Friday, June 20, 2008

Kwentong Hi-Tech


Dumating this morning ang Company photographer namin. Ganda ng camera na dala niya. P35 K daw ang price dati pero ngayun daw P25K na lang. Ang bilis daw ng pagbaba ng presyo ay dahil sa mga lumalabas na "latest".
May lalabas daw na camera na parang Rayban lang or sunglasses. Dinescribe niya kung saan nakalagay ang view finder pati transmitter para deretso ang file transfer. Pwede rin daw iprint agad. Tindi ng hi-tech ano? Paano ang pakuha ng picture? Voice command lang daw.
Tamang tama sana gamitin ng mga reporter bago magpa kidnap sa Mindanao. Makukuhan nila ang mga mukha ng bandido, pati buong lugar ng pinagdalhan sa kanila at madaling mahuli ang mga kidnaper. Ang problema lang baka nakawin lang ng kidnaper at ibenta sa ukay-ukay!.
Ang alam ko may Sunglasses na pweding kabitan ng ipod at pwede kang manood habang nasa biyahe ka."People on the go" ang selling point nila.
Grabe ang talino ng tao ngayun. Lahat na yata ng mga bagay na imposible nuon ay pwede na ngayun.

Naalala ko yung mga Batman movies nuon, kahit black and white lang pero gara ng mga gamit nila. Ngayun, totoo na yung kunyari lang na mga gadget nila.
Nuon ang pangbukas ng de lata ay abrelata o kaya yung parang susi na may butas sa gitna. Duon mo ishoot yung kapirasong nakalawit ng lata (ng delata),habang iniikot mo yung parang susi,pumupulopot naman yung lata hanggang sa dulo nito at mabuksan yung sardinas o cornbeef.Ngayun, itapat mo lang sa gadget, iikot na yung delata,presto bukas na. May pambalat din ng mga prutas na ganire.

Minsan napunta ako sa Trinoma,Akala ko sira yung mga escalator nila kasi hindi umaandar. Yun pala may sensor na kapag tumapat ka ay kusang aandar. Galing ano?

Dami nang lumalabas na Hi-tech gadget na ang layunin ay para dumali at gumanda ang ating mga buhay. Ang problema lang pati buhay ng tao dumadali na rin.

Kaya ngayun naman ang iniisip nila pampahaba ng buhay o kung ano-ano. Hindi ba kamakailan lang may nademandang cosmetic Doktor (ng mga artista) dahil palpak daw ang pinahaba niya "ari-arian" ng isang Fil-am?
O siya-siya tama na muna dine at baka saan pa mapunta itong kwentong to.
Kayo naman ang magkwento

No comments: