Thursday, October 30, 2008

Ang Paggamit ng Wikang Pilipino

Note:Huwag niyo po ako sisihin at galing lang ito sa classmate ko:
The Dilemma of Accounting in Filipino ACCOUNTANTS (Pagtutuos), TAKE NOTE!!!
A bill filed by Sen. Lito Lapid asks that proposed laws should be written in Filipino (Pilipino). Likewise, the official spoken language in the senate should be Filipino. But I doubt this bill will see the light of day.

Read on to know why. Ang Paggamit ng Wikang Pilipino

A young, good-looking representative from Laguna sponsored a bill recommending the Filipino language be used in all levels of accounting firms and banking institutions. The solon claimed it will provide a better understanding of the business transactions for those who are inexperienced and non-English speaking citizens.
The bill received unanimous approval from the House and was presented to the President for Signature to become the law of the land. But in spite of the overwhelming pressure from the members of the Congress, the President vetoed the bill.
Why?

She explained that when the English 'business' words are translated in Tagalog, they sound very malicious (malaswa) and are 'nakaka-hiya at nakaka-kilabot! '


Here are a few sample words - English to Filipino

Asset - Ari

Fixed asset - Nakatirik na ari

Liquid asset - Basang ari
Solid asset20- Matigas na ari

Owned asset - Sariling pag-aari

Other asset - Ari ng iba

Miscellaneous asset - Iba't-ibang klaseng ari

Asset write off - Pinutol na pag-aari

Depreciation of asset - Laspag na pag-aari

Fully depreciated asset - Laspag na laspag na pag-aari

Earning asset - Tumutubong pag-aari

Working asset - Ganado pa ang ari

Non-earning asset - Baldado na ang ari

Erroneous entry - Mali ang pagka-pasok
Double entry - Dalawang beses ipinasok

Multiple entry - Labas pasok nang labas pasok

Correcting entry - Itinama ang pagpasok

Reversing entry - Baligtad ang pagkakapasok

Dead asset - Patay na ang ARI
Thanks Anita.

Tuesday, October 28, 2008

Learning Poker,while attending a Blogging event



Kindly click here My First Time for my post about the just concluded DigitalFilipino.com Club fellowship/networking event held at the Casino Filipino,Paranaque last Saturday, October 25, 2008.
Hay my gulay, I have been trying to post this since panahon ng hapon but I always encountered different problems form my desktop lan problem to my laptop connection problem and then this Bayantel dsl connection-Grrrr!#$%. Kaya ayan,E short cut ko na lang po(pagkaha-bahaba na ng nagawa ko pagkatapos hindi mai save dahil sa error on achu-chu and eclabu).
Ah basta madami nang naisulat tungkol dito sa event na ito kaya yung side light na lang po ito.
After this event, I have totally change my views about casino from a place only for gambler to a place where a family can go to for bonding and relaxation. I saw a lot of families going in and what caught my attention is when even a toddler is included. Thanks Janette and Angel.

That night, before the start of the program being hosted by Janette and is being sponsored by (who else but) PAGCOR, a group of blogger were introduced to this game called poker and I am one of those. It is a game of strategy, analysis, bluffing and of course Luck with a capital “L”(one needs a lot of these). A few playing chips were given and two rounds of mock card game ensued.

For highlights of that night here are the links:


  1. My Digital Filipino Club Fellowship and Networking Night Experience (Fitz)
  2. My Digital Filipino Club and Bloggers Fellowship Night Experience (Snow)
  3. FOTD (Anna)
  4. Chris A’s First Blogger Event in PAGCOR (Chris)
  5. Digital Filipino Club and Filipino Bloggers Manila Networking Event (Mica)
  6. I am not proud of my blog (Gary)
  7. http://dine.racoma.com.ph/the-internet/tips-from-top-bloggers-digitalfilipinocom-club-and-bloggers-manila-networking-event/ (Dine)
  8. Digital Filipino’s Networking Night at PAGCOR (Lace)
  9. The Manila Fellowship Night (Ada)
  10. Dumalo ako sa Manila Bloggers EB ng DigitalFilipino.com Club (Ederic)
  11. Digital Filipino Club and Bloggers Manila Networking Event (Anna)
  12. Digital Filipino Club and Bloggers Networking Night Manila (LAD)
  13. Philippines Top 100 Blogs for 2008 (Jehzeel)
  14. Aftermath of the DigitalFilipino.com Club and Bloggers Networking Event Manila in PAGCOR (Chris)
  15. DigitalFilipino.com Club and Bloggers Manila Networking Event (Azrael)
  16. When your boyfriend is younger than you are, remember not to take him to the casino with you (Yza)
  17. Digital Filipino Bloggers Networking Event (Errol)
  18. Great Sabado Night: Bloggers Manila Networking Event (Tonyo)
  19. The DigitalFilipino Event: I Came a Stranger, Went Home With Lots of Friends (Roel)
  20. digital filipino event (Agnes)
  21. Social climbing with Janette Toral (Reynz)
  22. DigitalFilipino Manila Fellowship Night (Sabrina)
  23. My First Blogging Event: Unforgettable Experience (Angel)


Then after the Pagcor and Ms. Janette's presentation , the raffle of cash voucher started and to cap the night, some of those present were given an equivalent of two thousand chips to play poker (including yours truly.) Beginner’s luck smiled on me the first time when I bet all my chips and win that round. Imagine yourself winning without even trying. I just wanted to get out of that gaming table because I am not used to gambling and besides I am not comfortable being stared at by people. I'm kind of shy you know? Hehehe.
So the bottom line is I lost as quickly as I won. Confused? I won the first time I bet all my chips but lose the second time I did it. Lesson learned- patience is a virtue.
I am not fund of gambling. Although I knew how to play different card games such as “pusoy”, lucky nine, "unggoy-ungguyan" (pang lamay lang ata ito) and blackjack, I never play if it involves money. I just cannot find enjoyment in betting my hard earned money.

(Finding) Jonel Uy of letsgosago.net and I ventured into the gaming hall armed with cash coupon. Pagcor employees were kind enough in telling us were to play this kind of “money”. The first time we both bet the cash coupon was in the Super Six table. It turned up lucky enough for us to win in each instances. Our second try was not.
You could just imagine both of us guessing and analyzing how those games are being played and then we'll both laugh for a wrong or right guesses.
Then we tried the roulette where we placed a Two hundred bet. The dealer changes our chips and accidentally placed it in the center of four numbers instead of my original choice of only two. We let it as it is and that gave us another winning run.
Then it is time to say goodbye for our service bus had arrived, we in-cashed our chips where Jonel become six hundred richer while me have seven hundred peso take home. Not much money you should say but for both of us, these are already big deal. (Babaw ng kaligayahan. Hehehe). By the way Angel, yung P500.00 voucher na ibinigay ni Snow nakuha ng dealer.Natalo- kasi yun yung second try ko.Sayang. hehehe
O ayan, maigsi na yan ha, babu na uli at napuyat na ako dahil dito.
"



Friday, October 17, 2008

Katotohanan O Haka-haka lamang


Ako po ay naguguluhan
Sa aking bayaw na tinuran
Kung ito ba ay tunay
O haka-haka lamang.

Pwede nyo po kaya ako
Kaunting Pansin ay tapunan
Idudulog na isang tanong
Pakisagot po lamang.

Buwan ng Hulyo po
Pumanaw aking biyenan
Isang tao pong Dumungaw
Biyenan ng aking Bayaw

Mukhang labis po daw
Kabaong nireng patay
At hindi daw maganda
kabalikat na sakuna

Katotohanan kaya
o haka-haka lamang
iiwan kung tanong
pakisagot lamang

Nung nakaraang linggo
kapatid ng Mrs ko
sa ospital itinakbo
masakit daw ang ulo

sa findings ng Doktor
may ugat sa ulo'y nalagot
awa naman ng Diyos
Naagapan, nailigtas

Naalala ng bayaw ko
ang biyenan na tinuran
isa-isa daw kukunin
anak at kamag-anak

Isang kasabihan
totoo raw po't tunay
wag ipawalang bahala
baka kami ay magsisisi

Friends, hirap palang maging makata. huh! Yan po ang katanungan na baka pwede niyong tapunan ng kaunting oras upang maliwanagan ang utak ko na nagugulumihanan.
Sa mag sasagot ng question ko, sana'y suwertihin kayo at tumama kayo sa lotto,hueting,ending,lucky nine,raffle at paripa.

Babu muna po at nagising laang ako para ipost po ito

Monday, October 13, 2008

Pambansang Yaya - Patani

Pic source:PEP
Since viewing the first episode of Survivor Philippines, I have been hook. Nakakatuwa kasi ang mga contestant na iba-iba ang characters at attitude.
Isang contestant na lubos kong kinatutuwaan ay si Jervey “Patani" Daño.
Tubong Camotes Island,Cebu. Dating yaya ng kanyang pamangkin bago napasali sa contest na ito.
Nakita ko sa kanya ang pagsisikap at determinasyun na gawin ang ano mang bagay makamit lamang niya ang kanyang pangarap na maging artista.
Maganda rin ang pananaw niya sa buhay at prinsipyo na nakita ko nung ma feature siya sa show ni Jessica Soho.
"Kahit marami ang magsabi sa akin na pangit ako ay hindi ako naniniwala dahil alam ko na may mas pangit pa sa akin",sabi niya.
Oh, di ba nakakatuwa. Then tinanong siya kung masama ba ang loob niya sa pagkakatanggal ay totoong tao niyang tinuran na hindi. Yung bagay raw na makapunta siya ng Maynila, magkapassport at mkarating ng Thailand ay malaki nang blessing para sa kanya. Bukod pa riyan siempre ang mapabilang sa Survivor Philippines.
Take note ha, nag audition siya sa Starstruck na isang ring show ng GMA. Buti na lang at hindi siya nakasali, kung hindi baka siya pa ang nanalo.
Kidding aside,sana nga ay huwag siyang magbago at huwag lumaki ang kanyang ulo dahil sa ngayun ay kaliwat-kanan ang mga guesting show niya sa GMA. Pero may tugon siya rito,"Eh d untog nyo po ulo ko sa pader tsaka iguide niyo po sana ako," sabi niya kay Jessica.
Goodluck Patani, huwag ka sana malamun ng industria. Ako ang isa sa mga taga hanga mo.

Friday, October 3, 2008

Si Aro at Ako



(Muntik ko nang makalimutan isali sa E[Kwento ]MO; EMO Wrting Contest !)

Tandang-tanda ko pa parang kahapon lamang ate Helen nung una kung makita si Aro sa pet shop. July 1,2006 nun, 2 days lang halos ang nakaran nang matigmak and flowerhorn ko na two years ko nakasama.(Background music of Ate Helen Vela)

Parang may magnet ang kanyang mata na nung aking masilayan ay tila nag sasabi na “alagaan mo ako,kuya”. Tila ayaw niya gumalaw at naka steady lang siya sa gitna ng aquarium. Mukhang nagpapa impress ang lolo mong arowana.

Five inches lamang halos ang laki niya nuon at nang sabihin sa akin ng may ari na bigyan daw niya ako ng discount kapag binili ko ay kinuha ko na agad even without thinking.
Fellet pa nuon ang aking binili na pagkain niya. Sa 75 gallon na aquiarium ko ay kay ganda niyang pag-masadan.

Naging divider naming sa sala ang ayos ng aquarium niya. Nasa likod ng sofa at ang kabila naman ay computer area namin. Pwede siyang manood ng TV or computer para hindi siya mainip sa kanyang pag-iisa.

Tuwing uuwi ako ng bahay ay siya kaagad ang aking kino-kumusta.Parang tanggal lahat ng pagod ko kapag nakita ko na siyang umaangat at nag aabang ng pagkain galing sa akin. May bangko nga akong naka-reserve malapit dito for viewing purpose.

May ilan ulit na rin siyang muntik mamatay sapagkat natatagpuan naming siya nasa sahig matapos tumalon palabas ng aquarium.Talagang ganun daw pala kaya dapat may takip ang ibabaw ng aquarium. May time pa nga na nabasag niya ang cover kasi manipis ito. Medyo nasugat siya ng konte dahil dito. Mabuti naman at madali rin naghilom.Pinalitan ko ang salamin ng mas makapal. Ito, hindi na niya kayang basagin.

Kapag nag brown out ng matagal ay meron akong battery powered pump. Kumpleto ako ng cleaning ek-ek mula sa pang sipon ng water, magnetic cleaner, at three ang water filter ko.

Kay tulin ng panahon na lumipas Ate Helen at kay bilis ng kanyang paglaki.
Iba-iba na rin ang aking pinapakain sa kanya. May super worms, Kataba at feeders.Parang anak na rin ang turing ko sa kanya na kung minsan ay nag seselos na pati ang Mrs. ko.
Nang lumipas ang dalawang pasko ay halos 21 inches na ang haba niya.

Yang picture na yan ay kuha July this year. Kay ganda ng mga posing niya nung araw na yun.

August 16, 2008 ng umaga ay nagmamadali akong umalis ng bahay dahil may meeting kami ng tao ko sa branch.Kaya natapunan ko na lang siya ng sulyap na dahan-dahan lumalangoy. Wala naman kung anong extra ordinary.


Ala-una ng hapon ay tumawag ang Mrs. ko sa landline namin sa office. Tinanong ako kung ano raw ang gagawin sa mga super worms?

Ano ba ang ginagawa sa super worms? Hindi ba ipinapakain sa Arowana,medyo naiinis kung tugon?

"Wala nang kakain na arowana, kasi patay na?"sagot ng Mrs. ko mula sa kabilang linya.

"What?" Akala ko nagbibiro ang Mrs ko. Pero hindi po siya nagbibiro. Nagpapaalam sa mundong ibabaw si Aro ng wala ako sa bahay.

Kay sakit isipin at alalahanin.Parang namatay ang kalahati ng katawan ko Ate Helen. Ang dami ko nang kaibigan na nag sasabi na palitan ko na lang ng ibang arowang dahil may Australian at Malaysian gold daw yan. Pero sa tinging ko ay matatagalan pa bago ako uli mag alaga. Parang nawalan ako ng gana.
Sa ngayun ay nakikita ko pa rin naman siya. Siya ang wall paper ng desktop ko sa work at sa bahay.
May my Arowana rest in peace. I will miss you my freind.
Yan si Aro at Ako ate Helen.