Tuesday, February 1, 2011

Dr. Jose Rizal 150th Birthday (Kung Panahon niya Ngayon)

Photo Source: My Pinoy Humor atsaka Photography Daw Blog

Sa June 19, 2011 ay ika 150th na kaarawan ng ating dakilang bayani na si Dr. Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realondo.

Ang dami nating mababasa tungkol sa ating National Hero (Wikipedia). Kumpletos recados ika nga.

Habang binabasa ko siya ay lalo akong humahanga sa kanyang angking talento, galing at pagkabisaha sa lahat ng larangan na kanyang pag tuonan ng pansin.

Isipin mo na lang ha, makipagpatalastasan ka sa mahigit sampung lenguahe. Aba mag aral nga ng Spanish na lenguahe may nakakakuha pa ng Singko.

At ito pa: (Source:Wikipedia)
He was an ophthalmologist, sculptor, painter, educator, farmer, historian, playwright and journalist. Besides poetry and creative writing, he dabbled, with varying degrees of expertise, in architecture, cartography, economics, ethnology, anthropology, sociology, dramatics, martial arts, fencing and pistol shooting. He was also a Freemason, joining Acacia Lodge No. 9 during his time in Spain and becoming a Master Mason in 1884.

Wala tayong pagtatalunan na nag iisa lamang siya, maaaring hanggang sa panahong ito.

Naisip ko lamang ano kaya kung sa batang edad na 35 ay kapiling natin siya ngayon? Mala “Back to the Future” ang tema.

Pwedi kayang kasali siya sa mga bumabanat ng “Fliptop” at sa iba't-ibang lenguahe pa?
Kakampi kaya niya ang mga “Jejemon” o kokontra siya dito?
Mag judge kaya siya sa “Showtime” at ano kaya ang gawing niyang “Sample”?
Mag bigay kaya siya ng kanyang makabuluhang payo bilang isa sa “Trio Tagapayo” ng “Face to Face”?
Maging “Dabarkads” din kaya siya ng “Eat Bulaga” gaya ni “Tito Sotto”?
May column kaya siya sa Philippine Daily Inquirer?
Malamang din ay isa na siya sa mga sikat na blogger ngayon!
Curios din ba kayo kung ano-anu ang mga updates niya sa Facebook at Twitter ?
Ang dami niya siguradong follower sa Twitter? Sino naman kaya ang pina-follow niya?
Magiging politician kaya siya? Malamang ay marami uli siyang maisusulat na libro dahil sa tindi ng corruption ngayon sa gobyerno.

Masaklap nga lang isipin na ang kanyang mga sinulat na Noli Me Tangere at El Filibusterismo na nakagising sa kaisipan at damdamin ng mga Pilipino nuon ay walang epekto sa ating panahon ngayon.
Nandito pa rin ang problema at lumala pa. Tila napalitan lang ng mga characters sa kanyang nobela.

Ang pag-ibig sa sariling inang bayan na kanyang dinala hanggang kamatayan ay tila nawalan ng saysay. Lahat tayo ay guilty dito.
Sana ay may mga batang Jose Rizal pa na muling isilang. At sana ngayong ika 150th na pag aalala ng kanyang kaarawan ay maging simula upang magising muli at mag alab ang puso ng bawat Pilipino upang mahalin at ingatan ang bansang Pilipinas.

Next time na makahawak tayo ng Piso at makita natin ang mukha ni Gat Jose Rizal, sana ay sumagi sa ating isipan ang mga kadakilaang kanyang nagawa,upang mabuhay muli ang ating pagka-makabayan sa isip, sa salita at sa gawa.


No comments: