Sunday, June 29, 2008

Manny Pacquaio Wins over David Diaz


Mga Friendster wagi na naman si idol Manny "Pacman" Pacquaio sa laban niya kay David Diaz para sa corona ng WBC lightweight division.
Umabot naman ng 9th round bago nagpasyang humiga at matulog muna ang dating kampeon na si David Diaz.
Ganda sana ng laban kaya lang hindi ko masyadong napakinggan at napanood sa T.V. kasi medyo minalas ang lolo mo.
Nung umaga, kumo may pasok nga ako sa trabaho eh di sa Radyo na lang muna ang aming atension. Dun sa AM station kami tiyaga sa pakikinig. Mula supporting event ay kanda haba ng leeg at tainga namin sa pakikinig. Kuntodo dasal na sana matapos agad ang ma naunang laban. Eh d ayun na nga kumanta na ng National Anthem ng both figther. Mukhang magsisimula na nang may tumawag sa akin. May bisita ang lolo mo, so pinaakyat ko sa office at entertain ang drama ko. Wala na, wala na akong nasundan. Nagpabili na lang ako ng pagakain para dun na lang kami sa office kumain. Sa madaling salita mag 7th round na ng umalis ang bisita. So kulang ang napakinggan ko na laban. Pero suerte pa rin kasi feel na feel ko yung parteng 9th round kung saan na nga bumagsak si Diaz.
May dala akong portable T.V. (7 inch screen) kaya lang dahil sa delayed masyado kaya dun muna kami sa radyo. Eh ganun na nga ang nangyari, sabi ko sa loob ko, dito sa T.V. sigurado buong-buo ko na mapapanood.
Halos 1:25 P.M. na nag mag umpisang ipalabas sa T.V. ang laban so sarap ng upo ko. Toot, may buzzer uli, "Sir andito ang kumare niyo". Ayos, (ang ganda ng timing) baba ako sa selling are para kausapin ang bisita. Hindi ko na napansin ang oras o minuto namalayan ko na lang binubulungan ako ng supervisor ko,"Sir kakatapos pa lang ng 5th round."
So excuse me muna ako at iihi muna ako kako,pero sabi ng kumare ko ay tutuloy na rin daw siya. Cross ako ng finger sana wala ng bisita.
Round 6th na nga at tumunog na ang bell. Lintik tumunog ang cellphone ko at tumatawag ang Co-Manager ko. Hindi ko sana sasagutin kaso nakonsensiya ako at baka importante. Ayun, 3 minuto ang naubos sabay ng pagtunog ng bell. Tapos ang tawag, tapos din ang round.
Yan po ang kwento kung bakit round 7th to 9th lang po ang nagpaulit ulit sa tainga ko at mata ko.
Pero okay lang kasi si Manny "Pacman" Pacquaio naman ang nagwagi.

Saturday, June 28, 2008

Manny Pacquaio Vs David Diaz, isang tulog na lang


Yes friends isang tulog na lang at magkakaalaman na kung sino ang mananalo at sino ang matatalo. Medyo tumataas ang nerbiyos ko kasi excited na ako sa outcome ng pustahan dito sa amin. Kaya lang ang hirap manood sa T.V kasi tapos na sa radyo at ibang pinagpalabasan, duon sa T.V nasa kalahati pa lang.
Pero may na gets akong email galing sa PBS member na si na libre pala sa General Santos manood at ang nagbayad ng tumataginting ng P 330,000.00 ay si Honorable Darlene Antonino-Custodio (photo by Jun Pilapil ).
Punta na tayo dun para maka libre. Pero teka magkano ba pamasahe dun?
Mahirap nga pala kasi baka ang masakyan natin ay ang sikat na Sacripisyo Line este Sulpicio line eh iba pa ang mapuntahan natin. Baka sa ilalim ng lupa este ng dagat pa tayo pulutin.
Going back sa laban ang balita ko ay madaming pumunta diyan sa Mandalay Bay na sugarol ha. Eh bakit naman hindi eh Las Vegas nga iyan. Pupunta din diyan yung kapitbahay kung si Gloria at kasama ang sandamakmak na tongresman at senadong. Na kahit na ang dami nang
panawagan at pangungutyang inabot (ibinato) na umuwi na laang at tignan ang barangay niya na nasalanta ng Bagyong Frank ay tila sementong mukha, Tibay ng sikmura ang inihaharap niya.
Diyos ko po naman. Santamariang mahabagin.
Teka, kalimutan muna natin ang mga problema natin sa Bigas, sa basura at kung anu-ano pa. Dito muna tayo at kapit kamay sa pag dasal ng panibagong panalo ng ating idol na is Manny Pacquaio.
Oh siya -siya babu na muna at nerbiyos na talaga ako.
Babu!

