Ako ay walang magawa kanina kaya nagpasyal ako hindi sa lansangan na napaka dilidado sa mga panahong ito, kundi sa mga website ng aking mga hinahangaan at pinag-pipitagang blogger.
Actually binalak ko munang matulog, kaso nung naka-idlip na ako ay nanaginip naman akong nag susulat ako sa blog. Ganda ng panaginip ko kasi nakangiti daw ako sabi ng Mrs. ko. Ang kaso mo biglang akong ginising at baka daw bangongotin ako.
So ayun, nagpasyal na nga lang ako sa landas ng internet at nagawi nga ako dito sa bahay ni Brotherutoy na nag entertain kay Jhaynee at nagsulat ng isang blog post na pinamagatang Ang kapitagpitagang School Project ni Jhaynee
Para pa rin akong nananaginip dahil napangiti ako sa sinulat niya. Kung baga may value kahit puwet lang ng baso. Maganda ang intinsiyon ni Brotherutoy dahil alam naman natin na likas sa kanila ang pagtulong, kaya nakiuso na rin ako.(Brother, minsan pautang (pabulong)).
Likas din kasi ang pagka uto-uto ko kaya pinatulan ko na rin.
Sino ba si Jhaynee?
Siya ay baguhang Blogger at graduating student na nag post ng "Public Notice: Post Mo, Grade ko". Sali na rin kayo at tulungan natin siyang makapasa. Simple lang naman ang request niya.
Sagutin ang mga tanong niya.
Ito ang mga tanong niya:
1. bakit ka nagb-blog?
bakit ka nagbabasa ng blogs? (for readers w/o blogs)
bakit wala ka pang blog? (for readers w/o blogs)
2. ano ba ang benefits na nakukuha mo from blogging?
3. may masama bang epekto ang blogging sa isang tao?
Sagot sa No. 1:
Nung bata pa ako ay mahilig talaga ako magsulat. Lahat ng pwedeng sulatan ay sinusulatan ko. Sa bawat pader ng bahay namin, tiyak may makikita kang mga sulat, gawa ko yun. Minsan pati damit ng classmate ko sinulatan ko kaya ako na office. Pati mga upuan ng bus sinusulatan ko. So sabi ng nanay ko, kapag hindi ka huminto ng kakasulat balugbugin kita. So diyan nag simula ang blogging. Sa nanay ko. Kaya ako nag blog-blog.
Ang sarap kasi ng feeling na yung sinulat mo ay binabalik-balikan mo. Yung emosyon mo at pananaw ay naisasalin mo sa mga titik at sa isang iglap ay mababasa mo. Lalo na kapag may nagsabi sa akin na nakakatawa daw ang sinulat ko samatalang nakakaiyak naman talaga yun. Alam mo yung ganun na feeling!
Sagot sa No. 2:
Siempre kaya ka nagbabasa ng ibang blog para malaman mo rin ang mga nilalaman ng mga kaisipan ng kapwa mo nilalang. Nakakapulot ka ng aral, inspiration, kaalaman at kadalasan ay kalokohan dahil puro ata kenkay at Buraot ang mga blogger ngayun. May mga kwentong joanjoyce,Cindyrella, pinoy na Ambisyoso, mga struggling blogger, mala bahay-palasyo. Meron din tipong painumin mo lang siya atm ala Helen Vela na fatherlyours. Marami pa sana kaya lang baka hindi na umabot ito sa dealine.
Pero actually, karamihan talaga ang no. 1 reason ay to earn money online. Bukod diyan ay sa blogging mo lang makukuha ang mangitim ang gilid ng mga mata dahil sa puyat. Lalakas ang inom mo ng kape at siempre dadami ang virtual friends mo. Bukod pa diyan, kung gusto mo makiuso pwede ka rin magkaroon ng Carpal Tunnel Syndrome.
Sagot sa No. 3:
Lahat naman ng bagay ay may mabuti o masamang epekto dependa na sa tao na nagdadala nito.
Parang Jueteng yan, mabuti yan sa mga nangungubra at sa lahat ng opisyal o nagpapatakbo nito(pati sa ibang corrupt na opisyal ng gobyerno). Mabuti rin sa mga tumatama pero masama sa mag taong laging talo at umaasa na lang manalo. O ayan, very scientific ang mga sagot ko. Pang uno ang grade diyan. Dati kasi nung nag aaral ako lampas diyan ang grade ko, sengko ako lagi.
Siyanga pala, sa lahat ng tagahanga ni Jhaynee, (kaway ako 3x) sa mga UP Visayas College of Management Batch 2004 (UPV CM BATCHOY) at sa teacher niyang si Sir Ramirez, "Isang masayang pagbati po sa inyong lahat"."Happy Valentine na rin at wish ko lang, grumadweyt sana kayong lahat" (except sa teacher niyo).
O ayan, may pabati na may picture pa. Blowout mo na lang ako hane! Bigay ko paypal account name ko.