Nagsarili, opo, Tama po. Ang tinamaan ng magaling na cell phone ko matapos mahulog sa semento kaninang umaga ay nagsarili na. Napagod na ata sa kakahulog kaya ayun, nagsariling mag open at close.
Nagsariling nag re-start. Oh my gulay. Nagkataong may tumawag at hindi ko na masagot. Hindi ko maipaliwang na hindi ko siya binabaan ng telephone dahil ang cell phone ay nagsuplado. May sumunod pang mga text na hindi ko na mabasa. Naku Boss, Pasensiya na at ako naman ay may load, hindi ko lang masilip kung ano ang isasagot.
Mukhang tama ang sabi ng mga feng Sheu master, sa mga ipinanganak sa birth sign ng Dog ngayong taon. Masuerte raw kami.
Akalain mong nuong January 1, bag ko ay hindi ko nagamit pagkat zipper biglang di makabig. Bumigay na rin kaya ngayon ito ay bago. Bagong palit po ang zipper.
Ngayong nag sarili ang celphone ko ay mukhang bago na naman ito uli. Bagong ipaparepair. Huhuhu! Mahal na mahal ko pa naman ang smartphone ko. Walang nakakahawak at nakahipo nito kundi ako lang.
Kahit Mrs ko ipinagpalit ko dito. Pwedi ko siyang hindi katabi huwag lang ang cell phone ko.
Pero ganyan yata ang kapalaran. Ang new years resolution ko pa naman ngayong taon ay hindi ako bibili ng ano mang gamit ko na bago (Ukay-Ukay pwedi).
Kaya ako ay nananawagan sa mga mapag kawang gawa. Hindi po ako pihikan. Kahit Iphone 4 ay tatanggapin ko. Kung wala naman ay okey na rin ang Blackberry, HTC, LG, Samsung na smartphone. Kung talagang no choice na at Nokia ang type niyong ibigay ay pwedi na rin ang mga E series.
Mga Friends, ingatan niyo na lang ang mga cell phone niyo para huwag kayong magaya sa akin.
Kung bakit naman kasi hindi pataas ang hulog ng mga ito?
alfa romeo wiring diagram
6 years ago
No comments:
Post a Comment