Photo Source: Fussy.org
Dito sa ating bansa ay sobrang dami ng multo. Iba't-ibang itsura. Iba't-ibang klase.
Sige nga testing lang ha! Ilan ang alam mong multo?
May kanta nga dati na tungkol sa multong bakla. May multong tomboy, lalaki at babae din iyan malamang. Kung hindi maraming mag rarally at sasabihin equal rights, hehehe.
May “ghost painter” din ha. Nung high school ako ay tumulong ako sa pinsan ko na pintor sa may Mabini. Ang Boss namin ay isa din na pintor at may gallery. Pagkatapos niyang gawin ang mga pinagawa hindi niya pinirmahan kasi yung may ari ang pipirma. Mas mahal ang presyo pag benenta. hehehe.
Sa gobyernno ang daming ring multo. Yung 15 – 30 employees na ang tawag ay “ghost employees”. Magkano ang kita na naman yan? Tsk tsk tsk! Hindi bale sana kung tuwing haloween lang sila lumalabas at hindi masyado masakit sa kaban ng bayan.
Speaking of Gobyerno, dami nilang alam ng “ghost” ha! Promise!
May “Ghost Projects” - hindi makitang proyekto pero na budgetan at nabayaran.
May “ghost deliveries” - may resibo ng delivery, may nag receive at seimpre nabayaran. Nung hanapin ang mga ito ay hindi makita. Nung icheck ang address ng resibo,o may gulay-”ghost address”.
Eh, yung mga patay na nakakaboto? “Flying Voters” naman yan. Madami sa Mindanao nyan na nakapagpanalo sa isang Presindente na grabeng galing gumawa ng raket.”I am Sorry” sabi niya.
Merong din “ghost writer.” Yun bang iba ang sumulat pero nakapangalan sa iba. Hmm, meron din kaya nito sa Supreme Court.
“Ghost Town” ang tawag sa isang lugar na halos walang taong nakatira.
“Haunted House” naman ang tawag kapag may mga nagpaparamdam na mga multo.
Pahuhuli ba naman ang mga “Ghost buster”, “Ghost Hunter” o “spiritual Hunter” diyan.
Kung nagtataka kayo kung bakit January ko naisip itong bagay na ito ay pasensiya na kayo. Napanaginipan ko kasi kagabi yung kaibigan ko na nautangan ako gamit yung credit card. Hindi na nabayaran ay nawala pa sa paligid at sa aking paningin. Deadbol na kaya siya at nagparamdam ang multo niya.
Nangyari na ba sa inyo ito? Kayo ang nautangan o kayo ang umutang?
Kung ano man ang sitwasyon niyo diyan ay huwag niyong sirain ang inyong freindship. Huwag maging multong kaibigan o kamag-anak.
Pera lang naman yan. Kikitain pa natin yan. Ang importante ay magsabi lang ng maayos at huwag putulin ang communication sa isat-isa. Huwag umiwas na parang nakakita ng multo.
O, dahan dahan ang pagtingin sa kaliwa at kanan mo ha, baka totoong multo na ang katabi mo ngayon diyan.
Babu na muna mga Friendship at matutulog ako ulit.
alfa romeo wiring diagram
6 years ago
2 comments:
uyy..meron din akong friend noong college pa na naka-utang sa akin. hindi na rin nagpakita sa akin, nabalitaan ko na lang sa iba na nahihiya daw sa akin dahil sa utang niya...and to think nakalimutan ko na na may utang pala siya sa akin...eh dekada na ang nakakaraan :)
pwede namang magparadam siya kahit multo na siya, hindi ko naman siya sisingilin, yayayain ko lang mag-inuman kami tulad ng dati.
Eric,Meron ka rin palang ganyan. hehehe. OO nga eh. Nasisira ang magandang samahan dahil sa kunting barya hindi ba? salamat sa pag bisita.
Post a Comment