Saturday, January 29, 2011

Mga Snatcher-Ingatan

Photo Source:Anthony00.blogspot.com
Diyan sa post ni Anthony na iyan ay nanakawan ang tsika babes na yan ng cellphone.

Grabe talaga ang mga Snatchers. Salot sa lipunan. Isama na ang mga mandurokot, holdaper at iba pang masasamang loob. Papano ba sila mauubos?

Kagabi ay may katabi ako sa jeep na teen-ager na sa tingin ko ay nasa 17 or 18 years old lang. Panay ang text niya na sa tigin ko ay delikado dahil ang lugar ng Caloocan, MCU ay sikat sa dami ng cell phone snatcher. Paging Mayor Enrico "Recom" Echiverri!

Saglit na napatigil ang jeep dahil sa traffic at nang tipong aandar na ay may isang lalaking tila hahabol ng sakay. Sandali kong naibaling ang aking pansin sa driver upang sabihin ko sanang may sasakay upang ihinto ng driver ang pag andar ng jeep. Hindi ko pa nasasabi ang katagang iyon ng biglang tumili ang katabi ko na nagtetext kanina lang.

Pagbaling ko ng paningin ay kumaripas na ng takbo ang mama. Hinablot pala nito ang cell phone ng teen-ager na katabi ko. Mabuti na lang at mahigpit din ang kanyang kapit sa kanyang cell phone at nahatak niya uli ito pabalik. Ang bilis ng pangyayari. Split seconds lang kumbaga.

Namutla siya, at tila tulalang nagsabing ang sakit daw ng kamay niya sa mahigpit na pagkakahawak ng snatcher. Ang lakas daw ng nerbiyos niya.

Sinabihan ko siya na iwasan mag text lalo na kung nakahinto ang sasakyan dahil diyan umaatake ang mga iyan. Ang ilan naman sa kanila ay pasahero din na biglang bababa kapag aandar ang jeep sabay hablot ng cell phone o ano mang pweding makuha sa kapwa pasahero.
Kung may natanggap naman na text o tawag ay huwag munang sagutin kung hindi safe ang sitwasyon. Kahit mumurahin ang cell phone kung wala pa silang kita ay tataluhin din nila yan.

Ang mga snatcher ay para din ordinary employee yan. Nagprapractice ng takbo iyan para hindi abutan ng hahabol. Athletic dahil kayang tumalon ng mga center island. May escape route yan parang military, alam ang entry at exit point. Magagaling din umarte ang mga iyan. Talo pa ang mga award winning actor sa pag emote kapag nahuli. Nag wowork out din ang mga iyan para kapag binugbog ay hindi masyadong masaktan. At higit sa lahat ay umiinom din sila ng mga gamot, gamot na bawal nga lamang.

Hindi sila kayang pukhasain ng mga autoridad kasi dumadami sila sa halip na maubos, kaya ingat na lang po mga kapatid, ka barangay, at mga readers. (Kahit iilan lang kayo.hehehe).

Kung snatcher ka at nagawi ka dito, tigilan mo na yan hanggat maaga pa. Ikaw din, baka si Taning at Lucifer ang maging ka FB mo at ka Friendster.

1 comment:

Anonymous said...

“It's no crime to steal from a thief”
in other words ninkaw mo motor ko NANAKAWIN KO din buhay mo...TRUE...