Thursday, March 12, 2009

SEC in the Philippines



SEC in the Philippines has new meaning. Securities in the Exchange of Commission.

Kung nasusundan niyo ang komedya sa Senado, lumabas sa mga Testigo at Head officer ng Securities and Exchange Commision na tumanggap pala ang huli ng house and lot na ipinangalan sa kanyang anak. Then nagbenta pa diumano ito (Pero anak daw niya) ng Kotseng nagkakahalaga ng P 1.4 Million pesos sa Legacy Pre need company na kanilang binabantayan.
Eh! paano mo ma regulate ang isang organization kung may ganyang hocus-pocus.
Bigla na lang lumitaw sa PDIC office ang nabanggit na sasakyan na matagal nang hinahanap ng nabanggit na opisina. Ang nakakatakot lang ngayun ay baka bigla rin lumitaw sa opisina ng PDIC ang house and lot na napag-usapan.
Only in the Philippines ang corruption is an Art. Para itong Science na ang daming branches.
Pero ang bilis ng action ng taong nakatira sa Malakanyang. Kapag ibang tao ang sangkot ang bilis mag react. Siempre ba naman, hindi ba may kasabihan na "Ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw."
O ayan, kumukulo na naman ang dugo ko.
Eh ano pa ba ang mangyayari eh di wala na naman. Ano ba ang nangyari kina Garciliano, Bedol,Bolante,Abalos etc...Andun sila sa ilalim na punong mangga habang nagbibilang ng Kuwarta.
Hay Buhay! Pilipinas kung mahal, kailan kaya magiging matino ang mga taong nakaupo sa ating gobyerno.
Bahala na lang ba talaga si Lord sa kanila? Anong say niyo Brother's and Sister's?

No comments: