Puyat ako kagabi. Lintik na Frank yan. Magmula Sabado ng madaling araw nawalan na kami ng kuryente hanggang Linggo. Magdamagang walang kuryente. Imagine po naman ninyo, ngayun lang nagkaroon. Lunes na !
Hindi ako nakatulog sa kakapay-pay sa mahal kung asawa. Huh, hirap nun ha!.Para akong nag iihaw ng saba ng saging (Yes,hindi ng barbeque). Habang nalalamigan ang Mrs ko, ako naman ang pinapawisan. Give and take lang kasi kami ni esme. Nung nakaraang nagka “Blackout” ay ako naman kasi ang natulog nang pinapaypayan niya.
Frank! (@#$%^) Wala nang kuryente wala pang telepono pati dsl wala din. Grabe namang lungkot ng sinapit ko. Kakainis talaga. Ang hirap pang kontakin ng mga damuhong taga Bayantel, Meralco at Nawasa (Nagreklamo kasi yung pina-kisuyuan ko na tumawag at magreport) Grrrr#$%%&&* ! Buti na lang at may tubig pa kami sa tangke. Kundi hindi pa ako makakaligo bago pumasok ng trabaho.
Pero nang malaman ko sa anak ko na tsismosa, este, na tela reporter sa pag siete nang kanyang narinig sa radio (na de baterya) ng lola niya, na may isang pampasaherong barko raw na lumubog at may 747 na pasaherong sakay nito (626 pasahero,121 crewmen) ay medyo napaisip ako. Napaisip ng malalim at sabay buntong hininga.
Umalis ito galing Manila noung Biyernes sa ganap na 8:00 ng umaga na patungo sana ng Cebu. MV Princess of the Star and pangalan ng Barko. Pag-aari ito ng Sulpicio Lines na mukhang suki na ng trahedya sa karagatan (Knock on wood).
Mapalad pa pala ako kahit papano at puyat lang ang inabot ko Ano na kaya ang sinapit ng mga pasaherong yun? Anong pag iisip at pag aalala ang inaabot ng mga kamag anakan ng mga ito?
Ako po ay nakikidalamhati sa mga naulila ng mga pasaherong nadamay sa trahedyang ito na dulot ng Bagyong Frank. Nawa ay madami ang makaligtas at napadpad lamang sa ibang lugar.
Okay lang talaga at puyat lang ang inabot ko. Ngayun nga habang sinusulat ko ito ay antok na antok ako pero ok lang po talaga, Promise ! Hinding-hindi na ako mag rereklamo. I just realize how lucky I am right now. Naks! English yun ha.
Hanggang dito na lamang po at uuwi na ako ng bahay para matulog.
Babu!!!
alfa romeo wiring diagram
6 years ago
No comments:
Post a Comment