Friday, October 17, 2008

Katotohanan O Haka-haka lamang


Ako po ay naguguluhan
Sa aking bayaw na tinuran
Kung ito ba ay tunay
O haka-haka lamang.

Pwede nyo po kaya ako
Kaunting Pansin ay tapunan
Idudulog na isang tanong
Pakisagot po lamang.

Buwan ng Hulyo po
Pumanaw aking biyenan
Isang tao pong Dumungaw
Biyenan ng aking Bayaw

Mukhang labis po daw
Kabaong nireng patay
At hindi daw maganda
kabalikat na sakuna

Katotohanan kaya
o haka-haka lamang
iiwan kung tanong
pakisagot lamang

Nung nakaraang linggo
kapatid ng Mrs ko
sa ospital itinakbo
masakit daw ang ulo

sa findings ng Doktor
may ugat sa ulo'y nalagot
awa naman ng Diyos
Naagapan, nailigtas

Naalala ng bayaw ko
ang biyenan na tinuran
isa-isa daw kukunin
anak at kamag-anak

Isang kasabihan
totoo raw po't tunay
wag ipawalang bahala
baka kami ay magsisisi

Friends, hirap palang maging makata. huh! Yan po ang katanungan na baka pwede niyong tapunan ng kaunting oras upang maliwanagan ang utak ko na nagugulumihanan.
Sa mag sasagot ng question ko, sana'y suwertihin kayo at tumama kayo sa lotto,hueting,ending,lucky nine,raffle at paripa.

Babu muna po at nagising laang ako para ipost po ito

2 comments:

Anonymous said...

Naku, Partner! Sorry, pero di ako naniniwala sa mga bagay na walang logic e.

May kabong mang sobra o wala, lahat naman tayo mamamtay.

Una-una nga lang...

Anonymous said...

Kais sabi hindi daw abot yung ulo dun sa edge ng kabaong.Pero sabi ng Taga Paz, kapag nilagyan daw ng unan talagang hindi sasayad sa yung ulo sa dulo kasi nga ay aangat ito.hehehe