Holen
Paglalaro
Maraming mga laro ng holen. Sa Pilipinas, ang pinakaraniwang nilalaro ay ang Bombitan, Kultohan, Tayaan, at Patuan.
- Ang Bombitahan ay nilalaro sa pamamagitan ng paguhit ng linya sa lupa. Ang mga manlalaro ay ilalagay nila ang kanilang pamato sa linya na ginuhit. Guguhit muli ng linya ang mga manlalaro sa kabilang dulo na may 3 o hanggang 5 metrong layo. Ang mga manlalaro ay susubukang mapatalsik ang isa sa mga pamato ng kalaban. Kung sino man ang makakatama ng holen at mapatalsik sa linya ay sa kanya na ang holen na iyon. Ang manlalaro kung saan may pinakamaraming nakolektang holen ang siyang panalo.
- Ang Kultohan ay nilalaro sa pamamitan ng paggawa ng apat na butas sa lupa. Simple lamang ang panuntunan ng laro. Kailangan lamang mapuntahan ng kani-kanilang mga holen ang apat na butas at pabalik. Kapag ang isang manlalaro ay nataaman ang holen ng iba, lalaktaw siya ng isang butas. Ang mananalo ay tatanggap ng holen depende sa napagusapan ng mga manlalaro.
- Ang tayaan ay nilalaro sa pamamagitan ng paguhit ng parisukat sa lupa. Ang mga manlalaro ay maglalagay ng isa isang holen sa parisukat. Sa kabilang dulo ay guguhit muli sila ng linya na may layo na tatlo hangganh limang metro. Kailangan nilang matamaan ang alin sa mga holen na nasa loob ng parisukat. Ang sinumang manlalaro ang makakapatalsik sa kahit anong holen sa labas ng parisukat, magiging kanya ang holen na napatalsik. Ang may pinakamaraming nakolektang holen ang siya panalo.
- Sa patuan naman ay ang pagtama lamang ng holen ng kalaban. Karaniwang nilalaro ito ng dalawang bata. Malaya ang panuntunan ng laro na ito, sapagkat kailangan lamang matamaan ng manlalaro ang holen ng kanyang kalaban sa kahit anong paraan at sa kahit saan.
Holen! Bow!Dayuhang Bersyon
may iba't ibang bersyon din ng larong holen sa iba't ibang bansa. Sa Estados Unidos, meron silang tinatawag na "pot." Ito ay ang pagtama ng holen sa maliit na butas sa lupa. Ang "bombers" naman ay nilalaro sa pamamagitan ng paghulog ng holen sa iba pang holen. May tinatawag din na "ringer" - ito ay paguhit ng hugis bilog sa lupa. Nilalagyan ito ng lanintatlong holen. Ang mga manlalaro ay susubukang tamaan ang mga holen na nasa bilog. Kapag natamaan ng manlalaro ang isang holen at napalabas ito pero ang kanyang pamato ay lumabas din. Kanya na ang lumabas na holen ngunit ang susunod na manlalaro na ang maglalaro.
Ganito kami nuon, Paano na kayo ngayun?