Wednesday, July 2, 2008

Kidnapping sa Mindanao


Yan nagaganap na imbestigasyun sa pag kidnap kina ces Drillion may mangyayari ba?
As usual wala rin. parang hindi na kayo nasanay sa gobyerno natin. Puro imbestiga lang ang alam. Puro publisidad lang ang alam.
Paglutas sa problema ng kidnapping sa Mindanao ng bandidong grupo na Abu Sayyaf, may solution ba? May naiisip ako!

Simple lang ang naisip ko. Dapat ay kausapin natin at papayagin kahit isa lang sa kanila:

Si Joaquin Bordado, Kapitan Barbel, Darna, Super Twins, O si Kamandag (Sorry ha, Kapuso ako eh).
Siempre yung disguise niya na ordinaryong tao muna siya ang pangpain.Pagkatapos ay ipapadala natin siya sa Mindanao kunyari reporter. (Dapat hindi sila nanonood sa GMA 7 para effective)

Sigurado kikidnapin siya hindi ba? OO! siempre (ayaw niyo sumagot eh). Eh, d alam niyo na ang susunod na kabanata. Talo ang mga bandidong grupo.

Tapos ang problema sa kidnapping. Huli lahat ng Abu Sayyaf na yan. Pati mga kasabwat huli din
Gets niyo ba? Ako rin hindi. Ang hirap ng gutom, kulang sa busog at kung ano-ano pumapasok sa isipan.

Wala lang. Yan lang muna .
Babu!

No comments: