Monday, January 17, 2011

Babae(rong) Driver -an MMDA Suggestion

Photo Source: Pinoyexchange.com
Okay naman kaya ang panukala ni MMDA Chairman Tolentino sa suggestion niyang tumanggap ng babaeng driver.

Akala ba nila mga babaeng Driver lang okay na? Papano naman kung Bakla, Tomboy? Pwedi rin dapat hindi ba? Basta hindi kaskasero.
Pero alam ko,sure ako na hindi mag cli-click sa Pinoy kasi ayaw nila ng mabagal magpatakbo. Tinatandaan nila, lalo na nang mga estudyante ang mga mababagal na Bus at Driver nito. Iyan ang mga ayaw nilang sakyan. Ang gusto nila ay humahataw.

Himayin natin ang kaakibat na problema:

CR? Hindi sila pwedi sa ginawang CR dati ni dating Chairman Bayani Fernando. Gawa muna dapat sila ng mga bagong CR na may pintuan. Saan naman nila ilalagay yan.

Kapag may monthly dalaw or period ay mainitin daw mga ulo ng mga yan.Pwera lang kong menopause na. (“Menopausal beach” ni Congressman Magsaysay).
Karamihan na gusto ng Bus Company ay Driver-Mechanic ang papel na binibigay nila.
Kung baga ay may alam sa makina at pweding mag trouble shot ng simpleng problema gaya ng pagpalit ng gulong, fan belt, spark plug etc. Kakayanin nila pero mahihirapan.

Oo nga at itre-training ng ilang taon ang mga chika babes na gusto, pero pagkatapos nila o pagka graduate ay malamang wala na rin ang MMDA officer na nagpakana nito. Mauuwi na naman sa kangkungan itong plano na ito. Tsk, tsk, tsk.

Kapag na nabuntis ay sure na malimit maka absent bago manganak lalo na kung maselan magbuntis. At after manganak ay 60 days to 90 days naka leave yan. Sana kung parang manok lang,pagka itlog pwedi nang tumakbo. hehehe. (Dito lamang ang baklang Driver)

Babaerong driver? Ito baka pwedi pa. Siempre nga naman kumo babaero, dahan dahan ang patakbo niyan. Yang mga iyan kasi ay ayaw malampasan ang mga beautifull ladies na dumadaan lalo na kung pasahero nila ay sexy.
Sabi nga ay “Basta Driver, sweet lover.”
Anyhow, may masama din epekto kung babaero ang driver. Siempre ang tendency ng mga iyan ay mag palipat-lipat ng kumpanya dahil tuwing may naanakan ay tatakas na naman. Maliban pa sa malimit sumakabilang bahay ang mga iyan.

Hay naku, wala po yan sa Gender o kasarian ng driver. Once na umiral na ang kagustuhang kumita ng malaki ay hahataw na naman ang mga yan. Higpitan po niyo ang butas, este batas,pagpapatupad nito at bigatan ang parusa.

Ang may ari ng Bus na maka disgrasya dahil sa mechanical problem ay parusahan ng pagtusok sa buong katawan ng karayom ng sako ng 10,000 times(sa bawat taong nadamay sa aksidente). Kung may namatay naman ay times 10 niyan.
Bukod dito ay dapat bayaran nila ang pamilya ng mga biktima ng malaki.

Ang driver naman nito ay ipagulong sa slide na may blade sa gitna at babagsak sa batya na puno ng kalamansi juice(isang gulong bawat biktima).

Sa ibang bansa gaya ng Singapore ay gobyerno ang nagpapatakbo nito at nagpapasahod sa mga driver. Wala ng kundoktor. Ang bayad dapat sakto o kaya ay iswipe nila card. May oras ang alis at dating sa bawat terminal o stations. Kaya safe na ang patakbo ng sasakyan ay kundisyun pa ang makina.

Pero bumalabs pa rin ito. Ano sa palagay niyo mga madlang people?

Sabi nga, sa ikauunlad ng Bansa, disiplina lang ang kailangan.
Iyan ang wala sa karamihan sa atin.



1 comment:

Anonymous said...

Ma babae o Lalaki ang driver ok lng basta may mga disiplina pagdating s kalsada. Sana naman magpatupad ang mmda na bawal magbusina kng walang dahilan. kasi kawawa kaming nakatira s may edsa naririnig namin hanggang s pagtulog. Paging lng mmda dito sa lugar ng boni s mandaluyong dito malapit s may robinson grabe ang mga bus makapag busina gawaan nyo naman ng aksyon kasi kahit nasa kataas taasan na kami ng condo nakatira dinig na dinig pa rin namin ang busina.