Friday, June 20, 2008

Panaginip


Ang sarap ng tulog ko kagabi. Hindi pwedeng bayaran ng salapi. Medyo masarap kasi ang klima, medyo malamig ang paligid. Kahit bentalador lang ang gamit ko parang aircon ang lamig.
Ang nagpadagdag pa ng himbing ng tulog ko ay ang ganda ng panaginip ko. Namputsa, pagbukas ko daw ng website ko na ito ay may natanggap akong mensahe na nanalo ako sa pa contest ni Burato. Walandyo, eh naalala ko wala pa nga pala akong entry pano ako mananalo. Tsaka October pa matatapos yun, ang tagal ko palang natulog. Dun ako nagising. hehehe.
Pero ayun sa aming seminar dati, kapag lagi mo daw iniisip ang isang bagay, at nag-iisip ka na nakuha mo na ang bagay na yan. Makukuha mo daw talaga.
Yan din ang sabi sa " The Secret" (the law of attraction,ek ek) ni Ronda Byrne.
Pero teka,ano kaya ang katumbas nun sa Lotto?
Matulog na lang muna ako uli para matuloy yung panaginip ko.
Babu!

2 comments:

Jenaisle said...

He he he, nakakatuwa ang sinulat mo...ano ba ang pa contest niya?

pmonchet said...

jenaisle - join ka din para masaya. Click mo link.Dollar ang premyo.