Thursday, June 26, 2008

Deleted Account

My Entrecard account was deleted.
Your account 'pmonchet' on entrecard.com has been deleted.
The administrator gave the following reason:

English blogs only. Sorry.

Please contact support@entrecard.com if you have any
questions regarding this action.
I tried to post about this matter in the entrecard forum
but got his response:

Kung ayaw, wag mo. Eh d Tanggalin! Hindi ako pikon.
Sabi ng lolo ko, "Ang pikon laging talo".
Okay! babu...

Wednesday, June 25, 2008

Manny Pacquiao Vs David Diaz, Lethal Combination

Ang dami ng naisulat tungkol sa laban na ito nina Manny Pacquiao at David Diaz sa darating na linggo. Kaya hindi na ako dadagdag pa sa mga ito. Kung sino ang gagawa ng record? Kung sino ang mananalo (at siyempre may matatalo)? Kung sinong kaliwite (pareho po, hindi lang natin alam kung pati sa chicks) ? etc. etc...

Halos alam na ng lahat ang istorya tungkol sa dalawang ito, eh ano pang rason at isinusulat mo ito?
Bilang pinoy siempre kay Manny "Pacman" Pacquiao tayo kakampi pero nag text yung pinsan ko at ni remind sa akin na pinsan daw pala namin si David Diaz. Yan ang hindi pa naisusulat.

Ows! sabi ko. Pano naman nangyari yan eh ibang lahi niyan at ang asaness nga ng kampo niya ay siya daw ang magbabangon sa lahi nila at sisira sa record ni manny na "Mexican Assasin" kapag nanalo siya.

Sagot sa akin, basahin mo yung post mo sa Fatherlyours, andun ang prueba? (Free pluging).
Siempre check nga ng lolo mo at heto ang resulta: Diaz and Domingo Wedding.
Oo nga ano! teka muna pano nangyari yun?

Habang nag eesep-esep ako pumasok sa bahay namin ang kapit-bahay kung tricycle driver at may gusto daw ireklamo. Baka daw pwede ko isulat sa blog ko.

"Nakakainis pare, lagi na lang kapag may laban si Manny Pacquiao sa Amerika lagi tayong delay. Sabado ang laban nila linggo na natin mapapanood". "Lagi tayong lugi" yan ang reklamo niya.
Muntik akong malaglag sa kinauupuan ko.

May naisip akong itanong sa kanya para lang maibsan ang kanyang sama ng loob kasi papasok pa ako ngayung umaga, "Eh kung dito siya lumaban ng Linggo okay lang ba sa iyo?"

Pagalit na umalis sabay sabi sa akin "Ikaw talaga pare niloloko mo ako. Anong palagay mo sa kin bobo? Eh di ganun din, Sabado ng gabi naglalaban na sila dun".

Dun ko naibuga sa mukha ng Misis ko yung kapeng iniinom ko.

Ayus! Sige po,pag isipan niyo na lang muna kung pano sila mag sasabay ng laban dito at sa Amerika, hane?
Babu!

Tuesday, June 24, 2008

Game ka na ba? (Sa Pa Contest Ni Buraot)


Dyan dyaran, Ito po ang entry ko, kuya Buraot sa pa contest mo na Sikatchupoy si Buraot contest.

Ito ang napili ko na isa sa favorite ko "Lang-magu To-its".Kasi naman dito ko napaniwala ang frend ko na talo ang U.S.A. (Amerika) sa pinoy kapag raket ang pinag-usapan. Walang panama mga Amerkano sa tin tol !

Pinipilit ba naman niya sa akin na pinaka maraming rocket daw sa Amerika. Sabi ko dito sa Pinas ang pinaka maraming racket.

Dito sa sinabi ni Buraot na “lahat ng raket meron” sa Recto (pa lang yan hindi at pa kasali yung sa Luneta), o di naniwala na siya sa akin. Mas maraming rackets at racketeers dito sa atin tsong. Pusta ka pa?

Very informative talaga ang mga post niya. Paanno ko nasabi? Aber !

Eh, sa Manila High School ako grumadwait kaya kapitbahay lang naming ang Luneta. Ni hindi ko alam yung underground sa Luneta na yan. Me opis pala dun na manhole and daanan. Dito ko rin nalaman saan makakabili na murang cellphone. Galing noh?

Kung ako kayo ay puntahan niyo na lang ang site at sumali na rin kayo dito sa pa contest niya. (Pabulong na dahan-dahan at mabagal na pagsabi, ala kuya Cesar - “Sana ako ang manalo!”)

Warning lang sa inyo, ang pagbabasa ng blog ni Buraot ay habit forming. Parang komiks nga at hahanap-hahanapin mo ang kasunod na kabanata.

Game na ako, Kayo ba?

Goodluck sa lahat ng kasali, lalong lalo na sa akin.

Hanggang dito na lamang, Babu !



Monday, June 23, 2008

Puro ako Reklamo - Kagabi!

Puyat ako kagabi. Lintik na Frank yan. Magmula Sabado ng madaling araw nawalan na kami ng kuryente hanggang Linggo. Magdamagang walang kuryente. Imagine po naman ninyo, ngayun lang nagkaroon. Lunes na !

Hindi ako nakatulog sa kakapay-pay sa mahal kung asawa. Huh, hirap nun ha!.Para akong nag iihaw ng saba ng saging (Yes,hindi ng barbeque). Habang nalalamigan ang Mrs ko, ako naman ang pinapawisan. Give and take lang kasi kami ni esme. Nung nakaraang nagka “Blackout” ay ako naman kasi ang natulog nang pinapaypayan niya.

Frank! (@#$%^) Wala nang kuryente wala pang telepono pati dsl wala din. Grabe namang lungkot ng sinapit ko. Kakainis talaga. Ang hirap pang kontakin ng mga damuhong taga Bayantel, Meralco at Nawasa (Nagreklamo kasi yung pina-kisuyuan ko na tumawag at magreport) Grrrr#$%%&&* ! Buti na lang at may tubig pa kami sa tangke. Kundi hindi pa ako makakaligo bago pumasok ng trabaho.

Pero nang malaman ko sa anak ko na tsismosa, este, na tela reporter sa pag siete nang kanyang narinig sa radio (na de baterya) ng lola niya, na may isang pampasaherong barko raw na lumubog at may 747 na pasaherong sakay nito (626 pasahero,121 crewmen) ay medyo napaisip ako. Napaisip ng malalim at sabay buntong hininga.

Umalis ito galing Manila noung Biyernes sa ganap na 8:00 ng umaga na patungo sana ng Cebu. MV Princess of the Star and pangalan ng Barko. Pag-aari ito ng Sulpicio Lines na mukhang suki na ng trahedya sa karagatan (Knock on wood).

Mapalad pa pala ako kahit papano at puyat lang ang inabot ko Ano na kaya ang sinapit ng mga pasaherong yun? Anong pag iisip at pag aalala ang inaabot ng mga kamag anakan ng mga ito?
Ako po ay nakikidalamhati sa mga naulila ng mga pasaherong nadamay sa trahedyang ito na dulot ng Bagyong Frank. Nawa ay madami ang makaligtas at napadpad lamang sa ibang lugar.

Okay lang talaga at puyat lang ang inabot ko. Ngayun nga habang sinusulat ko ito ay antok na antok ako pero ok lang po talaga, Promise ! Hinding-hindi na ako mag rereklamo. I just realize how lucky I am right now. Naks! English yun ha.

Hanggang dito na lamang po at uuwi na ako ng bahay para matulog.
Babu!!!

Friday, June 20, 2008

Kwentong Hi-Tech


Dumating this morning ang Company photographer namin. Ganda ng camera na dala niya. P35 K daw ang price dati pero ngayun daw P25K na lang. Ang bilis daw ng pagbaba ng presyo ay dahil sa mga lumalabas na "latest".
May lalabas daw na camera na parang Rayban lang or sunglasses. Dinescribe niya kung saan nakalagay ang view finder pati transmitter para deretso ang file transfer. Pwede rin daw iprint agad. Tindi ng hi-tech ano? Paano ang pakuha ng picture? Voice command lang daw.
Tamang tama sana gamitin ng mga reporter bago magpa kidnap sa Mindanao. Makukuhan nila ang mga mukha ng bandido, pati buong lugar ng pinagdalhan sa kanila at madaling mahuli ang mga kidnaper. Ang problema lang baka nakawin lang ng kidnaper at ibenta sa ukay-ukay!.
Ang alam ko may Sunglasses na pweding kabitan ng ipod at pwede kang manood habang nasa biyahe ka."People on the go" ang selling point nila.
Grabe ang talino ng tao ngayun. Lahat na yata ng mga bagay na imposible nuon ay pwede na ngayun.

Naalala ko yung mga Batman movies nuon, kahit black and white lang pero gara ng mga gamit nila. Ngayun, totoo na yung kunyari lang na mga gadget nila.
Nuon ang pangbukas ng de lata ay abrelata o kaya yung parang susi na may butas sa gitna. Duon mo ishoot yung kapirasong nakalawit ng lata (ng delata),habang iniikot mo yung parang susi,pumupulopot naman yung lata hanggang sa dulo nito at mabuksan yung sardinas o cornbeef.Ngayun, itapat mo lang sa gadget, iikot na yung delata,presto bukas na. May pambalat din ng mga prutas na ganire.

Minsan napunta ako sa Trinoma,Akala ko sira yung mga escalator nila kasi hindi umaandar. Yun pala may sensor na kapag tumapat ka ay kusang aandar. Galing ano?

Dami nang lumalabas na Hi-tech gadget na ang layunin ay para dumali at gumanda ang ating mga buhay. Ang problema lang pati buhay ng tao dumadali na rin.

Kaya ngayun naman ang iniisip nila pampahaba ng buhay o kung ano-ano. Hindi ba kamakailan lang may nademandang cosmetic Doktor (ng mga artista) dahil palpak daw ang pinahaba niya "ari-arian" ng isang Fil-am?
O siya-siya tama na muna dine at baka saan pa mapunta itong kwentong to.
Kayo naman ang magkwento

Panaginip


Ang sarap ng tulog ko kagabi. Hindi pwedeng bayaran ng salapi. Medyo masarap kasi ang klima, medyo malamig ang paligid. Kahit bentalador lang ang gamit ko parang aircon ang lamig.
Ang nagpadagdag pa ng himbing ng tulog ko ay ang ganda ng panaginip ko. Namputsa, pagbukas ko daw ng website ko na ito ay may natanggap akong mensahe na nanalo ako sa pa contest ni Burato. Walandyo, eh naalala ko wala pa nga pala akong entry pano ako mananalo. Tsaka October pa matatapos yun, ang tagal ko palang natulog. Dun ako nagising. hehehe.
Pero ayun sa aming seminar dati, kapag lagi mo daw iniisip ang isang bagay, at nag-iisip ka na nakuha mo na ang bagay na yan. Makukuha mo daw talaga.
Yan din ang sabi sa " The Secret" (the law of attraction,ek ek) ni Ronda Byrne.
Pero teka,ano kaya ang katumbas nun sa Lotto?
Matulog na lang muna ako uli para matuloy yung panaginip ko.
Babu!

Thursday, June 19, 2008

Nalimutan Ko na!

Salamat sa Pa Contest ni Buraot at naalala ko itong natutulog ko na website. Actually, hindi ko siya nalimutan. Hindi ko lang natandaan kung papano mag post. Sa dami ba naman ng email address ko at sa dami na ng username at password na dapat kung tandaan ay nalimutan ko na tuloy ang karamihan.Gaya nito, Pero ok na, dahil sa green bucks na premyo sa contest,tumatalino talaga lahat ng tao.

Anyway,
Ang Sikatchupoy si BURAOT Contest ay hanggang October pa naman kaya kami muna ang sasali.

Ang daming premyo,puntahan niyo na lang ang link at mag iisip pa ako ng pangsali.
Hanggang dito na muna at baka malimutan ko na naman ang pag pasok at paglabas dine.
Babu!