Mahilig ako magsulat nuong araw. Lalo na nung bata pa ako.
Ewan ko ba, tuwing may makikita akong nuong chalk, crayola, pentel pen o uling -basta pwede isulat lagi akong nagsusulat sa dingding namin.
Minsan nga kahit sa tubig nagsusulat ako.
Ang galing nga ng nanay ko. Basta may nakita siyang bagong sulat ako lagi ang suspect niya kahit madami kaming mga bata na pwedeng pag bintangan.
Pero kahit anong gawin ko ang pangit pa rin ng sulat ko.
Akala nga ng nanay ko magiging Doctor ako.
Nung natoto na akong magsulat pinangarap kong maging writer.
Kahit writer ng komiks. May kaibigan akong nagturo sa akin kung papano sumulat sa Komiks.
Subok naman kami. Naka tatlong pasa kami pero hindi pumasa sa editor. Kung ano -ano ang kulang at dapat pag aralan.
Hanggang sa naisip namin na sa likod na lang ng upuan ng mga bus kami mag sulat. Pero sandali lang iyo kasi nung napunta kami sa Kabataang Barangay ay magbura naman ng mga sulat sa pader ang ginawa namin. Mga kalbaro gamit namin.
Sabi ko hintuan na natin ang pangarap natin. Itong kalboro na ang sign na hindi talaga tayo pweding maging writer.
Mabuti na lang at nauso ang blogging.
Dito walang editor na kokontra. Lahat pwedi nang isulat.
Hindi na ako frustrated writer.
Hindi ko naman hinangad sumikat sa pag susulat. Gusto ko lang talaga mag sulat.
Kaya naisip ko, sige na nga at dito ko na ilalabas ang natutulog kung pangarap sa pagsusulat.
Abangan niyo na lang ang susunod na kabanata...
acura vacuum diagram
6 years ago
3 comments:
Nakakabitin naman. he he he. Akala ko buo na ito eh.
Z
Ako din, bitin he he he.
Anyway, ako naman matagal na gusto magsulat kaya lang naligaw ng landas e.
Naging engineer nga, maaga naman nalaos....
Doc Z, don't worry, isa-isa kung ilalabas. Kaya lang, baka pamanis. hehehe.
Angel - Sabi nga ay naliko lang naman ng landas pero duon pa rin ang punta. Magaling naman talaga kayong dalawa ni Doc Z.
Post a Comment