Thursday, October 29, 2009

Putol na Tula

Clip art licensed from the Clip Art Gallery on DiscoverySchool.com
Ito ang sample ha, naglinis ang Mrs. ko ng mga kalat at nakita niya itong kapirasong papel.

Walang petsa at mukhang luma na. May nakasulat na tula na hindi pa tapos kaya ang title nitong post ay "Putol Na Tula".

Sa aking hinagap ay matagal na rin ito at aking naisulat nuong mga panahon na feeling makata
ang inyong abang lingkod.

Kung may makita man kayong mali ay paki tawag lamang ang aking pansin. Ano kaya dapat ang titulo nito?

Nais kung balikan, mga panahong nag daan;
Pianglaban natin, ating pagmamahalan.
Wagas na pagsinta, aking alay sa iyo;
Tinugunan mo rin, ng matamis mong "OO".

Maraming Bagyo, Lindol, ang lumipas;
Ngunit pagsinta hindi man lang natinag.
Lalong tumindi at nag alab;
Yaring pagmamahal, na aking alay.

Marmi mang mga anay, na nais sumira;
Sa pondasyun na pinagtibay ng panahon.
Hindi ito masisira o magigiba;
Pangako ko itong aking bibitiwan.

Limang mga supling, na tila mga angel;
Nagsilbing inspiration sa ating tahanan.
Baon man sa utang, Sige lang laban;
Pagka't itoy parte ng pinagsamahan.

Ako'y hindi makata na napapatula;
At hindi mang aawit na napapakanta.
Ang alam ko lamang, umibig ng tapat;
Sa Diyosa ng buhay ko na Abe ang ngalan.

Maaring matawa sa aking tinuran;
Ngunit pagmasadan siya ng malapitan.
Huwag kang kukurap, o pumikit man lang;
At matatanto mo, Tama ako kaibigan.

Hanggang diyan lang ang aking naisulat at hindi ko alam kung bakit putol. Siguro sa susumod ay gagawa ako ng tapusan na parang komiks na Wakasan.

Hanggang dito na lamang at abangan uli ang susunod na kabanata.

3 comments:

Lee said...

mga possible na pamagat manong, bakit twing papasok ako nag hahangpc ko manong, itinayp ko tuloy to sa scratc tapos copy and paste tapos pindot kagad sa comment hahaha... malay mo me mataypan ka habang nagiisip kapa ng pamagat....

Kaputol ng tula

Putol na tula, sa pagdaan ng
panahon

Sa paglipas ng panahon

Bunga ng binhing ipinunla

Pag ibig, masdan ang naging bunga

Walang pagkupas

Parang kahapon lang

Lee said...

pero maganda sya ha, my mga katiting na katiting na koreksyon lang sa pananagalog (nasanay kasi kayo sa inggles hahaha) pero katiting lang naman.
hala konting polbo nalang at pwede ng ikwadro panregalo kay minamahal na kabiyak.

pmonchet said...

Lee Salamat po at napasyal ka dito.Salamat sa coreksiyun. Tama ba yan. hehehe