Monday, November 29, 2010
Noung Tumama ako ng Lotto
Ilang taon ko na itong plinano kung manalo ako? Naka detalye na lahat. Pati kung papano ko tutulungan ang mag taong malapit sa aking puso na hindi nila alam na ako ang tumulong. Pag bibigay sa mga ilang charitable institution na natulungan na naming dati. Sa Simbahan namin at sa Poong Nazerno sa Quiapo.
Hindi ako bibili o titira sa malaki at magarang bahay. Hindi ako bibili ng mamahaling sasakyan. Ganito pa rin ang style naming pamilya. Simple lang pero very happy. Ang ibang plano ay unti-unti kung gagawin at ilalabas hanggang parang normal lang ang pagyaman ko. Papano? Secret !
Mga pera sa bawat bangko at investments ay nakalagay lahat sa “Last Will and Testament”. Pati dapat paglagyang huling hantungan ng pamilya ay detalyado na rin.
Ganda na ng aking mga naisip. Palalim ng palalim ang lahat ng mga plano ng bigla akong hampasin ng unan Misis ko. Bigla akong balikwas.
Inaagaw ko na pala ang unan niya. What? Nananaginip pala ako. Isang napakagandang panaginip.
Talaga itong Misis ko laging kontra sa buhay ko. Nagtataka talaga ako kung soulmate ko itong napangasawa ko. Minsan lang ako managinip nang colored pa inagaw pa sa akin. Agaw trip.
Nangyari na ba sa inyo yan na parang totoo ang panaginip niyo?
Wala pang tumama sa 6/55 at aabot na sa P 738,000,000.00 ang premyo. Babu muna at matutulog ako uli. Baka mabalikan ko yung mga numerong natayaan ko sa panaginip ko.
At maging totoo ang panaginip ko “Noung Tumama ako sa lotto”.
Saturday, November 27, 2010
Wiling – Willie, isang araw sa buhay ko
Sampu kaming nabigyan ng passes upang makapasok sa Willing – Willie show, sa dahilang may TV advertisement ang aming kompanya sa programang ito.
5:00 P.M. ay nabuo ang grupo kaya diretso kami sa gate ng T.V. 5 at binanggit namin ang taong kontak person namin sa guard. Agad naman kaming pinapasok upang antayin ang susundo at magsasama sa amin papasok sa loob ng Studio.
Grabe ang pila ng tao sa labas ng istasyon. Iba't-ibang edad, lalaki, babae, bakla, tomboy, lola, lolo, may ipin o wala ay sama-sama sa pila. Iba-ibang grupo at karamihan ay tila color coding ang mga damit. Naisipan naming red ang kulay ng T-Shirt na isusuot namin.
Kaya para kaming human stop light dahil katabi namin ang may suot na green at mga yellow.
Karamihan ay may mga dalang tarpaulin na nagsasaad ng pagmamahal kay Willie Revellame, kay Shalani (Co-Host) at sa show. May mga gumawa ng sash at kartolinang itsurang korona para sa ulo. Iba-ibang gimmick para mapansin upang kahit paano ay maabunan ng grasya ni Wellie.
Magkahalong paghanga at awa ang naramdaman ko sa mga taong ito. Papano kung umuwi silang luhaan at walang maiuwing pera o regalo. Ramdam ko ang kanilang tiniis na hirap, pagod at gutom upang makapasok lamang sa loob ng istasyun sapagkat para sa mga taong ito ay dito sila nakakakuha o humuhugot ng pag-asa.
Isang pilang mahaba ang aming nadaan nang mga pinalad na makapasok sa loob. Sa iba kami dumaan kaya nadaanan namin ang mga saradong kuwarto (dressing room) nina Willie at Shalani.
Sa loob ay pinaupo kami sa unang row ng hanay ng mga upuan. Malamig ang paligid at maraming security personnel. Halos kalahating oras pa ay may 2 comedienne/ singer (Inday Garutay at Jeff Vasquez) na kumanta, nagpatawa upang magising at maging masaya ang paligid.
Hiyawan, palakpakan, taasan ng streamer at poster. Nabuhay ang mga dugo ng taong nasa loob ng istasyun. May mga sumasayaw at sumasabay sa indak ng tugtugan. Bumunot din sila ng 40 names ng tao ng sasali sa isang laro na ang tawag ay 1 2 3 go. Ipinaliwanag din nila na kung more than P 10 thousand pesos ang napanalunan ng isang contestant ay may kaltas daw itong tax ayun sa batas.
Lumabas si Owen at nag-paliwanag sa mga bago o first timer kung ano ang gagawin lalo na kapag tinamaan ng camera. “Huwag tumawa kung naiiyak ang nagsasalita o ang may hawak ng mike”. Nagturo din siya ng tamang sayaw sa opening number. Naging masaya agad nang mamigay siya ng regalo sa pamamagitan ng pag hagis ng mga ito. Marami ang humalik sa kanya kaya lang ay puro may edad na. Kaya nung mapunta sa mga bata-bata ay siya naman ang pabirong humirit.
Sa tuwing may station break or commercial ay agad tatayo at kakanta o magpapatawa sina Inday Garutay at Jeff Vasquez. Importante ito sapagkat napapanatili nito ang init or energy ng mga manood.
Dito rin nakapag pahinga sina Willie at Shalani na diretso sa kanya-kanyang room.
Mabilis ang kilos ng mga staff o propsmen ng show. Halatang sanay na sanay at organize ang systema ng pagpapalit ng set. Halos ilang minuto lang ay naalis na at nailagay ang gagamitin sa kasunod na segment.
Magaganda at mapuputi ang mga dancers na kung tawagin ay WW.Girls. Kabisado nila ang bawat sayaw at tamang oras ng pag-papalit bihis. Walo (8) ang camerang gamit at tila isang orkestra na may coordinasyun ang kanlang pagkilos.
Ang mga binabasa nina DJ Mo, Shalani at Willie at pati ng mga dancers ay maayos na nakasulat sa brown paper at inilalapit kung kailangan. Maraming nakasulat na reminder para sa host pati sa nanalo upang hindi magkamali ang mga ito sa sasabihin.
Simula 6:30 P.M. Hanggang 9:00 P.M. Ang haba ng T.V. show
Inaamin ko na hindi ako fan ni Welly Revillame pero nung mga sandaling iyon ay tila humanga ako sa kanya. Pinilit niyang ipalabas ang isang programang para sa masang Pilipino.
Sa kabila ng mga demanda o asunto,isang Wiling - Willie na show ay ibinigay sa tao.
Nauunawaan at naiintindihan ko ang mga pangangailangan ng mga taong nanduon. Aamot ng kunting pera, ng kaunting regalo at sandamakmak na tuwa at saya ang baun sa paguwi sa kanilang tahanan. Nagtiyagang pumunta, pumila at kapag makapasok ay may tangan na pag-asa para sa susunod na bukas.
Sa kabuoan ay hindi ko napansin na halos apat (4 ) na oras na pala akong nakaupo sa tila walang katapusang napulot na saya na dulot ng programa. Pero sa mga taong pumila at galing sa malayong probinsiya, halos isang araw ang nagugol na oras nila dito.
Sana ay maging daan ang show sa pagtulong at pagtuklas ng tunay na ginintuang talento ng isang Pinoy (kahit na hindi ito talent search show). Nawa ay makapagbigay ng pang-matagalang tulong sa maraming dumarayo dito. At hindi makaranas ng pag kutya ang maraming kapos palad na umaasang maambunan sila ng grasya.
Sa mga contestant na pilit tatawanan ang hirap ng buhay kahit pumapatak ang luha, nawa ay makamit niyo ang tagumpay sa tamang oras o panahon at sa tulong ng Poong Maykapal.
Pag-uwi ng pagal kong katawan ay sinalubong ako ng aking mga anak na animo isang artista. Nakita nila ako pero naka-simangot daw ako. Hindi daw ako naka-smile. May mga text at tawag akong natanggap mula sa mga kaibigang nakakita at nagsabing suplado ako sa T.V.
Camera shy kasi ako. Pero sa pagbalik ko, alam ko na ang gagawin ko, todo smile na ako. Isang ala-ala na hindi malilimutan ang pag-pasyal sa Wiling- Willie, tila ako ay nawili.
Isang kwento, isang araw sa buhay ko sa Willing – Willie.
Bago tayo maghiwalay, hayaan niyong sabihin ko ang galing ng Pinoy. Gawa ng Pinoy para sa Pinoy.
Islander Sandals, Kapal ng Orig. Tibay ng orig.
Babu na muna!
Wednesday, November 24, 2010
Usapang Kontrabida
Dati ang mga kontrabida sa ating pelikula ay mga mukhang goons. Mga matataba, nakakatakot ang mukha at kung magsalita ay tila kampon ni Satanas. Dito sa usapang ito ay sasagi sa ating isipan ang mga pangalang Bella Flores, Max Alvarado, Paquito Diaz, Romy Diaz, Bomber Moran, Subas Herrero at Eddie Garcia ( pweding Bida at kontrabida). Nagbago na rin naman ang mga goons natin ngayun, naging guapo na rin gaya nina Eric Quizon, Edu Manzano (yan 2 pwedi ring bida at kontrabida), John Regala, Ramon Christopher, Rex Cortez, Gladys Reyes etc...
Siyempre alam naman nating ang trabaho ng kontrabida ay pahirapin ang buhay ng bida. Mas magaling sila sa pagpapahirap sa bida mas gumaganda ang istorya. Sabi nga nila, kapag galit na galit ang mga viewers sa kontrabida, ibig sabihin ay kapani-paniwala ang kanilang pag ganap.
Pero ang topic natin ay hindi sa movies kundi sa buhay natin. Ang mga kontrabida sa buhay natin ay depende sa ating sitwasyun. Kontrabida-Yung bang tipong marinig mo lang ang pangalan ay kukulo na ang dugo mo sa galit dahil sa mga pinaggagawa sa iyo.
Kung teenager ka ay malamang mga ermats mo, erpats, klassmates, Terror na guro, kaibigan, tito at tita na kontra sa mga pinaggagawa mo sa buhay.
Kung Housewife ka ay yung mga tsismosang kapitbahay, asawang suwail, masungit na biyenan, rebeldeng anak at kontrang kamag-anak.
Kung lolo at Lola siempre depende sa status ng pagka tanda mo. Dahil kung ulyanin na halos lahat ng tao sa mundo kaaway mo na.
Kung working girls ka o boys siempre yang mga ka office mates (bukod sa ilang nabanngit sa itaas) o ka trabaho mo ang sisira sa araw mo (gabi kung night shift ka, hehehe).
Ano ba ang mga dapat gawin if ganito ang sitwasyon mo?
Dapat ignore mo sila upang hindi masira ang araw mo. Nakangiti ka habang nagsasalita sila pero hindi mo naririnig ang mga sinasabi nila. In other words, pipi sila sa iyong daigdig.
Huwag nang tangkain sumagot pa dahil ang mga kontrabida ay talagang magaling mag dialogue. Kapag nag agree ka kasi nasisira ang pagka- kontrabida niya kaya Win ka agad niyan.
Kapag kinausap mo sila ay dapat singlaki ng Clubhouse sandwich ang bunganga mo habang nagsasalita ka. Iisipin niyang baliw ka at iiwas na iyan sa pagkontra sa iyo
Kapag nakarinig ka ng tsismis, sumbong o kwneto ng ibang tao at sabi ay galing sa kontrabida ang istorya, huminga ng malalim, look sa sky sabay antanda (sign of the cruz) at sagot ng “Ganun ba, Praise the Lord”.Lalayo na ang mga demonyo, este ang mga nag kwento.
Turuan mo silang kumain ng “nga-nga”. Magiging busy yan sa pag nguya ng “ nga-nga” at maililimutan ka na niyan. Iwasan mo lang maduraan ka dahil kulay pula yan kapag tumama sa iyo.
Mag-aral ng mga kanta (Kumanta). Pero mas pangit ang boses mo mas pabor sa iyo. Kumanta ka ng kumanta hanggang sumakit ang mga tainga nila. Tiyak lalayo o didistansiya sila sa iyo.
Kapag nagbigay sila ng advise ay siguraduhing inuulit-ulit nila ang kanilang dialogue. Kasi yang mga yan ay feeling genius sa pagbibigay ng advise. In other words gawin mo silang sirang plaka. Kapag nangawit ang panga niyan ay kusang hihinto yan at ilang araw ka ring Holiday sa katahimikan diyan. Mas maganda kung mag ka beke yan mga yan.
