Saturday, July 5, 2008

Pagbalik ng death Penalty,payag ka ba?


Pag balik ng bitay o death penalty, payag ka ba?

Sa tingin ko ay tama ang mga taong responsible sa pag alis ng hatol na Bitay sa mga kalunos-lunos na krimen. Sabi ng ilang henyo ng nag aral tungkol sa bagay na iyan ay hindi daw napatuyan sa pag aaral na ginawa ng nakaka-pigil ng krimen ang parusang kamatayan.

Napag-uusapan na naman uli (na ibalik ang death penalty) ito dahil sa matinding krimen na naganap sa isang pagnanakaw sa isang bangko na matapos looban ito ay pinatay lahat ng mga taong minalas na nagkataong pumasaok nung araw na iyun. Halos sa ulo lahat ay binaril sa ulo.

Inalis na nga po ang hatol na bitay pero may suggestion ako sa halip na habang-buhay na pagkabilanggo ay palayain na lang natin sila.

Tama po palayain natin pero dapat putulan ng mga kamay at paa. At kung may kasamang rape ang kaso, pati ari-arian ay dapat din putulin.

Sa araw ng kanilang paglaya ay dapat full coverage ng media sa print at broadcast. Eh pano siya uuwi ,maglalakad at sasakay pauwi eh putol na nga ang kamay at paa niya ? Tanong niyo hindi ba?

Yun nga ang catch dun, nanaisin na lang niya patayin siya kesa buhayin siya na ganun ang kalagayan niya. Hindi naman natin siya pag bibigyan kasi nga ay kasalan ang pumatay ng tao. Anong say niyo?

O ayan, isa na naman kuro-kuro ng inyong abang lingkod na dulot uli ng laki ng gutom.

Kain muna ako.

Babu!


No comments: