Clip art licensed from the Clip Art Gallery on DiscoverySchool.comIto ang sample ha, naglinis ang Mrs. ko ng mga kalat at nakita niya itong kapirasong papel.
Walang petsa at mukhang luma na. May nakasulat na tula na hindi pa tapos kaya ang title nitong post ay "Putol Na Tula".
Sa aking hinagap ay matagal na rin ito at aking naisulat nuong mga panahon na feeling makata
ang inyong abang lingkod.
Kung may makita man kayong mali ay paki tawag lamang ang aking pansin. Ano kaya dapat ang titulo nito?
Nais kung balikan, mga panahong nag daan;
Pianglaban natin, ating pagmamahalan.
Wagas na pagsinta, aking alay sa iyo;
Tinugunan mo rin, ng matamis mong "OO".
Maraming Bagyo, Lindol, ang lumipas;
Ngunit pagsinta hindi man lang natinag.
Lalong tumindi at nag alab;
Yaring pagmamahal, na aking alay.
Marmi mang mga anay, na nais sumira;
Sa pondasyun na pinagtibay ng panahon.
Hindi ito masisira o magigiba;
Pangako ko itong aking bibitiwan.
Limang mga supling, na tila mga angel;
Nagsilbing inspiration sa ating tahanan.
Baon man sa utang, Sige lang laban;
Pagka't itoy parte ng pinagsamahan.
Ako'y hindi makata na napapatula;
At hindi mang aawit na napapakanta.
Ang alam ko lamang, umibig ng tapat;
Sa Diyosa ng buhay ko na Abe ang ngalan.
Maaring matawa sa aking tinuran;
Ngunit pagmasadan siya ng malapitan.
Huwag kang kukurap, o pumikit man lang;
At matatanto mo, Tama ako kaibigan.
Hanggang diyan lang ang aking naisulat at hindi ko alam kung bakit putol. Siguro sa susumod ay gagawa ako ng tapusan na parang komiks na Wakasan.
Hanggang dito na lamang at abangan uli ang susunod na kabanata.