Kung ang style mo naman ay “Andres bonifacio” o “Gabriela Silang” na never say die, hamunin mo ng saksakan, barilan, paluan ng tubo sa ulo o kuratan sa singit. Siempre lagi silang talo sa Bida pagdating sa ending kaya sure mananalo ka. Ang problema lang ay baka ma terminate ka sa trabaho. Ang positive side ay wala ka nang trabaho at wala nang kontrabida sa buhay mo.
O ayan ha, I do hope may napulot na naman kayong makabuhang aral mula sa inyong lingkod.
Pero kung type mo namang maging kontrabida, sige lang , iyang mga iyan ang iwasan mong isasagot sa iyo.
Kung mayroon kayong gustong ihingi ng solusyun, huwag mangiming sumulat dito at pipilitin kong tugonan bago sumapit ang year 2012
Babu na muna at hahanap pa ako ng “nga-nga”.
Monday, November 22, 2010
Telepono at Tamang Modo
Mga tsong gusto ko sanang malaman kung ano mararamdaman ko kung pag tawag mo sa isang kumpanya ay isang taong parang may problema sa mundo ang sasagot sa iyo?
Kung sa halip na magandang boses, malambing na pagbati at mala-anghel sa ganda ang sasagot, ay tila kabaliktaran ang nangyari? Bad trip hindi ba? Parang nakikita mong pangit ang nasa kabilang linya ng telepono. (kung pangit ang ugali, sigurado pangit din ang itsura!).
Yung sumagot ay ramdam mong bad trip sa buhay at tila naipasa na sa iyo ang kanyang negative energy.
Pero dahil sa sadyang mapag-pasensiya tayong mga Pinoy ay pag usapan na lang natin ito at ating itama ang taong ito?
Kung wala ka namang time ay sige, go ahead, lipat ka na sa ibang website. Maiintindihan kita.
Pero kung sinunsundan mo pa rin ako hanggang dito, ituloy na natin.
Kaibigan, kung no choice ka sa work mo at need mong sumagot ng tawag sa telepono ay ito ang mga dapat mong tandaan:
1. Maging professional, confident at ngumiti bago sumagot. Maglagay ng salamin sa iyong harapan upang makita ang iyong reaksiyun sa oras na iyon. Kapag mainit ang ulo mo at naka-kunot ang nuo mo, yan din imahen na nakikita ng kausap mo.
2. Sagutin agad bago makatatlong ring.
3. Upang maging maganda ang simula, gumamit ng magalang na salita gaya ng “Magandang umaga po, Ako po si Kamote, ano po ang maipaglilingkod ko?”.
4. Piliting makuha ang kailangan at matugunan kaagad ang pangangailangan ng tumawag. Kunin ang mensahe ng tama at kumpleto. Pati pangalan at numero ng kausap kung kailangan siyang tawagan muli.
5. Huwag mo nang ipa dial-uli sa ibang numero kung pwedi mo namang maipasa and handset. Mahalaga din ang oras ng taong nasa kabilang linya na tumawag. Unless talagang necessary at naitanong kung okay lang ba sa kanya iyon.
6. Laging maghanda ng lapis o ballpen at papel sa tabi ng telepono.
7. Kung hindi mo matugunan ang pangangailangan ng kausap, bigyan ito ng contact number at tamang oras kung kailan siya pweding tumawag uli. Sa paraang ito ay naiparating sa tumawag na hindi nasayang ang kanyang oras.
8. Maaring tapusin ang pag uusap sa paglilinaw kung iyon lamang ang pakay at pagbibigay ng magalang na pag pasasalamat.
O ayan ha, sana ay nakatulong ako sa mga kaibigan natin medyo maasim ang mukha sa pag sagot ng telepono. Alalahanin sana nila na diyan nanggagaling ang kanilang kinikita. Dapat ay mahalin nila ang kanilang trabaho. Kung dumating ang time na may mga magreklamo na sa kanila na hindi na makatiis (tayo mapag-pasensiya pa) at maging dahilan ng pagka alis sa trabaho ay saka sila iiyak at hihingi ng tawad at isa pang pagkakataon.
Hoy Gising! Baguhin na ang ugali hanggat maaga pa. Ipabasa ito ASAP. May panahon pa... Tumahak sa tamang daan.
Oh, papano? Babu na muna at maghahanap uli ako ng bagong topic. Once a month na lang ako maka-post. Pasensiya na mga Pare at Mare ko.