Thursday, April 30, 2009

Manny vs Hatton, The Battle of East and West


The Battle of East and West. Manny "Pac Man" Pacquiao Vs Ricky "Hitman" Hatton.
Ilang tulog na lang po at magaganap na ang salpukang Manny Pacquaio at Ricky Hatton sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas.

Nagpaskil na ang asoyasyun ng tricycle Driver dito sa amin na wala silang biyahe simula ng laban ng boxing at hanggang matapos. Pero kung mananalo raw si Manny (na tiyak naman daw) ay kaunti lang ang magbibiyahe dahil mag iinuman (ng alak) daw sila.
Sa Congreso man ay halos recess din dahil madami sa ating Congressman ay pumunta duon mismo para manood. Para daw kasi sa bayan ang laban ni Manny at sila daw ay makabayan.
Huwag naman sana sila (Mga congressman) tamaan ng Mexico Swan Virus at baka maubos sila sa congreso. On second thought, matagal mamatay ang masamang damo. Tama ba?
Anyhow, balik tayo sa labanang Manny Pacquaio at Ricky Hatton, ang sabi ni Mayweather Sr ay manok daw niya ang mananalo. Pero ang sabi naman ni Roach ay ang kanyang manok ang magwawagi.
Sa aking palagay ay si Manny ang mananalo pero hindi 3rd round gaya ng sabi ni Coach Roach. Malamang ay round 5.
Kayo, ano sa palagay niyo?

No comments: