Ako kasi ang taong ayaw ng away kaya kadalasan ay tumatahimik na lang ako.
Ito kasing Mrs ko hindi ko maka usap ng matino. Kapag ask ko siya kung anong oras umalis o dumating mga tao o ang isang bagay sa amin, ang sagot lagi kung ano ang palabas sa TV. Laban ka?
Ako : Ano oras ba pasok ni Lanie mo bukas?
Mrs :
Unang Hirit pa.(Meaning umaga)
Ako : Anong oras na ba nakarating si Melvin?
Mrs : Maaga pa,
Eat Bulaga pa nga eh. (Meaning tanghali).
Ako : Anong oras tayo aalis papuntang clinic?
Mrs : Pagkatapos ng
Daisy Siete?(Meaning hapon).
Ako : May tumawag daw diyan sa bahay kanina? Ano oras iyon?(Over the phone)
Mrs : Hindi ko napansin, siguro
Lovely Day na yun?(Kunot ang nuo ko)
Oh! Hindi ba ang hirap kausap ng Misis ko?
Eh! Hindi ko pa naman tanda mga palabas sa
Channel 7. Certified Kapuso daw siya, sarado na kandado pa.May lock pa at d kumbinasyon pa ha. Hirap buksan nun ha!
Nireklamo ko na yan sa kanya , kaya nga mukhang sirang plaka na ako sa pag sasabi nito sa inyo pero hindi naman...pero hindi naman...pero hindi naman...pero hindi naman - hindi ba?
Nilapitan ko itong kapitbahay ko na si Aling Maria, ang sagot ba naman sa akin ay kausapin ko daw ang
My Husband's Woman niya. Ano ako Hilo?
Tingin ko nga para na akong
Survivor sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Kung minsan naiisip ko, ano kaya kung kayo ang nasa lagay ko. Ano kaya ang ma-feel niyo? Baka ma
Lalola na kayo sa kakaisip? Kahit si
Kapuso Mo-Jessica Soho ay mahirapan siguro umunawa. Naibulong ko ito kay
Luna Mystica at
Gagambino, inginuso naman ako kay
Asero.
Kanino kaya pwede mag reklamo? Pwede ba sa iyo mag reklamo?
May nag sabi sa akin
Kay Susan Tayo magreklamo pero nag-dadalawang isip ako. Baka ma
Imbestigador ako mahirap na. Kay buti-buti at walang
Emergency na nangyayari.
Nilapitan ko minsan si
Mel at Joey nung natiyempuhan ko isang blogging event-
Ka Blog ko kasi eh, baka ito pa raw ang simula ng
Family Feud?
Napag isip-isip ko rin kung
Kakasa ka ba sa Grade 5? Back out ako diyan.
Minsan naman nadaanan ko sina
Rosalinda, Sakurano,
Jacky Chan,
Doraemon,
Pokemon at
Street Fighter na nasa harap din ng TV at nanood. Mga barangay tanod ito tapos halos
24 Oras kung manood ng TV. Halos
Walang Tulugan na sa
Nut’s Entairtainment na ginagawa nila. Akala kasi nila ay nasa
Bitoy’s Funniest Moment sila lagi. Isinulat ko na lang sa
Reporter’s Notebook na sa Barangay nakalagay.
Dapat daw ay may
I Witness kung hindi ay isa itong
Case Unclosed.
Hay buhay! Kung ganito lagi ay
Saan Darating ang Umaga? Maituturing itong isang
Pinoy Records dahil nahukay sa ilalim na
Takeshi's Castle ang record ng
Celibrity Duet at pwede maging topic sa
Star Talk.
Wish ko lang! Ito na lang ang pray ko. Matapos na sana itong pag durusa ko.
What do ya think friendship?
Pwede ba sa iyo magreklamo? Paki bigyan na tuloy ng solusyon hane!