Source:Photobotic
Quenna N Lee-Chua (Tinagalog ko lang) Philippine Daily Inquirer Page G4 June 9,2008
25 ways to start the school year right
Maghanda sa Isipan
1.Linisan ang iyong kwarto at cabinet. Gamitin uli ang lumang kuaderno at papel kung pwedi pa.Itapon ang mag bagay na hindi na kailangan upang hindi na baliktarin ang iyong lugar sa paghahanap ng paper clip.
2.Ilagay ang mga lumang documento sa kanya-kanyang sisidlan (na may nakalagay ng tanda gaya ng “Grade six book report”).Maari mo nang gamitin ang bagong lugar para sa mga gawain sa taong ito.
3.Bumili ng mga gamit pang eskuela bago mag pasukan.Maging handa sa mga gamit na mahalaga gaya ng pens, pencils, paper, crayons, colored paper, stapler with bullets, folders, scissors, glue and printer cartridges.
4.Gawing ugali ang pag-gawa ng takdang aralin. Maaring pagkagaling sa paaralan ay kumain ng meryenda o maligo pero ang magagaling na estudyante ay inuuna ang pag gawa ng asignatura bago manood ng T.V o maglaro sa computer.
5.Mag aral ng matalino hindi lang puro pagsisikap.Mag-aral ng aralin kung ano ang dapat unahin. May inuuna ang mahihirap dahil nanga-ngailan ito ng higit na pag-isip meron naming inuuna ang mga madadali upang gumaan ang kanilang pakiramdam.Tapusin ang mga aralin na kailangan kinabukasan o sa susunod na araw.
6.Para sa mahaba-habang proyekto gaya ng term paper o “multimedia presentation”, hatiin ang mga gawain sa araw –araw. Higit na makakagaan ng trabaho ang paghahati-hati ng gawain kesa magdamagang gawaan isang araw bago ipasa.
7.Huwag magbasa ng pahapyaw lamang,gumamit ng pangmarka(kung hiram lamang ang aklat,isulat ang mga mahalagang bagay).Kung hindi maiintindihan ang nilalaman,basahin ng dahan-dahan.Minsan ay kailangan ng ika-tatlo o ika-apat na pagbasa bago maunawaan.
8.May mga mag-aaral na hindi pinapansin ang mga larawan o guhit,pagka’t ang kanilang akala ay hindi ito mahalaga.Subali’t ang mga ito ay lalong nakakapagbigay ng kaalaman patungkol sa lathala nang higit na mabisa. Kapag natunghayan ang mga guhit o larawan,pumikit at sikaping alalahanin kung ano ang mensahe nito.
9.Gumawa ng pagsubok na pagsusulit mula sa iyong aralin.
10.Gawin ang mga natitirang aralin sa iyong aklat kahit hindi kailangan upang madagdagan ang ating kaalaman.
Paghahanda sa kalooban
11.Huwag mag umpisa ng pasok ng madalian. Mag pahinga ng ilang araw bago magpasukan.manood ng sine,tawagin ang mga kaibigan sa inyo, o kumain sa labas.
12.Kilalanin ang inyong mga guro. Alamin ang kanilang libreng oras, telephone (cellphone) o email.
13.Kung may hindi maunawaang konsepto,huwag kang susuko kaagad. Humingi ng tulong sa mga kaibigan,magulang o guro.Kung mayroon kang tutor,tiyakin na pwe-pwede siya kung kailangan.
14.Tiyaking alam mo kung paano maipagbigay alam sa paaralan kung may biglaang pangyayari o sa kabaliktaran.
15.Ang ala-ala ng katamaran nuong bakasyun ay maaring magbigay sa iyo na kapabayaan sa pag-aaral.Labanan ito.Ang katamaran ang isang malaking dahilan ng pag-bagsak ng grado.
16.Sa mga pagsusulit- ang oras ay mahalaga. Maraming bumabagsak sa mathematics hindi dahil sa hindi nila alam ang sagot,kung hindi sa hindi nila pagkatapos sa tamang oras ng pagsusulit.Sa bahay,orasan ang sarili sa paggawa ng pagsusubok.Pagsasanay ang susi ng tagumpay.Ito ang magbibigay sa iyo ng malaking tiwala sa araw ng pagsusulit.
17.Ibalanse ang oras sa aralin at kaibigan. Gamitin ang isip.Kapag may pagsusulit nang Lunes, hindi tama ng magpuyat ng linggo.Sa kabilang banda,kapag natapos ang gawain pang eskuela ng hapon ng huebes, maaari kang lumabas para mag ice cream. Ang pakikisalamuha ay nakakabawas ng pagod.
18.Isali ang sarili sa ibang gawain tulad ng pampalakasan o pagtulong sa komunidad. Ang pakikisalamuha ang mag hahasa sa iyo ng ibang katangian at tumulong sa ibang tao.Kung nasa High School,ang pag Sali dito ay makapagbibigay ng malaking pagkakataon upang makakuha ng magandang paaralan sa Kolehiyo.
19.Huwag lamang sosobra sa pag gawa ng ibang bagay.Kung hindi maganda ang resulta sa iyong pag aaral,mas makakabuti na ituon ang atensiyon sa gawain sa loob ng silid aralin kaysa lumaban sa lupon ng mag-aaral.
20.Piliin ang mga kaibigan na makapag aangat sa iyo kaysa hilahin ka pababa.Huwag mo hangaring sumama sa mga lakaran at mandaya upang makatapos lamang sa pag-aaral. Sumama sa mga taong makakatulong sa iyong pag aaral.Hindi lamang masarap silang kasama sa mga proyekto o pag-aaral matutulungan ka pa nilang lumabas ang tunay mong kagalingan.
Paghahanda ng Pangangatawan
21.Maglaan ng oras ng pag eehersio.hindi lamang ito nakakatulong sa pag bibigay ng liksi ng katawan at isipan kundi nakakabawas sa hapo.
22.Sa gabi bago magpasukan, kumain ng masaganang hapunan.Tiyaking kumain ng agahan kinabukasan.Ang pagsagot ng mga bagay tungkol sa kasaysayan sa gutom na sikmura ay hindi gagana.
23.Kumuha ng sapat ng tulog.Ayunsa pagsasaliksik, ang mga kabataan ay nangangailagan ng walong oras na sapat na tulog upang ang kanilang kaisipan ay mapagana ng lubusan.Ako ay nababahala sa katutuhanang madami sa aking mga estudyante ay “insomaniacs” at apat na oras lamang ang kanilang tulog bawat gabi,ngunit ang higit na nakakabahala ay mukhang hindi ito pansin ng mga magulang.
24.Ayon sa pagsasaliksik, may mga pgakain na nakaka-pag padag-dag ng isipan.Hindi nakapag-tataka, prutas at gulay ang nasa tuktok ng listahan,sinundan ng manok o turkey (din).Ang mabigat na pagkain ay makapagbibigay ng antok sa iyo.huwag mong ubusin ang isang tasang pansit bago ka kumuha ng pagsusulit.
25.Uminom ng multivitamin araw-araw.Halos lahat ng estudyanteng kilala ko,kahit na atleta pa ay mayroong perpektong pagkain. Ang bitamin ay nakapag bibigay tibay sa ating katawan at tumutulong upang makaiwas sa mga karamdaman.
alfa romeo wiring diagram
6 years ago
5 comments:
Thanks for the EC drops. Hindi ko ma-access yung other site mo with the widget to do the same.
Dapat talagang may motivation ang istudyante para maging maganda ang pagpasok sa school.
Skippyheart - May problem nga minsan.
Snow - talagang hindi busy ang lola ko ah! hehehe.
Hello...
http://marktng-business.blogspot.com
http://phogad.blogspot.com
Wew, i didn't know your language
http://buson-business.blogspot.com
http://daremakeadream.blogspot.com
Post a Comment