Tuesday, July 1, 2008

Balik sa Dati

Salamat sa isang araw na nag kaisa ang bawat Pilipino. Isang araw na kaligayahan na naidulot sa atin ng nagawang panalo ni Manny "Pacman" Pacquaio laban kay David Diaz.

Balik na tayo uli sa realidad ng buhay. Mga nalunod sa trahedya ng Sakripisyo este Sulpicio Lines. Mga lugar na napinsala ng Bagyong Frank.Mataas ba presyo ng bigas, ng gasolina mga bilihin pati na ng mataas na bayad ng kuryente.

Nagbalikan na uli ang tila bangungot ng ating buhay. Pati mga ang ayaw nating Presidenti ay nakabalik na rin. Sayang at hindi naisama ni Bagyong Frank sa kanyang pag alis.

Balik na uli sa dati. hay buhay!

Laban uli Manny!

No comments: