Saturday, January 29, 2011
Mga Snatcher-Ingatan
Diyan sa post ni Anthony na iyan ay nanakawan ang tsika babes na yan ng cellphone.
Grabe talaga ang mga Snatchers. Salot sa lipunan. Isama na ang mga mandurokot, holdaper at iba pang masasamang loob. Papano ba sila mauubos?
Kagabi ay may katabi ako sa jeep na teen-ager na sa tingin ko ay nasa 17 or 18 years old lang. Panay ang text niya na sa tigin ko ay delikado dahil ang lugar ng Caloocan, MCU ay sikat sa dami ng cell phone snatcher. Paging Mayor Enrico "Recom" Echiverri!
Saglit na napatigil ang jeep dahil sa traffic at nang tipong aandar na ay may isang lalaking tila hahabol ng sakay. Sandali kong naibaling ang aking pansin sa driver upang sabihin ko sanang may sasakay upang ihinto ng driver ang pag andar ng jeep. Hindi ko pa nasasabi ang katagang iyon ng biglang tumili ang katabi ko na nagtetext kanina lang.
Pagbaling ko ng paningin ay kumaripas na ng takbo ang mama. Hinablot pala nito ang cell phone ng teen-ager na katabi ko. Mabuti na lang at mahigpit din ang kanyang kapit sa kanyang cell phone at nahatak niya uli ito pabalik. Ang bilis ng pangyayari. Split seconds lang kumbaga.
Namutla siya, at tila tulalang nagsabing ang sakit daw ng kamay niya sa mahigpit na pagkakahawak ng snatcher. Ang lakas daw ng nerbiyos niya.
Sinabihan ko siya na iwasan mag text lalo na kung nakahinto ang sasakyan dahil diyan umaatake ang mga iyan. Ang ilan naman sa kanila ay pasahero din na biglang bababa kapag aandar ang jeep sabay hablot ng cell phone o ano mang pweding makuha sa kapwa pasahero.
Kung may natanggap naman na text o tawag ay huwag munang sagutin kung hindi safe ang sitwasyon. Kahit mumurahin ang cell phone kung wala pa silang kita ay tataluhin din nila yan.
Ang mga snatcher ay para din ordinary employee yan. Nagprapractice ng takbo iyan para hindi abutan ng hahabol. Athletic dahil kayang tumalon ng mga center island. May escape route yan parang military, alam ang entry at exit point. Magagaling din umarte ang mga iyan. Talo pa ang mga award winning actor sa pag emote kapag nahuli. Nag wowork out din ang mga iyan para kapag binugbog ay hindi masyadong masaktan. At higit sa lahat ay umiinom din sila ng mga gamot, gamot na bawal nga lamang.
Hindi sila kayang pukhasain ng mga autoridad kasi dumadami sila sa halip na maubos, kaya ingat na lang po mga kapatid, ka barangay, at mga readers. (Kahit iilan lang kayo.hehehe).
Kung snatcher ka at nagawi ka dito, tigilan mo na yan hanggat maaga pa. Ikaw din, baka si Taning at Lucifer ang maging ka FB mo at ka Friendster.
Tuesday, January 25, 2011
High School Life - Naaalala mo pa ba?
Naaalala niyo pa ba ang high school days ninyo?
Kung nanamnamin niyo ang kanta ni Sharon Cuneta na "High School Life" ay tila swak na swak. Ika nga ay saktong-sakto, hindi ba?
Every moment ay kay saya at very exciting talaga.
Mga away, tampuhan, crushes at kalokohan na kapag ngayon mo naaalala ay nagdudulot ng masasayang alaala.
Nagkita na ba kayo ng high school classmates mo at nagkakwentuhan tungkol dito?
May mga kwentong ngayon mo lang narinig na nuon ay hindi mo alam. Nakakapag bigay ng balik tanaw sa mga ugaling bagets nuon na ngayon ay forgets na. Mga pangalan ng titsers niyo naaalala niyo pa ba?
Sino nga ba ang Valecdictorian niyo? Anong section ka nga ba? Sino ba ang crush mo nuon (Tanong ni Cesar)?
Sino nga ba naging boyfriend, girlfriend mo? Sino ang nagkatuluyan? Buti na lang hindi siya ang napangasawa ko. Hindi siya nagbago, maganda pa rin siya. Ah, nag iba ang mukha niya.
Ano nga ang name niya, habang tinitignan sa Facebook ang mga pictures na kuha nuong huling reunion? Iyan ang ilang komento.
Pasensiya na mga Classmates at talagang may memory gap na ako. Karamihan ng naikwento niyong kaeskuela ay hindi ko na maalala. Pati name ng mga Teachers natin ay iilan na lang ang naaalala ko. Pero kayo, Andrea, Vicky, Medy, Roda, Des, Deo, Abe, Cecil at Cesar ay hinding hindi ko malilimutan. Yung iba naman ay naaalala ko pa rin pero wala sila diyan sa picture natin. Romeo Din at Alzate asan na kayo?
You all made my day. Salamat sa isang araw na pagsasama natin at muling nanariwa sa aking isipan ang 36 years na taong nakaraan. Opo, after 36 years ay alam pa nila ang nangyari sa amin nuong high school. Dapat silang bigyan ng space sa Guinness Book of World Records.
May mga tumaba, may mga tumangkad. May hindi nagbago ang itsura, may nag iba talaga. May mga nag asawa at merong hindi. Ang iba ay may malalaking anak na at ang iba ay may asawa na rin.
May naubusan na ng buhok pero ang topic natin ay High School life pa rin.
Natalo man ako sa videoke contest natin ay umalis akong sobra ang saya. Umabot hanggang tainga ang aking tawa.
Classmates Thank you and sa susunod nating pagkikita ay gagalingan ko ang aking pagkanta.
Tatalunin ko na si Cesar sa pababaan.(Huwag na pataasan ng Score ha, lamang kayo eh!).
Kayo, nagkita na ba kayo ng High School classmates niyo? Aba kung hindi pa ay hanapin na sila sa facebook at ibang social networking sites. Promise, masaya talaga ito.
Sige at babu muna, magpra practice pa akong kumanta.
Wednesday, January 19, 2011
Zero Percent Interest -Totoo ba ito
Computer Hardware.com
Susanstrassner.com
Zero Percent Interest - Totoo ba ito mga Tsong at Tsang?
What to do you think?
Taas ang kamay ang nagsasabing totoo ito?
Sorry po at promise, press release lang iyan.
Kaya sinabing "zero interest" ang isang paninda nila kasi nga ay nakapatong na sa "SRP" (Suggested Retail Price) nila ang interest na porsyento na kukunin ng Banko na magbabayad sa kanila. Yung naka "Tag" na presyo ay pwedi na nilang idivide sa number of months na nakalagay na kasama sa Tag. Pwedi ba naman mag negosyo ang banko na palugi? Bolahin mo ang aso namin.
Last December, opo, last month lang po ito nangyari. Nagkataong sumuko na ang aircon namin sa store na nagbigay lamig after 10 long years. Nag retire na siya sa sebisyo.
So canvass ako ng aircon sa 2 store na malapit sa amin. Hindi ko na sasabihin na sa Wetern Appliances at sa Abenson Appliances ako nag tanong ha. Hindi ko na rin sasabihin ang brand na Panasonic ang binili ko kasi baka may free advertising pa sila dito.
Ang tag price nila ay pareho na P23,239.00 na naka "Zero-Interest" for 12 months.
Pagpasok ko ay lapit agad ang isang Sales personnel. So para mabilis lang at magkaalaman na agad ay agad kong sinabi na babayaran ko ng cash ang 2Hp na LG na ang naka tag ay P 23,239.00, magkano ang last price(tinignan na ng tao namin earlier kaya alam ko na ang price).
"Kailan nyo kukunin Sir?", iyan ang tanong na ibinabato nila para malaman nila kung magkano rin ang ibababa nila ng presyo.
"Ngayon din kung may stock kayo",yan ang sagot kung gusto mo isagad nila ang presyo.
Tatango na yan at lalapit sa counter nila para sabihin at humingi ng permiso sa ibibigay na discount. Magbubulungan na ang mga yan na parang langgam.
Pagbalik sa akin,"P21,100.00 po Sir,sagad na yan"ang sabi sa akin.
Wow pare ko, laki ng discount ha. Pero siempre kunyari hindi ako naimpress kaya ang sabi ko ay "Ito na ba ang pinakmura? Sige babalik ako kung mas mura ka. "Ano name mo para ikaw ang hanapin ko just in case babalik ako", yan ang closing sa pag canvass.
So ganun din ang ginawa ko sa isang store. Nakuha ko siya ng P 21,000.00. More than 9% less sa "Zero-Interest" na naka tag.
Last week lang ay bumili ako ng Sanyo 6 feet refrigerator para sa isang customer namin. Ang tag ay P10,459.00 at zero interest din for 12 months.
Sa ganung style na ginawa ko ay nakuha ko siya ng P 9,700.00. Naka discount ako ng 8%.
Dati ay 7% ang processing fee na bank charges na kinukuha ng banko sa ganitong transaksiyon. Hindi ako sure kung ilan porsiento na ngayon.
So mga Friends believe me, wala po talagang Zero-interest.
Pag ipunan na lang po natin kung gusto nating makabili ng isang gamit at hindi masayang ang malaking matitipid natin.
Kung nahirapan kayo mag ipon, ipatago niyo muna sa akin. hehehe
Babu muna mga Tsong at Tsang.
Monday, January 17, 2011
Babae(rong) Driver -an MMDA Suggestion
Okay naman kaya ang panukala ni MMDA Chairman Tolentino sa suggestion niyang tumanggap ng babaeng driver.
Akala ba nila mga babaeng Driver lang okay na? Papano naman kung Bakla, Tomboy? Pwedi rin dapat hindi ba? Basta hindi kaskasero.
Pero alam ko,sure ako na hindi mag cli-click sa Pinoy kasi ayaw nila ng mabagal magpatakbo. Tinatandaan nila, lalo na nang mga estudyante ang mga mababagal na Bus at Driver nito. Iyan ang mga ayaw nilang sakyan. Ang gusto nila ay humahataw.
Himayin natin ang kaakibat na problema:
CR? Hindi sila pwedi sa ginawang CR dati ni dating Chairman Bayani Fernando. Gawa muna dapat sila ng mga bagong CR na may pintuan. Saan naman nila ilalagay yan.
Kapag may monthly dalaw or period ay mainitin daw mga ulo ng mga yan.Pwera lang kong menopause na. (“Menopausal beach” ni Congressman Magsaysay).
Karamihan na gusto ng Bus Company ay Driver-Mechanic ang papel na binibigay nila.
Kung baga ay may alam sa makina at pweding mag trouble shot ng simpleng problema gaya ng pagpalit ng gulong, fan belt, spark plug etc. Kakayanin nila pero mahihirapan.
Oo nga at itre-training ng ilang taon ang mga chika babes na gusto, pero pagkatapos nila o pagka graduate ay malamang wala na rin ang MMDA officer na nagpakana nito. Mauuwi na naman sa kangkungan itong plano na ito. Tsk, tsk, tsk.
Kapag na nabuntis ay sure na malimit maka absent bago manganak lalo na kung maselan magbuntis. At after manganak ay 60 days to 90 days naka leave yan. Sana kung parang manok lang,pagka itlog pwedi nang tumakbo. hehehe. (Dito lamang ang baklang Driver)
Babaerong driver? Ito baka pwedi pa. Siempre nga naman kumo babaero, dahan dahan ang patakbo niyan. Yang mga iyan kasi ay ayaw malampasan ang mga beautifull ladies na dumadaan lalo na kung pasahero nila ay sexy.
Sabi nga ay “Basta Driver, sweet lover.”
Anyhow, may masama din epekto kung babaero ang driver. Siempre ang tendency ng mga iyan ay mag palipat-lipat ng kumpanya dahil tuwing may naanakan ay tatakas na naman. Maliban pa sa malimit sumakabilang bahay ang mga iyan.
Hay naku, wala po yan sa Gender o kasarian ng driver. Once na umiral na ang kagustuhang kumita ng malaki ay hahataw na naman ang mga yan. Higpitan po niyo ang butas, este batas,pagpapatupad nito at bigatan ang parusa.
Ang may ari ng Bus na maka disgrasya dahil sa mechanical problem ay parusahan ng pagtusok sa buong katawan ng karayom ng sako ng 10,000 times(sa bawat taong nadamay sa aksidente). Kung may namatay naman ay times 10 niyan.
Bukod dito ay dapat bayaran nila ang pamilya ng mga biktima ng malaki.
Ang driver naman nito ay ipagulong sa slide na may blade sa gitna at babagsak sa batya na puno ng kalamansi juice(isang gulong bawat biktima).
Sa ibang bansa gaya ng Singapore ay gobyerno ang nagpapatakbo nito at nagpapasahod sa mga driver. Wala ng kundoktor. Ang bayad dapat sakto o kaya ay iswipe nila card. May oras ang alis at dating sa bawat terminal o stations. Kaya safe na ang patakbo ng sasakyan ay kundisyun pa ang makina.
Pero bumalabs pa rin ito. Ano sa palagay niyo mga madlang people?
Sabi nga, sa ikauunlad ng Bansa, disiplina lang ang kailangan.
Iyan ang wala sa karamihan sa atin.
Thursday, January 13, 2011
Usapang Multo -
Dito sa ating bansa ay sobrang dami ng multo. Iba't-ibang itsura. Iba't-ibang klase.
Sige nga testing lang ha! Ilan ang alam mong multo?
May kanta nga dati na tungkol sa multong bakla. May multong tomboy, lalaki at babae din iyan malamang. Kung hindi maraming mag rarally at sasabihin equal rights, hehehe.
May “ghost painter” din ha. Nung high school ako ay tumulong ako sa pinsan ko na pintor sa may Mabini. Ang Boss namin ay isa din na pintor at may gallery. Pagkatapos niyang gawin ang mga pinagawa hindi niya pinirmahan kasi yung may ari ang pipirma. Mas mahal ang presyo pag benenta. hehehe.
Sa gobyernno ang daming ring multo. Yung 15 – 30 employees na ang tawag ay “ghost employees”. Magkano ang kita na naman yan? Tsk tsk tsk! Hindi bale sana kung tuwing haloween lang sila lumalabas at hindi masyado masakit sa kaban ng bayan.
Speaking of Gobyerno, dami nilang alam ng “ghost” ha! Promise!
May “Ghost Projects” - hindi makitang proyekto pero na budgetan at nabayaran.
May “ghost deliveries” - may resibo ng delivery, may nag receive at seimpre nabayaran. Nung hanapin ang mga ito ay hindi makita. Nung icheck ang address ng resibo,o may gulay-”ghost address”.
Eh, yung mga patay na nakakaboto? “Flying Voters” naman yan. Madami sa Mindanao nyan na nakapagpanalo sa isang Presindente na grabeng galing gumawa ng raket.”I am Sorry” sabi niya.
Merong din “ghost writer.” Yun bang iba ang sumulat pero nakapangalan sa iba. Hmm, meron din kaya nito sa Supreme Court.
“Ghost Town” ang tawag sa isang lugar na halos walang taong nakatira.
“Haunted House” naman ang tawag kapag may mga nagpaparamdam na mga multo.
Pahuhuli ba naman ang mga “Ghost buster”, “Ghost Hunter” o “spiritual Hunter” diyan.
