee - ayos rin naman pala lagay mo diyan. isang long neck lang katapat niyan hehehe. Happy nerw year din po.
basta ako natulog lang ng may earphone at ear muffs kasi takot me sa paputok e waaaa..
Happy New Year to you Mon :)
Post a Comment