Wednesday, December 31, 2008

Happy New Year To All


Happy New Year to all!
Paano ba ang Pagsalubong niyo sa Bagong Taon?

Paano ba ang gagawing mong paghahanda sa bispiras ng bagong taon?

Iba-iba na ang nakaugalian nating mga Pinoy pag dating sa pag salubong

ng bagong taon. Halos hindi na natin alam ang tunay na dapat natin sundin sanhi na rin ng iba't-ibang kultura na ating natutunan at nasilayan.

Pero ano pa man ang ating gagawin sa darating na pagsalubong ng bagong taon, narito ang ilan sa

aking nasagap na pampasuerte.

Na pweding nating gawin sa bispiras ng bagong taon, bago sumapit ang bagong taon.

1.Magsuot ng bilog-bilog na design ng damit. Ang symbol daw kasi nito ay pera. Pero mas

maganda kung pa square kasi perang papel o Tseke kaysa bilog na barya. Huwag ka lang tatalon

at baka bouncing check yan.

2.Lagyan ng pera ang lahat ng bulsa na suot mo. Para lagi daw may laman

Siguraduhin mo hindi ito alam ng kapit bahay mo at baka utangan ka lang

3.Buksan daw lahat ng pintuan at bintana para pumasok ang mga grasya. Pati na rin lahat ng

drawer sa mga kabinit. Ingatan mo lang kung maisahan ka ng magnanakawat at tiyak limas ang

laman ng bahay mo.

4.Itudo daw ang volume ng radyo at telibisyon, mag ingay, mag paputok ng labintador

para umalis lahat ang malas. Pero kapag ikaw ang naputukan, napunta sa iyo ang malas. Tataas

ang babayaran mo sa kuryente, suerte ng Meralco.

5.Maghanda ng 12 bilog na prutas. Hindi ko lang alam kung bakit 12 at hindi 13 o 14. Kapag less

than 12 baka kulangin ka sa suerte.

6.Maghanda ng bigas sa palanggana at lagyan ng barya. Huwag gagalawin hanggang

kinabukasan.Hindi ko sure kung may effect ang presyo ng bigas. Kung mas effective kapag mas

mahal ang presyo ng bigas?

7.Maghanda ng tikoy o anuman na malagkit na pagkain. Ang meaning daw ay para may unity

ang mga meyembro ng bahay. Pwede kaya ito sa Congresso at Senado?

8.Mag-paagaw ng pera pagsapit ng bagong taon. Huwag naman barya kasi barya din ang

darating.

9.Tumalon ng tatlong beses para tumangkad pagsapit ng alas dose. Pero kung lahi kayo ng

unano, please lang huwag mo na panagrapin dahil kahit sa Mt. Everest ka tumalon ay walang

effect yan. Watch out din, baka nasa taas ka ng hagdanan o building at biglang namali ang talon

mo? Patay kang bata ka!

10.Magsabit ng pinya o ubas sa pintuan ng bahay.Pampatawag ng grasya ang pinya

Ang ubas ay para kabit-kabit ang suerte. Delikado lang kung babaero ang Mister ninyo.

O ayan, kapag nagawa mo ang lahat ng ito at tiyak susuertihin ka na

Pero sa kabila ng lahat ng ito ay hindi ka dumami ang pera mo, isa lang

ibig sabihin niyan, batugan ka o wala ka palang trabaho. Eh, talagang hindi lalapit sa iyo ang

suerte. Hindi pam pasuerte ang kailangan mo, genie ang kailangan mo na magbibigay

ng tatlong kahilingan. Pero taghirap na rin ang mga Genie kaya 1 wish na lang ang ibinibigay nila.

Meron pa ba kayong alam na ibang pam-pasuerte?

Siya-siya at Goodluck na lang hani.At Welcome natin ang 2009
na may mainit na pagsalubong na taglay ang panibagong pag asa na tayo'y susuertihin ssa darating na taon.

Medyo not feeling well ang lolo niyo this past few days due to stress at pagod. Namamaga tonsil ko, may sipon at kunting lagnat kaya hindi maka post sa Fatherlyours.
Maiigi na lang at laging andun is Tina, my co-author.
Happy New year to all.
Babu at papasok pa ako. Huhuhu! Ala pa kaming day-off.

Tuesday, December 23, 2008

Cory says sorry to Erap


Cory says sorry to Erap.
Yan po ang headline sa Philippine Daily Inquirer ngayun, December 23,2008. Ayos na sana kaso parang may mali eh.
Sabi Ni Cory "I am one of those who plead guilty for 2001 (uprising). Lahat naman tayo nagkamali. Patawarin mo na lang ako (All of us make mistakes. Forgive me.)"
"That alone vindicates, coming from a respectable President, the icon and symbol of democracy", sabi agad ni Erap. Ang dating President Joseph Ejercito Estrada.
Nuong nabasa ko yung dahilan bakit siya nag sorry natawa naman ako. Grabe talaga ang tawa ko. Hindi ko alam kung mali ang dinig ni Erap o mali ang pagkaintindi niya. Talaga nga atang nakakabingi ang pag tanda. O nakakahina ang pang unawa. Pasensiya na po sa ibang kagalang-galang na matatanda. "Excuse me poh"(Ala Mike Enriquez).
Sa tingin ko walang mali sa pagpapatalsik sa isang kurakot na Pangulo. Ang mali lang ay mas kurakot ang naipalit natin. Duon dapat tayo mag sorry.
"I though GMA (Gloria Macapagal Arroyo) is better alternative to Estrada." Ayon naman pala. Gets niyo? Dito pala siya nagkamali.
Kung hindi niyo kilala si Erap, siya yung dating action star. Artista na gumaganap na bida, na api, na pinagtatanggol ang mga mahirap. Naging Pangulo Erap tawag sa kanya kasi binaliktad na "pare".
Ang problema ay bumaliktad din ang isang Pare niya kaya siya napatalsik. Si Chavit Singson na best friend naman ngayun ni Manny Pacquaio. Teka napalayo na tayo. Balik, balik!
Madam Cory, huwag ka maging sorry. Talagang ganun. Ituring mo na lang na nagsugal tayo at natalo.
"It is better to love and lost than never love at all" sabi sa nabasa kung slum book.
Pwede uli tayo mag sugal at palitan yan si Ate "I am Sorry" Glo. Pero this time, tignan natin ang taya natin.
Kilatisin na natin maiigi. Huwag nang bara-bara. Huwag nang kahit sino mapalitan lang.
Siguraduhin natin walang nunal sa mukha, medyo matangkad. Hindi namamato ng laptop at hindi laging nakasimangot. Hindi pikon sa mga reporter hindi best friend ang taga Comelec.
Hindi naninigaw ng mga kabinite. At higit sa lahat walang asawang mataba na mahilig mag golf sa China.
Baka naman meron pa kayong ibang tip, paki share naman. Yung papano tayo pipili ng ipapalit sa ating Pangulo na hindi na tayo ma-wow mali.
Babu na muna at malapit na ang pasko. Dalawang tulog na lang pasko na.
Merry Christmas na lang po sa inyong lahat lalo na sa 2 na taong nag co-comment dito.
Dalawa na lang kayo baka mawala pa kayo.

Saturday, December 20, 2008

Sun Broadband Wireless Installation

Installing the so called next generation Broadband is as easy as counting 1 2 3.Upon inserting the usb enabled modem, an auto exe file will prompt you to install the program. I think it did not take more than 3 minutes to install and surf in a jiffy.











I also brought it here in my work and installed it in my Mac and the installion is much faster. Surfing and watching video on youtube is relly an experience.
We were just starting to have fun when my daugther Mae arrive and borrowed my modem.

What are you waiting for? For students all you need is a valid school ID plus your parent's authorization to use your address as the billing address of your application. Pay the P 2,500.00 as modem fee and P 799.00 as one month advance payment and your be surfing to a new generation broadband in terms of speed.

And if your on a two month vacation due to school break and you'll go to the province, you can have it terminated without termination charge and re-connect it gain when you come back by paying the advance one month fee.
Isn't this wonderful? On second thought, who would need a "break" away from you pc or laptop if you have one of this Sun Broadband Wireless?







Thursday, December 18, 2008

Sun Broadband Wireless


Are you tired of shopping for a perfect broadband ? Switching from Smart and Globe wireless service?

If you are in Metro-Manila and looking for quality service at the most affordable price your search is now over.
I was able to witness the presentation of installing and using this new baby of Sun Cellular and I was really convinced of its awesome speed.

The time to switch for a new broadband provider is now. Now na!

Presenting the Sun Broadband Wireless.
1.SBW 799 - with credit approval and lock-in period of 24 months. Free modem
and a monthly service fee of P 799.00
2.Easy Boradband 799 - No credit approval and no lock-in period. Modem fee is P 2,500.00 and monthly service fee is P 799.00.
3.Plan 999 2 in 1 Deal -SBW 999 + Postpaid Plan 350. with credit approval. Lock-in period of 24 months or 30 (handset dependent). Monthly service is P 999.00. Bundled here is Sun Cellular Plan 350 with unlimited Call and text to Sun subscribers.
All packages are unlimited usage and with the maximum speed of 2 Mbps. Those two words in bold red letter is unmatched by the two previous broadband provider I mention above.

Features and Benifits :
*Compact & easy to use
*Plug-and-play device
*high speed internet
*no need for any phone lines or cluttered wire connections
*SBW provides you with broadband Internet connection through Sun's GPRS/3G/HSPA/ network, similar to how a cellular phone gets its mobile service.

What are you waiting for? go now to your nearest Sun Shop outlet. If your near kalookan I could probably show you my newly approved Easy Broadband device.

Halata ba may bagong racket? babu muna mga friends.

Christmas Party


Ang lamig ng umaga. Iba talaga kapag December. Yung lamig niya ay very cold parang nasa cold storage. Yung yun tawag dati sa tindahan ng yelo. Gets niyo na.
Kakatamad gumising kaya lang need ko gumising kasi Christmas Party ni Bunso.

Ok na naman lahat pati dadalhin niyang pagakain. nag share siya ng puto eh.

Kaso yung gift niya hindi ko pa nabalot. Hindi nakabili si esme ng pangbalot kaya wait niya ako. Ang problema gabi na ako nakauwi dahil sa trabaho.

Habang binabalot ko ang gift ng anak ko naalala ko bigla nuong grade 1 ako. Ganito rin ang istorya.

Nalimutan ni mader bumili ng pang exhange gift ko. Eh geniune Ilokana yun kaya magaling sa recycle. Biglang naalala yung isang pwedeng iregalo so, binalot niya.

So kahit na medyo malungkot ako dahil sa forgetfulness ni Mader go pa rin ako.
So far nalimutan ko na yung nangyari kasi ang saya talaga kapag Christmas party hindi ba?
Kanya-kanyang porma, kanya-kanyang diskarte papano manalo sa palaro.

Ito na nung mag exchange gift na. Sabi ni Mam lagyan daw ng panagalan ang gift namin.
Hindi ko nilagyan yung gift ko ng pangalan ko kasi nahihiya nga ako sa binalot ng Mader ko. Sabi ko na lang ako na lang ang huling bubunot para kung ano ang ibigay ni Lord masaya ko nang tatangapin.

"Oh, Paulino ikaw na, kaso yun na yung natira kunin mo at tignan kung ano yung laman."Sabi ni Mam.

Ang saya lahat ng kaklase ko. Kanya-kanyang pakita ng nakuha nila. Ako pa simpleng itinago ang gift na nakuha ko. Kasi yun din yung biscuit na binalot ng mader ko.

Ayos, nung umuwi ako mas excited si mader sa pag tanong kung ano ang nakuha ko.
Laking tuwa niya at sobrang saya dahil ako ang nakabunot ng gift ko.

Moral lesson- Huwag manduga, este huwag mandaya sa exchange gift. Ang basurang itinapon mo, babalik sa iyo. Karma in the first order.
O siya at Merry Christamas na lang sa inyo.
Babu!

Saturday, December 13, 2008

For Intelligent and Bright only!

Came upon this from mail from Angel of Fatherblogger and thought to share with you and see who is on the "intelligent" side...
This is for all my "bright" friends.Readers, former classmates and fellow bloggers. I wish you the best and be honest.
ZIUQ TSEISAE S'WORLD(Passing requires 4 correct answers) Please answer all questions before scrolling down for the answers.













1) Which country makes Panama hats?
2) How long did the Hundred Years' War last ?
3) From which animal do we get catgut?
4) In which month do Russians celebrate the October Revolution?
5) What is a camel's hair brush made of?
6) The Canary Islands in the Pacific are named after what animal?
7) What was King George VI's first name?
8) What color is a purple finch?
9) What is the color of the black box in a commercial airplane?
10) Where are Chinese Gooseberries from?

All done? Rem ember, you need 4 correct answers to pass. Check your answers below.








ANSWERS TO THE QUIZ (Passing requires 4 correct answers)



1) Which country makes Panama hats? Ecuador
2) How long did the Hundred Years War last? 116 years
3) From which animal do we get cat gut? Sheep and Horses
4) In which month do Russians celebrate the October Revolution? November
5) What is a camel's hair brush made of? Squirrel fur
6) The Canary Islands in the Pacific are named after what animal? Dogs
7) What was King George VI's first name? Albert
8) What color is a purple finch? Crimson
9) What is the color of the black box in a commercial airplane? Orange, of course.
10) Where are Chinese gooseberries from? New Zealand

What do you mean, you failed?
Me, too. (And if you try to tell me you passed, you lie!)
Pass this on to some brilliant friends, so they can feel rotten, too.



3 Weight Loss Super Foods to help you with Quick Weight Loss-Free ebook Here

I found the greatest marketing idea of all time - in a FREE ebook found HERE

Thursday, December 11, 2008

Spread this video! Corruption is an art!

Got the video below from the blog of Reyna Elena and can't help but to heed his call of spreading it so that other blogger and readers can view this also.
So timely and so true. Watch it to appreciate. Promise, you'll love it.
From reyna elena

"I’m asking you all la cucuracha to spread the beauty of one artistic chenalyn ever of this gurl who is doing our turd world kwantri some favor! Spread this video around! Play this at the church! Hahaha! Support our cause! Don’t make tulog! Let’s make baka! No to cha-cha!"



High Blood me!
Grrr! kakagigil talaga ang mga tinamaan ng kalabaw (Sorry kalabaw-hard working ka pa naman) sa kapal ng balat at gusto talagang kumapit tuko (sorry tuko- very helpful ka naman sa environment) sa puwesto. Aba, dinadaan pa sa Prayer. Ano sila Manny Pacquaio?
Sa dami ba namang alagad na animo aso (sorry aso-man's best friend ka naman) na na kawag ng kawag ang buntot sa kunting barya (hundred thousand yun ha!) ibebenta ang kaluluwa. D ba ang mga aso gustong-gusto ng amoy tae at kinakain pa nga. Yuk Kadire, but it's trula-la. Ganun na ngayun kagahaman ang mga tinamaan ng magaling.

Time Changes:
Or time brought changes! Dati ang tawag sa mga pulis ay buwaya (Sorry buwaya -ikaw pa naman ang most mis understood creature).
Nagbago na po. Butiki (sorry butiki-ang laking tulong mo pa naman sa eco system natin)na po ang tawag sa kanila kasi small time na lang ang kita nila at ang mga buwaya ngayun ay andun sa Congress. Hmmp! Grrr!
Ang dami ding Loro (sorry loro-ang cute-cute mo pa naman) sa Senado na mukhang hunyango(Chameleons are very fascinating and interesting as pets). Bakit kamo?
Sa una kontra sa gusto ng nasa Malakanyang pero kwidaw ka deep inside yung linya ng nasa puwesto ang talagang gusto.
Naku ang dami pa sana eh, kaya lang wag na lang.

Snake Pit:
Snake pit daw ang Malakanyang? Hindi po, Carnabal po ito ang ang master showman(sorry Kuya germs) ay hind si Barnum kundi si Gloria.
Kita niyo naman ang daming mga hayop hindi ba. Sorry po uli sa mga nabanggit na nilikha ng diyos. Baka magalit na ang mga animal lover na gaya ko.

O sige, siya-siya panoorin niyo na lang hane then ishare niyo na rin. Babu muna.



I found the greatest marketing idea of all time - in a FREE ebook found HERE

Tuesday, December 9, 2008

Time for Lil Johnny

Thanks Andrea for sharing this one.
Please read on :

Little Johnny's at it again..... A new teacher was trying to make use of her psychology courses. She started her class by saying, "Everyone who thinks they're stupid, stand up!" After a few seconds, Little Johnny stood up.
The teacher said, "Do you think you're stupid, Little Johnny?" "No, ma'am, but I hate to see you standing there all by yourself!"

* * * * * * * * * * *


Little Johnny watched, fascinated, as his mother smoothed cold cream on her face. "Why do you do that, mommy?" he asked. "To make myself beautiful," said his mother, who then began removing the cream with a tissue.
"What's the matter?" asked Little Johnny. "Giving up?"

* * * * * * * * * * *


The math teacher saw that little Johnny wasn't paying attention in class.
She called on him and said,
"Johnny! What are 2 and 4 and 28 and 44?" Little Johnny quickly replied,
"NBC, FOX, ESPN and the Cartoon Network!"

* * * * * * * * * * *

Little Johnny's kindergarten class was on a field trip to their local police
station where they saw pictures tacked to a bulletin board of the 10 most
wanted criminals. One of the youngsters pointed to a picture and asked
if it really was the photo of a wanted person. "Yes," said the policeman.
"The detectives want very badly to capture him." Little Johnny asked,
"Why didn't you keep him when you took his picture ?"

* * * * * * * * * * *

Little Johnny attended a horse auction with his father. He watched as his
father moved from horse to horse, running his hands up and down the horse's
legs and rump, and chest. After a few minutes, Johnny asked, "Dad, why are
you doing that?" His father replied, "Because when I'm buying horses, I
have to make sure that t hey are healthy and in good shape before I buy.
Johnny, looking worried, said, "Dad, I think the UPS guy wants to buy Mom ."


* * * * * * * * * *

I found the greatest marketing idea of all time - in a FREE ebook found HERE

Coffee and Me


I am not really fond of drinking coffee while reading. I rather drink first and read later or vice-versa.

But because my kids requested me for a photo opp, I gave in. See how awkward looking man I am?

This situation had me thinking why a lot of people can do this thing and enjoy it?

Yes, I have been seeing a lot of people patronizing those famous coffee shop and doing these thing. Other people were can even be seen tinkering with their laptops.
The reason why a lot of coffee shop had been doing great business business just like Starbucks , The Coffee Bean and the likes?

Hirap mag kape at mag basa. Baka matapunan pa ang books and besides coffee in this places are very expensive.

Anybody want to share their thoughts on this?
Bakit nga kaya? Why o why?




I found the greatest marketing idea of all time - in a FREE ebook found HERE

Sunday, December 7, 2008

New Yahoo Homepage


This morning, upon trying to sign in on my yahoo account I found this new homepage of yahoo.

Nice and clean layout. Colors are balanced and I love the animated drop down menu where the add slides down.

How about you?

How do you find the Yahoo new homepage?
By the way, today si the scheduled fight of Manny "Pacman" Pacquaio vs Oscar dela Hoya. Titled "The Dream Match".
Here's hoping for our countryman Manny winning over Oscar.
Goodluck Manny! Mabuhay

Friday, December 5, 2008

lotto 6/49 sa linggo


Mga Tsong, Tsang, Kaibigan mula ngayung gabi hanggang Sabado ay mag isip ka na ng numero na may meaning sa buhay mo.
Malay mo at iyan ang maging daan para ka maging Milyonaryo. Upo, ang 6/49 prize ay nasa P 128 million na simula kaninang umaga. Aakyat pa iyan sigurado bago sumapit ang linggo. December 7, 2008 araw din ng laban ni Manny Pacquaio at Oscar dela Hoya.
Baka pagsapit ng alas 9:00 ng gabi ay ikaw na ang maging mapalad na Winner.
Walang tumama sa draw kagabi. Iyong P20.00 mo ay pwede na siguro itaya. Isipin mo na lang na kahit matalo ka ay nakatulong ka sa mahihirap.
Ang mahirap lang nga ay sa mga Congressman at ibang politiko mapunta ang pera mo.
Ano ba ang dapat gawin para mas epektib ang pag iisip.
1.Bago ka matulog ay magdala ka ng lapis o ballpen at papel para kung managinip ka ng numero ay maisusulat mo agad. Kung hindi naman numero ay idrawing mo na lang at ipa interpret mo sa mag hue-hueting.
2.Isulat mo lahat ng birthday ng mga kasama mo sa bahay. Kuna mag isa ka lang sa bahay.Tignan mo kung may birthday yun mga pusa, ipis o daga diyan sa paligid.
3.Ilista mo yung mga plate number ng mga dumadaan na sasakyan sa harapan mo at iramble mo.Kung near sighted ka, problema yan kasi baka masagasaan ka.
4.Tignan mo yung mga numero ng pera mo o nung katabi mo.Kung barya lang ang hawak mo,bahala ka na mag ramble.
5.Tumingin ka ng mga itlog ng gagamba na kulay puti. Silipin mo sa ilaw at baka may numero na lumabas. Kung kulubot ang itlog na nakita mo ay hindi yan yun. Ibang tao may ari niyan.
6.Effective din na source yung sa mga dyaryo. kaya lang sa dami ng tip dun baka matayaan mo lahat.
7.Close your eyes and meditate, baka may makita kang numero habang naka trance ka.
8.Sa sauna bath madami ka din makuhang number.
9.Yan pa lang ang naisip ko na paraan paano makakuha ng numero.
0.Ako ay tataya pa lang. Kung kayo naman ang tumama ay pabalato na lang.
Dito sa post ko ay mga numero rin. Tignan niyo na lang at bahala na kayo mag ramble.
Goodluck mg friends!
Babu and God Bless



I found the greatest marketing idea of all time - in a FREE ebook found HERE

Tuesday, December 2, 2008

The Dream Match-Manny Pacquiao VS Oscar Dela Hoya

Naku po! Ilang tulog na lang at malalaman na natin kung sino sa kanila ang matututulog sa matigas na lona.
Si Manny "The Mexican Assasin" Pacquaio o si Oscar "The Destroyer" Dela Hoya.
Parehong naging kampeon sa iba't-ibang division at parehong magaling. Parehong nagsasabing mananalo lalo na at ang bawat Mrs nila ang kausapin mo.
Kung mas matangkad ng bahagya,mas mabigat ang timabng at mas mahaba ang abot ng kamay ni Oscar Dela Hoya, ay may pantapat naman na mas bata, mas mabilis at mas maliksi si Manny Pacquaio.
Kung lakas ng suntok ang pinag usapan ay hindi pa natin matiyak sa ngayun. Iyon bang nag pagaan na si Oscar o yung nagpabigat na si Manny.
Iisa lang ang tiak ko, kapag tayo ang inabautan ng suntok ng mga iyon ay suerte na natin kung magigising pa tayo sa ospital.
Lamang sa pustahan si Oscar kaysa kay Manny. Kumbaga llamado or patok na patok.
Pero diyan kasi magaling ang pinoy. Mahilig tayo sa underdog. Sa mag api.
Kasalanan lahat ng mga artista nuong unang panahon na ang mga bida ay inaapi ng mga kontra bida at sa the end ay lalabas ang rapidong suntok,palakpak sa magkabilang tainga,hahatiin ng kutsilyo ang isang bala para dalawa ang tamaan. Mga tipong ganun.
Balik tayo sa boxing. Nagagalit itong kapitbahay namin. Niloloko na naman daw tayo ng mga amerkano.

Ang linaw daw ng sabi December 6 ang laban eh bakit ngayun December 7 sa atin?
Hindi naman daw live yun. Dapat daw mag imbistiga ang Senado o Congresso.
Ipatawag daw iyan si Gloria at kanyang asawa, malamang daw ay humingi na naman ng “cut” o “Tongpats” ang mga damuhong iyon. Kaya ganun ang nangyari.
Ako: Lo! Sabado ho ng gabi dun sa Las Vegas at lingo ho dito ng umaga.
Lolo: Diyasking bata ere, huwag mo nga akong pinag luluko at laking mental ako. Batang mandaluyong ako kaya’t hindi mo ako maloloko. Paanong mangyayari iyon eh ang “good morning” nila ay umaga din naman. At ang “Good evening” nila ay sa gabi din naman ginagamit. Lokong bata ere ah!

O ayan ha! Bahala na muna kayong magpaliwag kay Lolo Jose at uuwi na muna ako.
Pag aaralan ko pa ang mga sinabi ni Lolo. Me katwiran din naman ata ano?



I found the greatest marketing idea of all time - in a FREE ebook found HERE