Kung nagtataka kayo kung bakit January ko naisip itong bagay na ito ay pasensiya na kayo. Napanaginipan ko kasi kagabi yung kaibigan ko na nautangan ako gamit yung credit card. Hindi na nabayaran ay nawala pa sa paligid at sa aking paningin. Deadbol na kaya siya at nagparamdam ang multo niya.
Nangyari na ba sa inyo ito? Kayo ang nautangan o kayo ang umutang?
Kung ano man ang sitwasyon niyo diyan ay huwag niyong sirain ang inyong freindship. Huwag maging multong kaibigan o kamag-anak.
Pera lang naman yan. Kikitain pa natin yan. Ang importante ay magsabi lang ng maayos at huwag putulin ang communication sa isat-isa. Huwag umiwas na parang nakakita ng multo.
O, dahan dahan ang pagtingin sa kaliwa at kanan mo ha, baka totoong multo na ang katabi mo ngayon diyan.
Babu na muna mga Friendship at matutulog ako ulit.
Saturday, January 8, 2011
Happy Birthday Johnry
Ayon sa HOWSTUFFWORKS ay ito ka:
Capricorns born on January 7 have a sensitive, vulnerable quality that endears them to others. They have a strong spiritual nature as well as a social conscience. They are likely to experience a conflict between inner-life needs and external responsibilities. This has the potential to create a powerful dichotomy, requiring soul-searching and introspection.Health
If anything is going wrong in their lives, January 7 people are likely to have trouble getting a good night's sleep. They have sensitive body chemistry, which reacts negatively to artificial depressants and stimulants. Since they often suffer from indigestion, they should drink fresh melon juice in season to combat nausea.
Sa Chinese Horoscope naman ay year of the Rat ka: February 19, 1996 to February 6, 1997 (fire)
Celebrities include:Malaki ang magiging problema mo sa mga babae dahil sa nakuha mo ang gandang lalaki,ka guapuhan at charisma ng tatay mo. Nakuha mo naman ang lakas ng sex appeal at talino ng nanay mo kaya kung hindi ka matototong mag tiis sa kakaiwas ay baka madale ka agad ng basta basta Miss Universe lamang, BB Pilipinas, Miss World EB babes o WWgirls.
Plato - Haydn - Mozart - Tchaikovsky
For those born in these years, the key word is "charm". Highly adaptable and creative, quick-witted, sociable, and intelligent. Appealing outward personality typically hides a crafty and opportunistic personality. They tend to be very talkative and are seldom found sitting quietly by themselves.
The Rat is very quick-witted and can accomplish in days what some may take months to do, but they are typically perfectionists and difficult to work around despite their exceptional talents.
Rat personalities tend to scrimp and budget carefully when resources are tight, yet spend lavishly when finances are good. Rats are self-contained and keep problems to themselves. Although very outgoing, they seldom confide in anyone.
Often talented in abstract subjects such as math and music, they make good planners, especially in business situations as well as the arts.
Huwag ka agad bibigay sa dahilang Bilyonaryo siya, Maganda, sexy, maalalahanin, mapagmahal, magalang, at madasalin. Pag isipan mo muna maiigi sapagkat hindi basta-basta ang mga bagay na iyan.
Nakikita ko rin sa bolang kristal na ikaw ay mapupuyat kung hindi ka matutulog ng maaga sa gabi,dahil hindi pweding mapuyat sa umaga. Sabi rin sa baraha na nahiram ko kay Madam Auring, ay apat na ang nawawala mong cell phone at ang pang limang cell phone mo ay nakuha mo nang nakaipon ka dahil sa napamaskuhan mo.
17 years old kana, 1st year college at 3 years na mula ngayon ay 20 years old ka na at 4th year college ka na rin. Hirap hulaan niyan ha?
Happy-Happy Birthday daw sa iyo sabi ng napakabait at cute mong mga magulang, mga kapatid na alaskador, galanting Tito at Tita at mga ka Dota mong walang magawa sa buhay kundi mag dota at Facebook.
Nagmamahal, ang iyong Ama.
Thursday, January 6, 2011
Hulihin Si Mayor
Nagkataon namang nag violate si Mayor “Bistek” Herbert Bautista ng “Beating the red light” nuong January 1 sa may kanto ng Kamuning. Hindi po binugbog ni Mayor ang pulang ilaw (Beating the red light), kundi stop na ay umandar pa siya. Hindi huminto sa stop light si Mayor. Huli si Mayor kay Botilla.
He braced himself for a tongue-lashing but what he got instead was a promise of a promotion and a cash reward of P10,000. For doing his job without fear or favor, Sol Botilla, a 47-year-old traffic enforcer of the Quezon City government, was cited by Mayor Herbert Bautista during Monday’s flag-raising ceremony at city hall
Akalain mo nga naman na sa panahon ngayon na modern na lahat ng bagay ay simpleng “Stop Dance” ay hindi pa alam ni Mayor? Nag seminar kaya si Mayor sa LTO office?
“Akala ko Chinese siya” sabi ni Botilla. Hmmm, hindi ka nanood ng Batibot? (Ngek,kasali ba siya duon?).Jack en Jill with Sharon Cuneta po iyon.
“Nakilala lang niya ako ng aminin ko ang traffic violation ko” sabi naman ni Mayor Bistek. Pinapunta pa niya sa kanyang opisina si Botilla nung sumunod na araw ngunit hindi pumunta ang huli.
Hindi talaga nagpunta sa tanggapan ni Mayor si Botilla sa takot na parurusahan siya sa ginawa niyang paghuli kay Mayor.
Ngunit nuong nakaipon nang sapat na lakas ng loob,tapang ng dibdib at kapal ng mukha itong si Botilla ay sumgod sa opisina ni Mayor. Sa halip na sabon at galit ay P10,000 ang nakuha niya at promotion pa sa pagiging Supervisor. Iyan ay ayon na rin kay Elmo San Diego, head ng DPOS sa Quezon City.
Abangan niyo at hulihin si Mayor,(kung may violation lang naman) at baka ma promote din kayo gaya ni Botilla. Ito po ay hango sa Philippine Daily Inquirer, Metro News January 6 issue.
Huwag na kayong gumaya sa Hepe ng isang Police Station na hindi naman hinuli si Mayor. Hindi po iyan sa Zambales ha. Ang title naman niyan ay "Hindi Hinuli si Mayor".
Kung gusto niyo malaman ay bumili kayo ng diyaryo. Sorry po at hindi akoPhilippine Daily Inquirer, Manila Times,Tempo,Philippine Star, Taliba, Balita o Peoples Tonight na maraming edition. Pmonchet po ito ano!.
Wednesday, January 5, 2011
Baker King
Kapag sinabi ko dapat masunod.
Kagaya nuong Lunes ng gabi. Nagyaya ang Mrs ko na panoorin ang Baker King na bagong Korea nobela ng GMA 7.
Siepmre hindi ako pumayag dahil wala akong kahilig hilig sa mga ganyang palabas. Ang gusto ko mga action movie o palabas. Kaya nga idol ko sina Stallone, Al Pacino, Schwarzenegger (hew, hirap spellingin), Bruce Lee, Charles Bronson, Clint Eastwood, Harrison Ford, Jacky Chan, Jean-Claude Van Damme, Mel Gibson, Pierce Brosnan, Roger Moore, Sean Connery, Steven Seagal at Vin Diesel. Hindi mawawala sa listahan sina Totoy Bato, Asyong Salonga, X-44, Nardong Putik, Waway at Machete.
Pero nakiusap siya sa pamamagitan ng pagtingin sa akin ng matalim. Aba, aba, aba! gusto akong subukan kaya pinidot ko na ang channel 12 (Destiny Cable,sosyal ha) upang makita. Kita niyo naman, ako ang nasunod hindi ba?
Oh! my gulay, mukhang impressive ang unang episode. The next day siempre ako uli ang nasunod sapagkat inabangan ko na ito kahit nasa kusina pa ang Mrs. ko. Nagustuhan ko na siya, promise.
Siempre na intrega ako kaya kinausap ko ang friend ko na si Google at ito ang nalaman ko...Synopsis
Kim Tak Goo is the eldest son of Goo In Jong, the president of Samhwa Enterprise, a legend in the baking industry. Although he is an extremely talented baker and seemed destined to succeed his father as president, Goo In Jong's family plotted to rob him of his inheritance because he was born to In Jong's mistress. Tak Goo's determination to become number one in the baking industry drives him to rebuild his career from scratch despite the many trials he faces.
Hindi lang iyan, winner din pala ito ng sandamakmak na awards:
RecognitionsAt ito pa ang kanilang official site: Here
* 2010 KBS Drama Awards: Top Excellence Award - Actress (Jun In Hwa)
* 2010 KBS Drama Awards: Excellence Award, Mini Series - Actor (Yoon Shi Yoon)
* 2010 KBS Drama Awards: Excellence Award, Mini Series - Actress (Eugene)
* 2010 KBS Drama Awards: Writer Award (Kang Eun Kyung)
* 2010 KBS Drama Awards: Youth Actor Award (Oh Jae Moo)
* 2010 KBS Drama Awards: Best Couple Award (Yoon Shi Yoon and Lee Young Ah
Source: DramaWiki
Ngayon, napag tanto ko na kahit tayong mga padre de pamilya ang laging nasusunod, paminsan-minsan ay pwedi ring makinig sa suggestion ng Mrs natin.
Mamaya abangan na lang natin ang 3rd episode ng Baker King, and so on and so forth.
Kapag nagustuhan niyo rin ay please share na lang dito nang ma-survey ko kung mahilig din kayo sa Korea Nobela. Hehehe.
Monday, January 3, 2011
Nagsarili - Hindi po ito Bastos
Nagsariling nag re-start. Oh my gulay. Nagkataong may tumawag at hindi ko na masagot. Hindi ko maipaliwang na hindi ko siya binabaan ng telephone dahil ang cell phone ay nagsuplado. May sumunod pang mga text na hindi ko na mabasa. Naku Boss, Pasensiya na at ako naman ay may load, hindi ko lang masilip kung ano ang isasagot.
Mukhang tama ang sabi ng mga feng Sheu master, sa mga ipinanganak sa birth sign ng Dog ngayong taon. Masuerte raw kami.
Akalain mong nuong January 1, bag ko ay hindi ko nagamit pagkat zipper biglang di makabig. Bumigay na rin kaya ngayon ito ay bago. Bagong palit po ang zipper.
Ngayong nag sarili ang celphone ko ay mukhang bago na naman ito uli. Bagong ipaparepair. Huhuhu! Mahal na mahal ko pa naman ang smartphone ko. Walang nakakahawak at nakahipo nito kundi ako lang.
Kahit Mrs ko ipinagpalit ko dito. Pwedi ko siyang hindi katabi huwag lang ang cell phone ko.
Pero ganyan yata ang kapalaran. Ang new years resolution ko pa naman ngayong taon ay hindi ako bibili ng ano mang gamit ko na bago (Ukay-Ukay pwedi).
Kaya ako ay nananawagan sa mga mapag kawang gawa. Hindi po ako pihikan. Kahit Iphone 4 ay tatanggapin ko. Kung wala naman ay okey na rin ang Blackberry, HTC, LG, Samsung na smartphone. Kung talagang no choice na at Nokia ang type niyong ibigay ay pwedi na rin ang mga E series.
Mga Friends, ingatan niyo na lang ang mga cell phone niyo para huwag kayong magaya sa akin.
Kung bakit naman kasi hindi pataas ang hulog ng mga ito?